The feeling of the sunlight that touches my skin feels so good. It was Saturday morning and I woke up alone in our room. I roamed my eyes around but I didn't see him. I get up and do my morning routine - toothbrush and cleansing my face. I went to the dining area but still there's no hint of him.
Where the hell are you?
And then, I found a note in the refrigerator. It's a hand-written notes. In fairness, ang ganda ng sulat kamay niya.
My Angel,
Good morning, baby. Maybe you're wondering right now where I am, I'll be gone for hours okay? I can't let you come with me, this is an important matter hope you'll understand. I'll be back before the sun set. Please be good. Never ever punch anyone in there, I'm watching you. Anyway, you can roam around the island but make sure you know how to come back okay? See you, my Angel.
Yours truly,
Anthon"Ha! At talagang nagbilin pang huwag akong manapak! Mananapak ako kung kailan ko gusto lalo na kung napipikon ako, loko to." Likramo ko.
At talagang dinala niya ako dito para lang iwan mag-isa? Ganon ba iyon ka importante kaya hindi niya ako magawang isama? Ha, bahala siya. Mag e-enjoy ako kahit ako lang mag-isa o di kaya ay maghahanap ako ng iba dito. Hindi ko na siya mahal. Papalitan ko siya, iyong lalaking hindi babaero at hindi maniac. Siguro ay binibisita niya lang iyong babae niya dito. Sige ayos lang, masasanay rin ako putangina niya.
"Tangina mo!" Sabi ko habang nakaharap sa papel na sinulatan niya. Suddenly, my phone beeped. It's a message from unregistered number.
"Stop cursing." Napamaang ako. What the hell?
"Tangina ano to may multo?" Bulong ko and then I received another text.
"Nope, stop murmuring. Fixed yourself and get out. Enjoy."
"Ha, krazy ass! Whatever, wag ka lang magpakilala sakin sasapakin kita till' your death." Sigaw ko bago pumasok sa kwarto para maligo. Makikita mong hinayupak ka. Kung saan ka man ngayon sana maduling ka o di kaya ay mubsubsob sa semento.
Lumabas ako pagkatapos kong mag-ayos at kumain. May nakasalubong akong mga tao at kaliwa't kanan ang ginawa kong pagbati. Napakabait pala ng mga tao dito.
"Hi ate, ikaw yong kasama ni Kuya Anthon diba?" Tanong ng isang dalagita.
"Hi, oo ako nga. Bakit?"
"Ahh wala naman po ate, ngayon lang kasi nagdala ng babae dito si Kuya. Ako nga pala si Beatrice ate pwede mo akong tawaging Bea para maikli." Nakangiti niyang sabi.
"O sige, ikinagagalak kitang makilala Bea." Nakangiti kong tugon.
"Ganon din ako ate..."
"Angela."
"Ganon din ako ate Angela hehe. Ang ganda po ng pangalan niyo bagay po sa inyo." Sabi niya.
"Nako, inaasar nga ako dati dahil Angel daw pangalan ko tapos demonyo ako." Sabi ko at sabay kaming natawa.
"Bakit naman ganon ate haha ang salbahis naman nila." Sabi niya.
"Oo nga kainis. Maaari mo ba akong samahang mamasyal? Iniwan kasi ako ng Kuya mo at hindi ko alam kung saan nagpunta kaya ako lang mag-isa ngayon."
"Sige po ate, sakto tapos na ako sa aking takdang aralin." Sagot niya. Iginala niya ako sa ibat-ibang parte ng Isla at dahil pareho kaming madaldal ay kung anu-ano ang napag-usapan namin.
"Ilang taon kana pala Bea?"
"17 po ate. Sa katunayan birthday ko po sa susunod na linggo."
"Wow, advance happy birthday. So your turning 18?"
"Opo hehe wala nga lang handaan ate."
"It's ok, as long as you're healthy and your family is with you during that special day of you."
"Opo."
Masaya lang kaming nag-uusap habang iginala niya ako hanggang sa naisipan ko siyang tanungin.
"Alam mo ba kung saan nag punta ang kuya Anthon mo?"
"Hindi po ate eh pero kaninang umaga, nagpunta dito yong kababata niyang higad. Nakakainis nga ang babaeng 'yon eh, ayaw tantanan si kuya napakaarte pa." Sagot niya. Natigilan naman ako.
"Anong ibig mong sabihin? "
"Ate... Eh ano kasi.... May kababata kasi si Kuya. Kapag nagpunta si kuya dito agad niya itong susunduin at hahatakin sa kung saan niya gusto. Walang magawa si kuya dahil ibang klase rin iyon kung magtampo eh ayaw rin ni kuya na magtampo iyong bruhang yon. Nakakainis nga yong babaeng yon eh." Kwento niya.
"Ganon ba." Sagot ko na lamang. Nawalan na ako ng ganang mamasyal. Kaya ba hindi niya ako pwedeng isama dahil kasama niya ang babaeng yon at talagang mas importante pa sa akin. Oo nga naman, Sino ba naman ako. Isa lang naman ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan niya akong dalhin dito at iwan mag-isa. May pasabi-sabi pa siyang he wants to spend his time with me. Tangina niya, kung kaya ko lang umalis dito mag-isa ay aalis ako.
Nasasaktan ako, bakit ganon? Naiparamdam niya sakin na baliwala ako sa kanya. What's the point of me being here? We should be enjoying and yet he choose to be with his childhood friend. Now I wonder if they don't do anything yet. That bullshit.
"Pasensya kana Bea ha, nakakapagod pala maglibot. Maari mo ba akong ihatid sa tinutuluyan namin? Gusto ko sanang magpahinga muna."
"Hala sige ate, mamaya nalang ulit. Hatid ko na po kayo. " Sagot niya at oo nga hinatid niya ako.
"Salamat Bea, it was so nice meeting you. Advance happy birthday ulit. Sana Makita kita ulit." Sabi ko nang makarating kami sa tinutuluyan namin.
"Walang anuman ate, ikinagagalak kong makilala kayo. Sobrang bait niyo po, sana makita ko rin kayo ulit bago kayo umalis." Sagot niya. Niyakap ko siya bago ako pumasok sa loob.
Pagpasok ko pa lang ay agad na lang bumuhos ang luha ko. Tangina bakit naman ganito, bakit ang sakit? Pumunta ako sa kwarto at doon humiga. Why do you need to make me feel unworthy? Why do you need to make me feel like this?!
I should've known better but no matter it is, I still love that fucking bastard!
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. I was awake with a loud noise coming from my phone. It was my phone that keeps on ringing.
As I checked it, it was him. Hindi ko sana sasagutin pero sadyang itong kamay ko ay may sariling buhay.
"Bakit?"
"Why aren't you answering my calls?! Fuck I'm fucking worried!" Bungad niya sakin. Worried? To hell with that.
"Natutulog ako." Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Kumain kana?" Tanong niya.
"Hindi pa."
"Kumain ka muna. I'll call you later. Bye." He said and ended the call. Yeah, pakakainin kita ng kamao ko mamaya tangina ka.
To be continued,
Well, what will happen next? Ano nga ba ang nangyari?
Hmm, till' next update babies! Mhuahh!
YOU ARE READING
Falling In Love To A Womanizer | Ongoing
RomanceAngela Gracia belongs to a simple family. Due to lack of resources and money, she was force to stop attending school and have decided to look for a job. Her job is to maintain the beauty of her customer. Fortunately, her job became a bridge to final...