Kung nakakamatay ang tingin ay kanina pa bumagsak si Kaius sa harap nila ng Papa niya.
"Is there something wrong?" nagpalipat lipat ang tingin ng ama niya sa kanilang dalawa ng makabalik bitbit ang papeles.
"Mukhang magkakasundo po kami ng pangalawang anak mo, Mr. Puntavera. It seems like we have lots of similarities. She just entertained me when you went to the car. She’s funny."
I scoffed in disbelief and can't help not to roll my eyes. Damn him. Gusto kong burahin ang nakakairitang ngisi nito sa labi.
Tumawa si papa at tila nagagalak pa sa nalaman. "Uh, yeah. She’s into partying too. Himala nga at hindi kayo magkakilala. Lagi tong nasa bar kasama ang mga bad influence niyang kaibigan." napasimangot ako sa sinabi ni papa. Sa napakaraming pwedeng sabihin yun pa talaga. Lubog na lubog na ako.
"Really?" he arched his brow like he heard something interesting. “Maybe we do met but we both doesn’t remember. You know alcohol helps us forget sometimes.”
"As you know, I don't party with an asshole dad. Kaya siguro hindi kami nagkikita." hindi ko mapigilang sabihin. Gusto ko lang naman makabawi sa pang-iinsulto niya kanina.
"Watch your mouth, Thea!" my father warned me.
I pursed my lips and do shut up in the corner. Imposibleng hindi makaligtas sa akin ang tulad nito kung nasa iisang bar lang kami. Magaling ang mga mata ko sa paghahanap ng tulad niyang angking kakisigan.
Hinayaan kong mag-usap ang dalawa at nagdesisyong lumayo para mapagmasdan ito ng maayos. Nakahalukipkip ako habang nakasandal sa labas ng kotse. Kaius is tall and look matured, hindi ko alam kung ilang taon na ito pero mukhang hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa.
But he seems successful from running their business. Siguradong hindi basta bastang hirap ang pinagdaanan niya bago narating ang pwesto ngayon. Because he does not look like a spoiled rich kid who only hope for his family's money. Dumagdag sa kagwapuhan niya iyon.
A hardworking man.
Just like my type. Yun nga lang...
Tinitigan ko ang lalake. He was running his fingers with his messy hair while listening to my father saying something. Ang pagod nitong mga mata ay dumapo sa kinaroroonan ko at mukhang napansin ang kanina pang paninitig ko.
I will have you, Kaus Monteagudo.
"I'll see you some other time, iho. Iyong makakapag-usap tayo ng maayos at hindi ako nakakaabala sa iyo." Tumayo ako ng tuwid ng marinig ang pamamaalam ng ama ko.
Bumalik ang tingin nito kay papa. "Yeah sure. Wala pong problema, pero baka next time ako na po ang dadalaw sa bahay niyo."
Humalakhak si papa na tila nagustuhan ang sinabi ng lalaki. Tinapik nito ang balikat ni Kaius at tumango-tango.
Now he's being respectful.
"Aasahan kita, iho. Artemis will be happy to hear that!"
Hindi niyo sure. Sa isip ko.
Tumalikod na ako at pumasok sa sasakyan para doon antayin si papa. Kaius was walking him to our car and stop to my side. Kinatok ni papa ang pintuan para sana magpaalam sa lalaki pero hindi ako bumaba. For what? It won't be the last time that I will see him, anyway. I don't just say goodbye.
“Pasensya ka na iho. Maatitude talaga ang pangalawa ko.”
“Okay lang po tito. I have so much time to be close with her, anyway.” Sabay sulyap sa akin sa loob kahit na hindi naman niya kita ako dahil tinted ang bintana ng sasakyan ni papa. Ngunit para parin kaming nagkakatitigan.
BINABASA MO ANG
Not Promised
RomanceAlthea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of...