Tahimik kaming kumakain nang magsalita si mommy.
"Saan mo nakilala ang anak ko iha?"- tanong ni mommy. Kinabahan naman ako bigla, sa parking lot kami unang nagkakilala at hindi iyon magandang pagkikita.
Tiningnan ko si Angela, pinunasan muna niya ang kanyang labi bago nagsalita."Sa mall po." -nakangiti niyang sabi at nang tingnan niya ako ay natatawa na siya sa itsura ko. Nagulat ako syempre. Ang alam ko ay sa parking lot kami unang nagkita. Ibig sabihin, kilala na niya ako? Pero bakit? Aissst!
"Talaga? Yiee, pwede mo ba kaming kwentohan anong nangyari sa araw na iyon?"- sagot ni mommy. Lihim naman akong nagpapasalamat kay mommy sa katatanong niya. Doon ay malalaman ko rin ang nangyari.
"Ang dami pong nangyari sa araw na 'yon eh, sa sobrang dami hindi man lang ako napansin ng anak niyo HAHA."-natatawa niyang sabi.
"Ehh ganon? Paano 'yon, edi hindi kayo nagkakilala?"
"Hmmm siguro nga po, hindi ko naman alam ang pangalan niya eh at hindi ako sigurado kung nakita ba niya ako pero nang matitigan ko siya sa kanyang mga mata ay parang nakilala ko siya."- pag-amin niya. Nanlaki naman ang aking mga mata. Holy fuck! Kailan yon? Kailan? Bakit hindi ko alam at hindi ko matandaan? Fuck! Napapalunok naman ako nang tingnan niya ulit ako.
"I'm with my bestfriend and cousin that time."- pagkwekwento niya. Tapos na pala siyang kumain at hinihintay nalang ang pag serve nong dessert.
"Naghiwalay kami non, as I was waiting for them, I saw a baby girl crying and a man talking to her."- sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. Pilit inaalala ang sinasabi niya. When did that happened? "Nag-alala ako, at the same time gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan nila kaya nakinig ako."- dagdag niya.
"The baby girl is crying because her mother lost her and the man just trying to comfort her and offered his help."- nakangiti niyang sabi."Ibig mo bang sabihin si Anthon iyong lalaking tumulong sa bata iha?"-tanong ni daddy, tumango naman si Angela. Bakit hindi ko matandaan? Tsk!
"Tapos nahuli ka niyang nakatitig sa kanila ate ganda? Kaya natitigan mo siya sa mga mata? Yiee!"- sabat naman ni Emily.
"Hindi rin."-natatawa niyang sagot. Nangunot na naman ang aking noo. Sakto namang dumating yong dessert kaya tumahik sandali. Ilang saglit lang ay muli siyang nagsalita. "Pauwi na kami non, nakasakay kami sa jeep-
"Wait- Jeep? Uwahhh, ate samahan mo ako sumakay ng Jeep please? Pretty please?"
"Hehe sige, 'yon ay kung papayagan kang sumakay ng jeep."
"Stop cutting her off when she's speaking Ely."- sabat ko.
"Tse kuya, curious ka lang eh. Siguro hindi mo matandaan no? Hahaha patay ka."
"Shut up, princess. Tapos?"- baling ko kay Lily.
"Ayon nga, nakasakay kami sa jeep ang kaso pumutok yong gulong ng jeep."- sabi niya. Unti-unting bumalik sa alaala ko ang sandaling iyon. Mula sa nangyari sa mall hanggang sa pauwi na ako at nasundan ko ang jeep na iyon. Muntikan pa akong madisgrasya dahil sinusubukan kong dikitan ang jeep at kausapin ang driver nito dahilan upang hindi ko makita ang paparating na kotse. Sobra ang kaba ko sa sandaling iyon subalit ang naiisip ko ay ang mga taong nakasakay sa jeep na iyon.
"Ayyy hala, bakit ate?"
"Hindi ko alam."
"Wala bang nasaktan iha?
"Wala naman po." - sagot niya at tiningnan ako. "He helped us."-lumamlam ang kanyang mga mata.
"Nakasakay ka sa jeep na 'yon? Bakit hindi kita nakita?"-tanong ko.
YOU ARE READING
Falling In Love To A Womanizer | Ongoing
RomanceAngela Gracia belongs to a simple family. Due to lack of resources and money, she was force to stop attending school and have decided to look for a job. Her job is to maintain the beauty of her customer. Fortunately, her job became a bridge to final...