CHAPTER 25

207 5 0
                                    

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na katok sa aking kwarto.

"Anak, nandito yong boyfriend mo sinusundo ka. Gumising kana at baka malate ka!"- sigaw ni mama. Napamulat ako, holyshit!
Agad akong kumilos. Naligo, nagtoothbrush at nagbihis ng isang jogger pants na pinaresan ko ng isang croptop habang sneakers naman sa paa. Iyon ang gusto ko sa trabaho ko, walang uniform. I can wear whatever I want. Sinuklay ko ang buhok ko, pinatuyo ng kaunti at itinali nalang basta kaya nagiging messy tingnan ngunit nakadagdag iyon ng karisma. Habang ang mga maliliit na buhok ko naman ay hinayaan ko lamang na nakalugay sa mukha ko hanggang sa buhok sa batok. Naglagay ako ng pulbo at nude na liptint. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nang makuntento ay bumaba na ako. Nang makababa ako ay nakita kong naghihintay siya sa sala habang nakaupo at nagbabasa ng diyaryo.

"Nasan sila mama at papa?"-tanong ko. Napaangat siya ng tingin at pinasadahan ng tingin ang kabuuhan ko.

"They're out, maglalakad-lakad lang daw sila. Good morning btw. "- nakangiti niyang sabi.

Tumango ako, iginala ko ang aking paningin sa kabuuhan ng bahay at nang wala akong makitang ano mang espesyal ay bumaling ako sa kanya at pilit ngumiti. "Good morning."- sagot ko.

'Bakit kaba kasi nag expect? Tsk!'

Sa kakabasa ko ng mga pocket books, nageexpect ako. Usually kasi kapag bagong magkarelasyon, binibigyan ng bulaklak o di kaya chocolates kapag bumisita sa bahay. Ayan, basa pa. 

Noon kasi ay yan ang hilig namin ni Lily. Kung sino-sino lamang ang hinihiraman namin ng pocket books noon hanggang sa na discover namin iyong Wattpad na app kung saan may maraming kwento na maaaring basahin ng libre. May mga international writers at mas lalong maraming pilipinong writers na sadyang nakakabilib naman talaga ang kanilang talento sa larangan na iyon.  Minsan nga ay sinubukan kong magsulat pero hindi yata para sa akin iyon, tamad ako sa ganoong bagay kaya hindi ko na itinuloy. Lubos ang paghanga ko sa mga taong marunong gumawa ng kwento, ano mang genre ang mga iyon. Napakalawak ng kanilang imahinasyon at kaya nilang dalhin ang mambabasa sa lugar kung saan hindi pa nila narating. Kaya nilang patakbuhin ang kwento sa isip ng mambabasa na para bang nakikita at napapanuod nila ito. Kaya nilang magbigay ng samo't-saring emosyon. Nakakabilib.

"What?"- tanong ko ng lumapit siya sakin at tinitigan ako.

"Aren't you going to give me a good morning kiss?"- nakangisi niyang sabi. Napamaang ako.

"Bakit ako?"- tanong ko, hindi makatingin sa kanya ng deretso. Aware siyang mahal ko siya kaya napakaawkward ng tanong niya lalo pa at alam kung normal lang iyon sa kanya, pambihira.

"So you want me to kiss you instead?"- nakangiti niyang sabi.

"Wala akong sinabing ganyan."

"Ok, because you want me to kiss you. I will kiss you."- Sabi niya at akmang hahalikan ako.

"Hephep, don't you dare. Hindi ko sinabi yan kaya wag kang gumawa ng kwento. Let's go."- sabi ko at tinungo ang pinto ngunit hindi ko pa tuluyang nabuksan iyon ay bigla na lamang akong napaharap at agad may sumakop sa bibig ko.

'Damn this man!'

Sabi ko sa isip ko ng pisilin niya ang dibdib ko.

"There. That's how I give a good morning kiss."- nakangisi niyang sabi. "Btw, you're so amazingly sexy, babe."- dagdag niya. Tiningnan ko siya ng masama. Babe? Ha! Hindi sakin ang endearment na 'yon! Hindi ko matanggap na pareho yong endearment naming lahat, puta!

"Why? Did I said something wrong?"- tanong niya at ngumuso. Tsk, he's cute ok!

"Don't you dare call me 'babe', someone owned that already. I deserve something special, something unique, Anthon even if I'm not special to you."-sabi ko. Hindi siya nagsalita kaya ngumiti ako.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now