CHAPTER 31

255 1 3
                                    

"Are you free this weekend?"- tanong niya nang kami ay makarating sa bahay namin. Gaya ng sabi niya kay mama, inihatid niya ako matapos naming tumambay sandali sa kanilang sala.

"Bakit?"

"Let's go out."-sagot niya. Agad ko siyang nilingon at tiningnan siya kung talagang seryoso ba siya.

"What? Can't I ask my girlfriend to go out?" -natatawa niyang sabi, napanguso naman ako. "Well?"

"Fine."sagot ko.

"Ok then, I'll pick you up tomorrow morning ok? Pack some of your clothes that will be good for 2 days."

"Ano? Bakit 2 days? Saan ba tayo pupunta?"nakakunot noo kong tanong.

"Somewhere, malalaman mo mamaya."- sagot niya, napasimangot naman ako. "What's with the face, baby? C'mon, I just want to give myself a break and I want to spend my time with you."- sabi niya, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil pinipigilan kong ngumiti.

"Oo na."

"Good, now let's go magpapaalam lang tayo sa parents mo."-sabi niya at mabilis na dinampian ng halik ang aking labi tsaka siya bumaba para pagbuksan ako. Nagugulat parin ako, pakiramdam ko'y nag-iba ang kilos niya. Pakiramdam ko'y natural na natural na iyon sa kanya ngunit naalala ko ganon nga pala din siya sa iba, mapait akong napangiti.

Nang mabuksan niya ang pinto ay agad akong bumaba. Pumasok kami sa loob ng bahay at nandon sila si mama at papa nanunuod sa television.

"Nandito napo ako ma, pa."- Sabi ko tsaka lumapit sa kanila para magmano. Ganon din ang ginawa niya.

"Magandang gabi, nay. Magandang gabi po."

"Ohh, bakit walang tay?"- tanong ni papa. Nagulat naman siya sandali tsaka ngumiti, maging ako ay nagulat din.

"Magandang gabi, Tay."-paguulit niya.

"Yan, kaawaan kayo ng Diyos."

"Maupo ka."-sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa katapat nila mama at papa kaya tumabi ako sa kanya.

"Ipagpaalam ko po sana si Angela bukas at sa linggo, sana ayos lang po sa inyo"

"Saan kayo pupunta?"-tanong ni mama.

"Sa Palawan po, Nay."-sagot niya nanlaki naman ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Palawan?

"We're going to Palawan?"-tanong ko. Ngumiti naman siya tsaka kumindat.

"Yes, baby."-sagot niya. Pakiramdam ko'y agad akong namula sa sinabi niya kaya bahagya akong yumuko upang hindi niya makita.

"Papayag kami, pero ipangako mong iingatan mo ang anak namin at iuuwi mo siya ng buo. Walang galos, pasa o ano man."-sabi ni papa.

"Pangako po, makakaasa po kayo."- sagot niya.

"Ohh siya, magpapahinga na kami."- Sabi ni papa tsaka dahan-dahan na tumayo. Agad ko naman itong tinulungan, maging si Anthon ay tumulong sa pag-alalay sa kanya.

"Ayusin mo ang pagsara ng pinto pag nakaalis na iyang nobyo mo."-bilin ni Nanay.

"Opo, Nay"

"Maiwan na namin kayo, anak. Kailangan nang magpahinga ng asawa ko. Mag-iingat kayo bukas ah, at sa pag-uwi niyo ay dito ka naman maghapunan, ipagluluto kita."- paalam ni mama kay Anthon.

"Sige po, Nay. Aasahan ko po 'yan."

Agad naman umalis sila papa at mama upang magpahinga. Nagpaalam na rin siyang uuwi na kaya hinatid ko siya sa labas.

"Anong oras mo ako susunduin?"-tanong ko nang harapin niya ako, habang nakasandal sa kanyang kotse.

"I'll be here at 5, is it ok? Malayo pa kasi ang byahe natin, we need to go early." -sagot niya.

"Ok, sige na umuwi kana maaga pa naman tayo bukas."-sabi ko, sininyasan naman niya akong lumapit kaya lumapit ako ng konti pero nagulat ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang at hilahin papalapit sa kanya.

"Gusto pa kitang makasama eh." - bulong niya. Jusko, pati bulong niya kakaiba ang epekto.

"Wag ka nga." -sabi ko sabay palo sa braso niya upang itago ang kilig na namumuo sa buong pagkatao ko. "Magkikita kaya tayo bukas. Kapag hindi ako makatulog nito kasalanan mo."-dagdag ko na ikinatawa niya. Hinawakan niya ang mukha ko habang nanatiling nakayakap ang isa niyang kamay sa bewang ko.

"Goodnight."-sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Kakaibang kislap ang aking nakikita.

"Goodnight."-mahina kong sagot sapat naman para marinig niya. At sa isang iglap, biglang naging mabagal ang paggalaw ng palagid habang dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Tila ba ay bumagal din ang pagtibok ng aking puso at parang tumigil ito nang sandaling lumapat ang labi niya sa labi ko. Isang mababaw na halik ang ginawa niya, dahan-dahan, dinadama bawat galaw ng labi ng isat-isa. Napakamaingat na para bang isa iyong babasaging bagay. Kakaibang halik.

May kung anong panghihinayang na sumibol sa aking puso ng bitawan niya ang labi ko pero hindi ko iyon pinapahalata. Ayaw kong isipin niyang gustong-gusto ko ang halik niya. Tiningnan niya ako tsaka ngumiti.

"I never kissed anyone with so much care and respect, not until I kissed you." - sabi niya, nanatili akong nakatingin sa kanya. Gusto kong magsalita pa siya at natatakot ako na kapag nagsalita ako ay titigil siya. Natatakot ako na kapag nagsalita ako ay masisira ko ang pakakataong ito. Gusto kong hilingin na sana hindi na matapos ang gabing ito, na sana palagi nalang kaming ganito. "Your lips are so soft like a cotton. Perfectly shape to fit mine. And I want to kiss you everytime I have a chance."- dagdag niya.

"And this, belongs to you."- sagot ko tsaka siya dinampian ng halik sa labi. Ngumiti naman agad siya kaya ngumiti rin ako. "Goodnight and see you tommorow, baby."- dagdag ko at muli siyang hinalikan tsaka ko tinanggal ang kamay niya sa aking bewang at tumayo ng maayos. Ayon na naman ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata, napakaganda. "Sige na, mag-iingat ka."

"Alright, I'll go ahead." - sagot niya. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo bago siya tuluyang sumakay sa kanyang kotse. Bumusina pa siya bago tuluyang umalis. Agad ko namang naramdaman ang lungkot na unti-unting bumabalot sa aking puso. Lahat ay walang kasiguraduhan pero ang puso ko ay nakabaon na. Baon na baon na at hindi ko na alam kung paano ako aahon. Wala na akong lusot, wala na akong takas at mas lalong hindi na ako pwedeng umatras. Hinihiling ko na lamang na sana ay totoo ang mga nakikita ko, na tama ang nararamdaman ko dahil umaasa ako at patuloy na umaasa na baka possible niya rin akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now