CHAPTER 24

214 1 0
                                    

"I WILL, BYE."- sagot niya at agad pumasok sa kanyang kotse. Ilang sandali lang ay gumalaw na ito at walang ano-anong pinaharurot ang kanyang saksakyan. Napabuntong hininga ako.

"I love you."- mahina kong bulong sa sarili. Pumasok ako sa loob ng bahay at nagpaalam sa kanilang matutulog na.

"Matutulog na rin kami, hinintay ka lang naming dumating."- sabi ni mama. Lumapit siya sakin at tiningnan ako ng maigi. "Sinasabi kong gusto na kitang mag-asawa at magkaanak Ange, pero alam mong ayaw ko ring masaktan ka."- sabi niya tumango naman ako. "Alam  kong  mahal mo siya."- dagdag niya, nagulat naman ako.

"Mama-"

"Ina mo ako Angela, alam ko sa sarili kong mahal mo siya. Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon ngunit darating ang panahon na maiintindihan mo ang nararamdaman at mga sinasabi ko sayo. Magiging ina ka rin at mararamdaman mo ang nararamdaman ko ngayon."- sabi niya. Napalunok naman ako.

"Noon paman ay alam kong may minamahal kana. Hindi ko man alam kung sino pero alam kong meron. Palagi kitang binibiro, may mga pagkakataon pa ngang tinutudyo kita sa mga lalaking nakikita ko. Ngayon ay nakompirma ko, siya ang lalaking mahal mo, siya ang lalaking nagpapatibok ng puso mo at siya rin ang dahilan kung bakit nakikita kitang umiiyak. Hindi man ako nagsasalita at hindi man kita kinakausap tungkol doon ay nanatili akong nakasubaybay sayo. Ngayon na boyfriend mo na siya, sana ay maging masaya ka at hindi ka masaktan dahil sa kanya."- mahabang sabi ni mama. Maiyak-iyak naman ako. Mother knows their child very well and they knows what's best for them.

"Natatakot po ako ma, ngayon ko lang po naranasan ang ganitong pagmamahal sa isang tao. Natatakot ako sa katutuhanang masasaktan niya ako higit pa sa inaasahan ko."

"Dahil mas minahal mo siya higit pa sa inaasahan mo?"- tanong ni mama. Hindi ako sumagot at sa halip ay yumuko ako. Tama, mas minahal ko pa siya, at patuloy pang mamahalin. Sadyang napakahirap lang talagang pigilan yong damdamin. You just can't stop your heart to love someone. If saying ' I will not love you' is effective then I will say it all over again. But love is always there, the feelings maybe different but it is still a love. They said, in everyday's life we always used our body senses but when it comes to love only one sense has been used. We cannot see it, we cannot touch it, we cannot taste it, we cannot hear it but we can FEEL it. 

"Anak, parte ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ka dapat matakot masaktan dahil natural sa tao ang masaktan dahil tayo ang may kakayahang magmahal."- sabi ni papa kaya napaangat ako at nilingon siya. Nakaupo siya at nakatingin sa amin ni mama.

"Kami ay gagabay lamang sa iyo pero ikaw ang gagawa ng desisyon para sa sarili mo. Gawin mo ang sa tingin mo ay tama. Mahal mo siya, edi mahal mo siya. Hayaan mong tahakin ng sarili mo ang daang gusto ng puso mo. Hayaan mo ang sarili mong maging masaya. Wag kang matakot masaktan dahil hindi ka magiging masaya kung hindi ka masasaktan."- dagdag niya.

"Bakit, Pa?"-tanong ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Ang lahat ng bagay ay may kaukulang kapantay. Gaya ng mayaman at mahirap. Maganda at pangit. Hindi mo masasabing mayaman ang isang tao kung hindi mo alam kung ano ang mahirap. Hindi mo rin masasabi na pangit kung hindi mo alam kung ano ang maganda hindi ba? Gaya lang din ng saya at lungkot. Paano mo masasabing masaya ka kung hindi mo pa naranasang malungkot? Hindi mo pa naranasang masaktan? Ang punto ko ay magiging masaya ka lang kung maranasan mong masaktan at ang taong makapagpasaya sayo ay siya ring may kakayahang masaktan ka."

"Naiintindihan ko po papa ngunit ayos lang po ba siya sa inyo?"

"Hindi kami ang magdedesisyon niyan Angela, kundi ikaw. Ikaw ang may nararamdaman para sa kanya at hindi kami. Wala kaming karapatang ayawan ang sino mang mamahalin ng anak namin. Magulang kami at ang tanging magagawa lang namin ay gabayan ka sa mga desisyon mo sa buhay."- sabi niya. Napangiti naman ako. The best papa.

"Tama na yan, matulog na tayo gabi na. Pakitulongan akong alalayan ang ama mo, Angela.

"Sige po ma."

"Ayos na po ba kayo, Pa?"

"Ok na ako anak, salamat at hindi mo ako pinabayaan. Ang dami mo nang naisakripisyo para sa pamilya natin anak, pasensya na at ikaw ang gumagawa sa mga bagay na ako dapat ang gumagawa."

"Papa naman, hindi naman ako ngrereklamo eh kaya ko naman po at hindi po problema sa akin iyon. Magpagaling kalang ayos na ako."- sagot ko. Tinulungan ko siyang mahiga at tsaka humalik sa pisnge niya. "Goodnight, Pa."

"Goodnight anak, salamat."- sabi ni papa tsaka niya ginulo ang buhok ko kaya natawa ako. Ang tanda ko na para sa ganoong hilig niya. Tsk, si papa nga naman. Bumaling ako kay mama at nakatingin lamang siya sa amin habang nakangiti.

"Goodnight, Ma." - sabi ko at lumapit sa kanya upang humalik.

"Goodnight, Angela."

Nakangiti akong nahiga sa kama  nang sandaling matapos akong naligo at nagbihis. Ilang sandali lamang ay nakaramdam ako nang pag-aagam agam at pag-aalala. Hindi ko lubos maisip ang buong nangyari ngayong araw. Wala sa plano ito, binigyan ko ng limitasyon ang sarili ko pagdating sa kanya pero sa huli ay ako lamang ang bubuwag sa limistasyong iyon. Tila isa siyang nakakahibang na droga na hindi ko kayang ayawan. He is a temptation and is so damn irresistible.

Napabuntong hininga ako. I am now part of his life. I am his girlfriend now. I already have rights for him.

"But why does it feels so sad?"- mapakla akong napangiti. "Because you know to yourself that everything is just normal to him."-bulong ko. A typical Anthon Dela Rosa with his girl, different girls. And now that I'm part of those girls, that I'm also one of them now, I don't know what will happen to me.

Things really happened so darn fast.

Tumunog yong message alert tone ko kaya nagising ako sa pagmumuni-muni. I am a little excited, hoping that it's him and when I opened it, it's from Lily. I then remembered, he wasn't asked for my number. He doesn't even asked something about me, funny right? He seems not to care. I wiped my tears and replied her before I decided to go to sleep. 

I am not afraid of the changes and consequences anymore because when my heart decided to love him, things have been different already. Maybe I should go with the flow.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now