Nagbihis ako at humiga. Tumingin sa kisame at kapagkuwa'y napapikit ako.
"WAHHHHHHH! NAKAKAHIYA!!!"- sigaw ko subalit tinakpan ko ng unan ang aking mukha upang hindi nila marinig. Can I kiss you? Susmaryosep, saan ako kumuha ng lakas ng loob? Epic talaga.
Maya maya lang ay napangiti ako. For the first time nagkausap kami, for the first time tiningnan niya ako and for the first time napatawa ko siya kahit dahil 'yon sa katangahan ko.
----
Days and weeks had passed, everything is normal except me. Abnormal na yata ako, mukha na akong tanga. Ni ayaw niyang mawala sa isip ko.
Naglalakad ako sa hallway ng may narinig akong ingay. Dahil nga chismosa ako, leeg koy naging giraffe na naman ngunit bigla akong natigilan nang makita ko kung sino. Hindi ko mawari kung bakit may kung anong kirot sa aking puso. They are kissing torridly and it hurts.
Nasaktan ako. Masakit pero bakit ko nga ba ito naramdaman? Dahil ba mahal ko na siya? Hindi eh, ang bilis naman yata. Shuta ka Angela. Pero bakit nga ba ako nasasaktan?
Gusto kong pagalitan ang aking sarili. Hindi ko siya maaaring mahalin sapagkat masasaktan lamang ako. Ni hindi niya ako kilala, ni hindi niya alam na gusto ko siya. Ni pag-asa ay walang-wala ako at kahit kailan hindi niya gugustuhing makasama ako, sigurado 'yon. Sino ba naman ako? Walang-wala ako sa mga babae niya. Masasaktan lamang ako, dahil kung may pagkakataon man hindi ko alam kong magbabago ba siya o ano.
Wala akong karapatang masaktan alam ko 'yon. Ni hindi nga niya alam na nag eexist ako pero siguro naman may karapatan akong masaktang bilang tao. I have feelings too. I can feel pain and feeling this right now is something I won't regret ever.
May karapatan man o wala ay hindi rason upang hindi ka masaktan. Hindi kailangan ng karapan upang masaktan. Kung mahal mo ang isang tao kahit hindi kayo, masasaktan ka talaga lalo pa at makikita mong may iba siyang kasama.
Inayos ko ang aking sarili at muling naglakad. This is me, after ng sakit here I go walking like there's nothing happened. Here I go acting like everything is ok even though ang sakit parin. Siguro nga ay dapat ko nang sanayin ang aking sarili. Sanaying masaktan dahil sa kanya kahit hindi naman niya alam.
Boba na kung boba pero anong magagawa ko?
"Hoi!"
"Ayyy puta!"- sigaw ko.
"Bibig mo Angela. Para kang hindi babae."- suway niya.
"Aba'y bakit? Lalaki lang may karapatang magmura? Bakit? Nababawasan ba pagkababae ko pag nagmumura ako?"
"Hindi nga magandang pakinggan."
"Ohh ehh ano ngayon? Sinabi ko bang pakinggan mo or nila?"
"Baliw ka bahala ka nga."- sagot niya at umupo sa bench. Vacant ko ngayon kaya lumabas muna ako tapos makikita ko ang abnoy na ito.
"Bakit ka nandito?"
"Uupo."- inosente niyang sagot. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Vacant ko. Tsk."
"May tanong ako."
"Ayusin mo."
"Oo na, palagi naman akong maayos ah?"- nakasimangot kong sagot.
"Bakit kadalasan sa inyong mga lalaki sex ang habol sa aming mga babae?" tanong ko. Tiningnan niya ako ng masama.
"Seryoso ka ba? Hindi naman lahat."
YOU ARE READING
Falling In Love To A Womanizer | Ongoing
RomanceAngela Gracia belongs to a simple family. Due to lack of resources and money, she was force to stop attending school and have decided to look for a job. Her job is to maintain the beauty of her customer. Fortunately, her job became a bridge to final...