Matapos ang tagpong iyong sa coffee shop ay di ko na siya nakita pang muli. Salamat naman, bakit ba kasi parang nananadya pa ang panahon gayong determinado na akong kalimutan siya. Gayong, unti-unti nang nawawala tsaka ko naman siya nakikita at sunod-sunod pang pagkakataon.
Nasa bahay ako ngayon, day off ko. Ayaw ko sanang mag day off para dagdag sweldo kaso pinilit ako ng mga bakla. Kasihudang kailangan ko rin daw ng pahinga. Hindi daw pwedeng trabaho lang ng trabaho at baka magkasakit ako. Nice, para silang nanay ko pero di ako nakapaglekramo.
First day off ko ngayon after 5 months na pagtatrababo."Nak may tao sa labas, hinahanap ka."- sabi ni mama.
"Sino daw ma?"
"Hindi ko tinanong ehh, aba'y kay gwapong lalaki. Di mo ba nobyo 'yon?"- pag-uusisa ni mama.
"Ma, wala akong nobyo ok? Magiging matandang dalaga yata ako nito."- sabi ko at akmang pupuntahan kung sino man yong nasa labas.
"Hoyy Angela, hindi pwede yang sinasabi mo. Wala akong anak na magiging matandang dalaga. Ganyang mukha hindi dapat sinasayang, dapat nagpapasanay. Naiintindihan mo?"- sabi niya naikinatigil ko. Napanganga ako tsaka siya nilingon at tiningnan. Grabe si mama.
"Ohh, bakit? Di ba totoo? Dapat sumanay lahi natin, aba'y kay ganda mo sasayangin mo lang? Sige na, puntahan mo na yon at baka mainip."- sabi niya tsaka ako tinalikuran. Napapailing ako, ang mama ko talaga.
Nang pagbuksan ko ng pinto ay isang napakagwapong lalaki ang tumambad sa akin. Napakakinis ng kanyang mukha na tila hindi nagkaka pimples. Perfectly shave and biguti nito kaya napakagandang tignan. Napakaganda ng kanyang kasuotan gaya ng mga suot ni Anthon. Teka, bat nasali na naman siya sa usapan?
"Yes?"
"Angela Gracia?"- he asked. Napakurap ako dahil sa lalim ng kanyang boses.
"Ahhh yess. Bakit?"-tanong ko.
"Can I come in?"-nangingiti niyang sabi.
"Ohhh sorry. Pasok ka."- sagot ko. Siguro naman hindi to magnanakaw eh no?
"Maupo ka? Kuha lang kitang maiinom. Ano gusto mo juice, coke or water?"
"Water nalang."- nakangiti niyang sagot.
" Sige, sandali lang."- tugon ko at agad tumalikod. Napapikit ako at napapangiti. Shit ang gwapo. Mas gwapo pa yata to kay Anthon. Ayy joke syempre mas gwapo si-- naman kakalimutan ko na sabi eh!
Dinalhan ko siya ng tubig.
"Ahh ano pala kailangan mo?"- tanong ko nang matapos niyang uminom."You're Lily's best friend right?"- sabi niya kaya napatigil ako. How did he know? I mean, hindi ko knows na may kakilala si Lily na kasing gwapo nito. Well, matagal tagal na rin kaming di nagkikita.
"Ahhh oo, paano mo nalaman?"
"I'm her husband."- nakangiti niyang sabi. Natigilan ako at napakurap.
YOU ARE READING
Falling In Love To A Womanizer | Ongoing
RomanceAngela Gracia belongs to a simple family. Due to lack of resources and money, she was force to stop attending school and have decided to look for a job. Her job is to maintain the beauty of her customer. Fortunately, her job became a bridge to final...