ANG hirap pag excited ka, magiging bangag ka kinabukasan. Wala akong masyadong naging tulog dahil siguro iniisip ko kung ano ang mangyayari kinabukasan. It would be exciting to have a mini double date with my best friend!
"Asan na kayo? Kanina pa kami dito uyy, ang daya."Tawag ko kay Lily ngunit tumawa lang siya.
"I'm sorry beh pero hindi kasi kami makakapunta eh."
"What?!"
"May emergency kasi si Henry beh eh sorry, anyway you two just enjoy okay? Bawi kami next time."
"Emergency? Is everything okay?" Tanong ko.
"Oo, ayos lang beh. May urgent lang sa company."
"Sige, sayang maganda sana kung nandito kayo eh pero ano pabang magagawa namin. Tutal nandito lang din naman kami edi kami nalang ang gagala."
"That's absolutely great, just take care."
"We will." Malungkot kong sagot.
"Beh?"
"Bakit?"
"I'm so happy for you, beh. Very happy."
"Happy? Bakit? Anong meron?"
"Ahh nevermind hehe, be happy. Anyway I have to go, bye." Sagot niya at agad pinatay ang tawag.
"Weird."
"Ano daw, nasan na sila?" Anthon asked. Napasimangot naman ako.
"Hindi raw sila makakapunta." Malungkot kong kwento. Excited pa naman ako kagabi tapos ito mangyayari.
"Wh- ay este bakit?" Tanong niya. Lihim na rin akong natawa nang mapansin kong iniba niya ng Tagalog ang sinabi niya.
"May emergency daw kasi."
"Emergency?" Tanong niya pero agad ding kinagat ang bibig niya kaya natawa ako.
"Hindi ko sinabing English word 'yon ano ka ba. Ibig kong sabihin 'don eh kapag nagsalita ng whole english in a sentence ganon." Natatawa kong paliwanag. "Talaga bang siniryuso mo 'yon? Haha ganon kaba ka adik sa halik ah?" Dagdag ko.
"O-kay, hindi mo kasi ipinaliwanag ng maayos at bakit ba? Eh ayaw kong maparusahan ng ganon ang hirap kaya magtiis." Seryoso niyang sabi at napanganga ako. Seryoso ba siya? "Anong emergency pala 'yon? Tinanong mo ba?"
"Ahh oo, tungkol daw sa company nila eh, urgent daw." sagot ko at ngumuso ako. "Paano na 'to?"
"Anong paano? Tayo nalang ang mamasyal, tara na." Sabi niya at agad hinila ang kamay ko. Dinala niya ako sa ibat-ibang rides at hindi ko magawang mag protesta.
"By, nahihilo na ako." Likramo ko. Hinawakan niya yong mukha ko at ngumiti.
"Baby, last na okay? Ferris wheel tayo, please?"
"Ayaw ko, di mo ako mapipilit."
"Baby promise last na, okay?" Nakanguso niyang pakiusap. "Okay?" Ulit niya.
"Ayaw ko nga." Tanggi ko ulit.
"Alright, hindi na." Sagot niya pero bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Alam kong gusto niya ring sumakay na.... kasama ako? Pero takot ako sa Ferris wheel!
"Ayaw mo talaga? Tanong niya ulit. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Fine, kapag nasuka ako susukaan kita." Sagot ko at hinila siya sa pila. "Ang haba naman ng pila, kainis!" Simangot ko. Niyakap niya ako galing sa likod at hinalikan ang pisnge ko.
"Gusto mo bang gawan ko ng paraan? "
"Anong paraan naman?"
"Manood at matuto." Sabi niya. Bigla siyang napatigil at bumitaw. "Arghh ang weird talaga ng ibang tagalog word! Bakit ba may pa kondisyon kang ganyan? It's mahirap!"Likramo niya. Napangiti naman ako ng palihim nang marinig ko yong pag co-conyo niya. It's cute. Well... he's cute. "Anyway, gagamitin ko ang ipinagbabawal na technique."
YOU ARE READING
Falling In Love To A Womanizer | Ongoing
RomanceAngela Gracia belongs to a simple family. Due to lack of resources and money, she was force to stop attending school and have decided to look for a job. Her job is to maintain the beauty of her customer. Fortunately, her job became a bridge to final...