CHAPTER 14

229 7 0
                                    

"Ate ganda! Ohh finally you're here! I can't believe nakita kita sa party, omygodd you're really beautiful ate!"- bungad ni Emily ng siya ay dumating sa salon habang napapatalon pa. Natatawa ko siyang sinalubong at hinalikan.

"Hey Emy. Nako salamat, best friend ko yong birthday celebrant eh."- sagot ko pero hindi na ako mapakali.

"Eh, di na kita mahagilap after your speech magpapa picture pa naman sana ako."- nakanguso niyang sabi. Bigla akong kinakabahan na parang may makikita akong ano or sino. Napalinga-linga pa ako kung may iba pa siyang kasama.

"Looking for me?"

"Ayyy tigre!"- napasigaw kong sabi kaya malakas siyang natawa. Ang tawa niya ay tila isang musika sa aking pandinig. Kahit ito'y nakakarindi kung iba ang makakarinig.

"Will you please shut the fuck up?"- seryoso kong sabi. Nice pinagtawanan pa ako.

"I'm not a tiger babe. Well, I have a tiger down there."- sabi niya kaya agad ko siyang binato ng suklay. Yong malaking suklay na round. Ang baboy talaga ng lalaking to kahit kailan.

"Ahhh shit!"- nanlaki ang mata ko ng mamimilipit siya sa sakit. Nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang ulo na parang sakit na sakit.

"Kuya are you ok?"- tanong ni Emily kaya dali dali akong lumapit para tingnan siya.
Shit! What did I do? Did he really got hurt?

"Ahhhh."

"Hey, are you ok? I'm so s-orry, I didn't mean to hurt you. I'm really sorry."- kinakabahan kong sabi. Paano kung ayaw na niyang pumunta dito?

"It's a prank."- natigil ako sa pagsasalita ng tanggalin niya ang kanyang kamay at lumantad sa akin ang nakangiti niyang mukha.

"Aray! Nakakailan kana ahh. Pag di ka titigil kakasuhan talaga kita."- pagbabanta niya matapos ko siyang batukan.

"Anong kaso kuya? Violence against women and children? Eh lalaki ka naman."- natatawang sabi ng kanyang kapatid.

" I will file a robbery case for stealing my attention that easily."- nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin. Tumaas naman ang aking kilay. Anong pinagsasabi nito? For stealing his attention that easily eh noon pa naman ay hindi na niya ako napapansin. How come I stole his attention?

"Alam mo pwede ulit kita batuhin."- sabi ko dahilan upang tumayo siya ng tuwid. Ganyan nga baby boy.

"Fine, ang highblood mo babes."

"Pag di ka titigil-"

"Di talaga ako titig- aray!"- sigaw niya dahil sa ikalawang pagkakataon nabato ko na naman siya. Iwan ko ba at napakabilis ng kamay ko. Tila may sarili itong isip na gawin iyon ng kusa kaya minsan yong mga kakilala ko ay ayaw akong asarin dahil takot sa hampas at pagbato ko. Tinawag pa nga akong sadista eh, keysho ang bigat daw ng aking kamay.

"Wag mo akong guluhin."- sabi ko at agad tumalikod kasabay ng pagguhit ng aking ngiti sa labi na siyang nakita naman ng mga bakla kaya pinandilatan ko sila ng mga mata.

"Marupok inside, pagsubok outside. Ayyy bongga!"- sigaw ni Jess dahilan upang matawa sila maliban sa aming tatlo habang si Drew ay natatawa lang at napapailing.

Ginawa ko na ang gustong ipagawa sakin ni Emily habang ang kapatid niya ay papalit palit ng tingin sa amin habang nakapangalumbaba at naka nguso. Walangya ang tang*na, kanina pa ako nadidistract sa hitsura niya. Jusmeyoo, bakit kahit naka pout at lukot ang mukha ay ang gwapo parin? Asan hustisya 'don?

"Kuya, kaysa magmukmok ka dyan alalahanin mo kung saan mo nawala yong panyong bigay ni mommy sayo. Lagot ka pag nalaman ni mommy na nawala mo 'yon."-sabi ng kanyang kapatid nang mapansin din niya ang kanyang kuya. Napatigil ako sandali sa narinig. Nawala ang panyo niya. Possible kayang sa kanya ang panyo na iyon? Nandon naman siya sa party. Well, hindi lang naman siya ang nadoon kaya wag mag assume, tsk.

Ayan, kaya nasasaktan kasi asa ng asa, assume ng assume.

"Princess, manahimik ka dyan. Nag-iisip nga ako oh."- likramo niya.

"Talaga lang? Eh bakit nakatitig ka kay ate ganda?"- nakangising tanong niya, pakiramdam ko'y biglang nag-init ang aking mukha.

"Ako? No way!"- sagot niya. Lihim naman akong nasaktan dahil sa kanyang sagot. May kung anong kirot akong naramdaman dahil sa kanyang pagtanggi.

"Ohh sige mag-isip ka muna diyan kunyari tapos, titig well."- tugon ni Emily.

"Shut up princess."- napipikon na niyang sabi. Sa halip na malungkot ay natuwa akong makita kung gaano niya kamahal ang kanyang kapatid. Napipikon na siya gayon paman ay tinataasan niya ang kanyang pasensya at respeto at ang pagmamahal ay nandoon parin.

Natatawa naman si Emy.

"Pwede ko bang malaman kong anong kulay ng panyo niya ang nawawala beh?"

"It's color white ate Ganda, regalo 'yon ni mommy sa kanya."

"Yong panyo ba na iyon may nakasulat?"- nag-uusisa kong tanong. Hindi ako assumera pero malakas talaga ang kutob ko.

"Why are you asking?"- sabat ni Anthon. Tiningnan ko siya.

"Wala lang, is it wrong to ask? Di ako inform."

"Coz' it's personal. Mind your own business, will you?"- seryoso niyang sabi. Nagulat naman ako sa inasal niya. Nasanay akong panay ngiti at pangungulit ang kanyang ginagawa.

"Kuya?"- nanunuway na sabi ng kanyang kapatid.

"I'll wait for you outside. Please, make it fast."- sabi niya at agad tumalikod at lumabas, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Bakit bigla siyang nagkakaganon? Nagtanong lang naman ako.

"I'm sorry ate, I don't know what happened to him. Baka na stress lang kakaisip."- paumanhin ng kanyang kapatid.

"It's ok. Gusto ko lang naman malaman kasi may nakita akong panyo sa kwarto ko paggising ko kinabukasan sa party kaso hindi daw sa kanila 'yon kaya dinala ko sa amin."- sabi ko tsaka ko siya nginitian. "I can't clearly remember kung sino ang naghatid sakin sa kwarto dahil nalasing ako. I think sakanya ang panyo na iyon."- dagdag ko.

"You mean- wait, anong nakasulat sa panyo?"

"It's capital A and D."-sagot ko habang nanlaki naman ang kanyang mga mata.

"Why?"-nagtataka kong tanong.

"Omygod kang kuya 'yon! So kaya pala napikon? Hmmm."- nakangising sabi niya. Naguguluhan naman ako pero agad din akong natauhan nang ma realize ko ang nangyayari.
If sa kanya ang panyo na iyon, possibleng siya ang naghatid sa akin sa kwarto at possibleng hindi panaginip ang natatandaan ko. Shit!

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa nang magsalita si Emily.

"What happened? Aren't you remember anything?"- tiningnan ko siya gamit ang salamin tsaka umiling.

Tumango siya. "Ok na 'yan ate. Balik ako next time. Here, wag kang maglikramo."- agad niyang sabi matapos niya akong bigyan ng halaga higit pa sa kailangan niyang bayaran.

"Alis na ako ate. I'm sorry sa inasal ni Kuya, trust me makokonsensya 'yon. "- sabi niya tsaka ako kinindatan.

"Pakidala nalang ng panyo dito ate huh, kukunin namin pagbalik namin dito."- sabi niya.

Nginitian ko siya tsaka tumango, "I will. Take care, and thank you Ely."- sinsero kong sagot. Nginitian pa niya ako bago tuluyang umalis.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now