CHAPTER 30

221 2 0
                                    

"I don't know what do."- mahina niyang sabi. "I never had a chance to learn something about relationship. I know to myself that I am an asshole, a jerk, a playboy or a womanizer. I played a lot."- napabuntong hininga siya habang ako naman ay hindi kumikilos at nakikinig lamang sa kanya. "This is unbelievable but I want to change myself."- Sabi niya. Nanlaki naman agad ang mga mata ko pero hindi parin ako nagsalita. "Of all the girls I had, you're the one who accepted me for who I am. You're the one who showed me love despite for all the bad things I did."- dagdag niya. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ko siya. Tiningnan ko ang kanyang mga mata at nakikita ko ang pagiging sinsero niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Coz my heart are insanely beating faster because of you. My heart are screaming your name all the time, tsk tsk."-natatawa kong sabi. Napangiti naman siya. Binitawan niya ang kamay ko at hinapit niya ako sa aking bewang dahilan upang mapatingkad ako ng kaunti.

"I will not promise you anything yet. I'm afraid I might disappoint you," Sabi niya kaya tumango ako."but can you do me a favor?" 

"Ano?"

"Please bare with me a little more time?"- patanong niyang sagot. "I want to be the right man for you so bare me a little longer will you?"

"You don't need to ask me to do that though."- sagot ko. Tiningnan niya ako na para bang napakaimportante ng sinabi ko at hindi ko mapigilang ngumisi ng bigla nalang niya akong hinalikan. Ang puso ko ay parang dinuduyan na naman. Tsk, ilang beses na niya akong nahalikan pero hindi ko alam kung bakit parang parating iyon ang una. Na para bang parating bago.

Nang bitawan niya ang labi ko ay nagsalita siya. "Thank you."

"Thank you for what?"

"For loving me?" - natatawa niyang sagot kaya natawa nalang  din ako habang napapailing.

"Pinapunta mo ba ako dito para magdrama ka o papakainin mo ako."- tanong ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"Anong gusto mong kainan? Sa kusina o sa kwarto?" tanong niya, agad ko naman siyang binatukan at bumitaw sa hawak niya ngunit tawa lang ang ginawa niya.

"Iyang utak mo ang taba, tsaka yang bibig mo pasmado."- nakasimangot kong sabi.

"Biro lang naman eh, halika na magkainan na tayo." - natatawa parin niyang sabi, tiningnan ko naman agad siya ng masama.

"Alright, hindi na." - Sabi niya tsaka niya ako hinawakan sa aking kamay at ngisi-ngising hinila ako papunta sa kung saan. Ang hirap mang hula sa parte ng bahay na ito.

"Magandang gabi po, Senorito. Magandang gabi po, Senorita. Pinapasabi po ni Nanay na handa na po ang haponan."- nakangiting bati ng kasambahay. Nailang naman ako bigla. Ang ngiti niya ay napakaganda. Tiningnan niya ako na para bang ngayon lang siya nakakita ng babaeng kasama ng amo nila dito. Namamangha at kumikinang ang kanyang mga mata. Sa tingin ko ay nasa labing anim o labing pitong gulang na itong batang ito.

"Magandang gabi rin."- nakangiti kong pagbati.

"Magandang gabi, Elaiza. She's Angela Gracia, my girlfriend. Angela, this is Elaiza daughter of our mayor doma."- pagpapakilala niya.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Senorita."

"Gayon din ako, Elaiza."- nakangiti kong sagot.

"Maaari mo bang puntahan ang kaibigan mo, Elaiza? Sabihin mong bumaba na siya at kakain na."- utos niya.

"Sige po, Senorito."-nakangiti parin nitong sagot tsaka magalang na tumango bago umalis.

Dinala niya ako sa hapagkainan. Nakahanda na ang mga pagkain. May mga taga silbing nakatayo sa gilid ng mesa na animo'y handa kaming pagsilbihan.

"Magandang gabi po."- pagbati ko. Hindi ko alam kung bakit nagulat sila sa ginawa ko pero Hindi kalaunan ay ngumiti rin sila. Kakaiba rin ang kanilang mga tingin sa akin. Hindi dahil ayaw nila sa akin, para silang hindi makapaniwala.

"Magandang gabi, Senyorita. Magandang gabi, Senyorito."

"Magandang gabi, manang. This is my girlfriend, Angela Gracia. Angela, siya iyong mayor doma dito sa bahay."

"Masaya ako sa nakikita ko ngayon at masaya akong may ipinakilala kana dito sa amin, anak."- Sabi niya, napakamot naman ng ulo si Anthon at napapangiti pa.

"Manang naman eh."

"Ohh siya, iiwan na namin kayo at nang makakain na kayo."- Sabi niya. "Masaya akong makilala ka, iha."

"Ganon din ako, manang."

Nang makaalis sila ay dumating  din si Emily.

"Sorry if it took me too long, my best friend just called me."- sabi niya.

"Who?"

"Kuya? You know I only have one bestfriend."- sagot niya tsaka umupo. Inalalayan ako ni Anthon na maupo tsaka siya umupo sa tabi ko.

"Ahh that Eleazar Collen? Nanliligaw ba iyon sa iyo ha?"

"Ano? Hindi ahh."- sagot ng kapatid niya, tiningnan naman niya ito nang masama.

"Mabuti. Wag ko lang malaman na nagpapaligaw ka ng hindi ka nagpapaalam sa akin Ely lagot ka sa akin."- banta nito, lihim naman akong natawa.

"Oo na! As if naman may gusto yon sa 'kin."- nakasimangot nitong sagot.

"Good, let's eat."- Sabi niya. Inaasikaso niya ako, siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko bago niya asikasuhun ang sarili niya. Masaya ang hapunan, nagpa-usapan din namin ang paparating na birthday ni Emily. Nag-eenjoy rin ako sa pagkain sapagkat napakasarap ng mga inihain. Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang tigil ang aming pag-uusap.

"Basta ate, dapat ikaw ang mag make up sakin ah."

"Oo nga."

"Yiee, see you ate. Aha, dito kana lang kaya matulog ate, may guess room naman dito eh o di kaya sa kwarto na ni kuya. Hehehe."-

"Hindi, uuwi ako."- naiilang kong sagot. "Gusto mo bang palayasin ako sa amin ahh?"- dagdag ko.

"Buti nga 'yon para dito ka na tumira heheh joke lang ate. I'll be going to my room, ok? Inform me when you leave."- paalam niya tumango naman ako. Dinala ako ni Anthon sa sala.

"Can I leave you here for a while? Magbibihis lang ako sandali."

"Sige."

"I'll be right back."

"Hmmm."- tugon ko nang hindi tumitingin sa kanya dahil abala ang aking mga mata kakalibot.

"Senyorita, bakit po kayo mag-isa rito? Nasan po si Senyorito?"- rinig kong tanong. Lumingon ako at nakita ko ang dalagita kanina. Napakaganda ng batang ito.

"Nagbihis lang sandali, at tsaka pwede bang wag mo na akong tawaging Senyorita? Para kasing nakakahiya, hindi bagay sa akin." Sabi ko.

"Ayy nako po, hayaan niyo na at nasanay kami ditong ganyan ang tawag namin sa aming mga amo. Alam mo Senyorita, ikaw palang ang pormal na ipinakilala ni Senyorito sa amin dito at masaya kaming ikaw ang una naming nakilala." may kung anong humaplos sa aking puso.

"Talaga?"

"Opo, at tsaka ikaw lang din ang nagustuhan ng batang Senyorita. Nako, mapili yan at kahit kailan ay hindi yan nagpatuloy dito ng mga babae."nakangiti niyang kwento. Napangiti naman ako.

"Kung ganon ay maswerte pala ako." - sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan ako sa aking nalaman, siguro ay hindi ko lang inaasahan na sa dami ng babaeng nauugnay kay Anthon ako palang ang unang pormal na ipinakilala niya dito. Iyon lang ay  labis na akong nasisiyahan.


To be continued,


Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now