CHAPTER 33

194 3 0
                                    

Hindi namin namalayan nakarating na pala kami sa palawan. Iba pag may private plane, no hassle. Ngayon naman ay nakasakay kami sa yati. At oo, sa kanila parin itong yati nato. They're really rich.

"Magandang umaga, sir Anthon.  Magandang umaga, madam. Maligayang pagdating dito sa Rosario's Island." Bati ng isang may edad na lalaki.

"Mang Pipeng kumusta? Ayos ba kayo dito?" Magalak na bati niya sa matanda.

"Nako sir, maayos na maayos salamat sa inyong kabutihan nagiging maayos kami dito dahil sa iyong pamilya."

"Mabuti naman po kung ganon Mang Pipeng. Masaya akong marinig iyan."

"Maaari ko bang malaman kung sino itong kasama mo sir? Napakagandang bata, dapat ko bang isiping nobya mo ito?" Nakangiti nitong sabi, bigla naman akong nahiya.

"Ahh, oo Mang Pipeng. She's my girlfriend. Angela po ang pangalan niya."

"Ikinagagalak kong makilala kayo ma'am Angela."

"Ganon din ako Mang Pipeng. Napakaganda pala ng lugar ninyo dito. Pasensya na at ngayon lang talaga ako nakapunta kaya labis akong namamangha." Nakangiti kong sabi. Totoo, napakaganda ng lugar na ito. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ito ginawang  tourist spot gayong sigurado akong maraming turista ang magagandahan sa lugar na ito.

"Tama po kayo ma'am. Napakaganda nitong lugar kaya marami ang nag-aasam na bilhin ito. Sa kasamaang palad ay hindi ito mabibili ng kahit anong halaga." Sagot niya kaya natawa si Anthon.

"Pwede mo ba kaming ihatid sa aming tutuluyan Mang Pipeng?"

"Ayy jusko yon sana ang sadya ko. Pasensya na dahil napakadaldal ko.  Halina't sunod kayo sakin. Nakahanda na po ang lahat pra sa inyo." Sagot niya bago binuhat ang ibang gamit namin.  Sumunod kami sa kanya. Inilinga ko ang aking paningin at nakita ko na may ilang mga tao na nanunuod sa amin na may magagandang ngiti sa labi.

Nakahawak si Anthon sa isang kamay ko kaya kinalabit ko siya.

"Why? Is there a problem?" Tanong niya, umiling naman ako.

"May tanong lang ako."

"What is it?"

"Hindi mo ba naiisipan o ng pamilya mong pagkakitaan ang lugar na ito? I mean, this place is beautiful and I'm sure this will gain interest to lots of tourist and investors." Sabi ko.

"Nah, as what I've said... This place is special to me, not only for me but to all the people who's living in here. As much as possible.... I want this to remain to what it is right now. Money can't buy the value of this island." Sagot niya. Napangiti naman ako. Right, this place is too precious to be sold.

"Nandito na tayo sir, ma'am. Heto po yong susi, tawagin niyo lamang po ako pag may kailangan kayo." Sabi ni Mang Pipeng.

"Salamat po Mang Pipeng."

"Salamat po."

Agad naman kaming iniwan ni Mang Pipeng kaya pumasok na kami. Isang malaking dining area ang bumungad sa amin. Gawa sa kahoy ang kadalasang kagamitan sa loob. Simple ngunit maganda.

"Gusto mo bang magpahinga?" Tanong niya kaya tiningnan ko siya.

"Oo sana, ayos lang ba?" Sagot ko.

"Ofcourse, I'll show you our room." Sagot niya, bigla naman akong natigilan. Anong our room? Ibig bang sabihin iisa lang ang kwarto namin?

"Why? Is there a problem?"

"Tama ba iyong narinig ko?"

"What do you mean?"

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now