24

7 1 0
                                    

Warning: SPG

Kabanata 24

Dali dali kong tinignan ang message request niya. Grabe, uso pala instagram sa lalaking 'yon, akala ko wala ng mas tatahimik sa buhay non eh.

Pinindot ko ang message request at nakita kong nangunguna siya doon. Kumunot ang noo ko nang nakita likezone lang 'yon.

Gago?

Sa lahat naramdaman kong kaba at excitement napunta lang sa wala? Seriously? Like? Gago ba siya? Sa sobrang inis ko, tinapon ko ang cellphone sa kama kaya napatingin si Kendall at Drian sa'kin.

"Are you okay?" Drian asked. Humiga na lang ako sa kama at kinuha ang ballpen. Gusto ko ng matapos 'to. Nasira ata ang araw ko nang dahil sa Tristan na'yon! Akala niya ha? Hindi ko siya efofollow back!

Like? Seriously, ano siya bata?

Wait... bakit ba ako naiinis? Ano naman ngayon kung like lang diba? Baka wrong send lang pero bakit naman siya mawrong send? E wala naman kaming recent chats.

Napahawak ako sa ulo ko, nakakastress pala mag isip ng walang dahilan puta.

"Yeah, I'm fine. So where are we?"

Patuloy nag kwento si Kendall pero halatang hindi buo ang kanyang kinukwento, hindi nadin kami nag salita ni Drian tungkol doon dahil relasyon niya naman 'yon. Kahit ako, mas gugustohin kong private but not secret relationship.

KINAKABUKASAN, hinatid na kami sa skwelahan. Kahit palapit na ang sportfest, may pasok pa naman pero 'yong ibang teacher hindi pumapasok dahil ang iba naka assign sa mga subject club.

After this semester, hindi na kami magkaklase ni Drian dahil lilipat na siya. Hindi ko alam kung paano ako nito. Wala kasi akong close maliban kay Drian at Kendall.

Tulala akong nakatingin sa labas. Walang pumasok na teacher kaya malaya kaming mag tunganga pero ang iba kong kaklase ang sobrang busy sa kakaayos ng output namin kay Mr. Manalo. Mabuti nalang, magaling leader si Kendall kaya tapos nadin kami.

"Gotta go, Drianna. Practice" tumango ako sa kanya. Halos hindi siya makapagpaalam sa'kin ng maayos dahil sa sobrang pagmamadali niya.

Hindi din ako nag tagal sa classroom namin dahil wala naman akong kakilala doon. Wala kasi si Kendall dahil nagtext nadidiretso siya sa kanyang club. Lately, Kendall became more busier this month. Hindi ko alam kung anong club siya nabibilang.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka pumunta na lang sa quarter namin. For sure nandoon ang mga teammates ko, mas mabuting na'yon kesa sa classroom nawala akong kakilala.

Akmang bubukasan ko na sana ang pinto ng quarter namin ng bigla itong bumakas at mas nagulat ako ng nakitang si Zane 'yon! Ano ginagawa niya dito? Hinahanap ba niya ako?

"Z-zane"

"K-kate" gulat niyang sambit.

"Hinahana-"

"Zane! Look, I'm s—" mas nagulat ako ng bigla sumulpot si Kent sa likod ni Zane at hinawakan pa ang braso nito na agad ding inalis ni Zane.

"Kate, sa susunod nalang tayo mag usap. I- I have to go." hindi pa ako nakapagpaalam ng maayos ay agad siyang umalis.

"Damn, Zane w-wait" narinig kong mura ni Kent bago sinundan si Zane.

Okay? What was that?

Sinunda ko sila ng tingin. Nakita kong naabot pa ni Kent si Zane pero agad din siyang tinulak nito bago tumakbo palayo pero sinundan pa rin siya ni Kent.

Did Kent already moved? Oh god.

Nagkabit balikat nalang ako bago pumasok ng quarter pero nang nakita ko kung sino ang nasa sala.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon