Chapter 1

1.5K 167 34
                                    

"Bruha ka. Hindi ka nagtext sakin kagabi. I was worried. I still have your things here!"

"Worried my ass. E halos hindi ka na nga magising kagabi dahil sa pagkalasing mo."

Nakarinig ako ng hagikgik mula sa kabilang linya. Kausap ko ngayon ang kaibigan kong si Quinn.

"Ako pala dapat ang nagtext sayo."

“Paano mo pa gagawin yun kung tulog ka na?”

Umikot ang mga mata ko at umupo sa couch namin. Masakit pa rin ang ulo ko sa hangover. Hindi ko alam kung anong oras akong nakauwi kagabi basta ang alam ko may naghatid sa akin pauwi. I guess I'm too drunk to remember his face.
Nakainom na kami noong lumipat sa Midlight kagabi. Galing na kaming party ng isang kaklase napaalis lang dahil nakahanap ng gulo sina Troy.

“Promise, wala na talaga akong naalala kagabi. Buti na lang at naihatid parin ako ng iba sa bahay. But hey! Tanda ko pa yung dare mo a. Ginawa mo ba? You went missing after you followed your partner.”

Dare? Partner?

"Mama! Hindi ako makapaniwala na pumayag ka dito."

Nangunot ang noo ko at nilingon ang pinanggalingan ng tinig ng kapatid kong si Artemis. Nagmumula iyon sa dining room namin. Nagsiiwasan ang mga katulong at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho ng mapansin ako.

"Ano bang problema sa paglabas, Artemis? Makikipag-usap ka lang naman sa kaniya."

"Pero dad, siguradong magiging issue to. Ako na naman ang magiging usapan ng mga media. I don't wanna get involve with any man right now. I want to focus on my career."

Anong pinag-aawayan ng mga ito? Tumayo ako at naglakad para makinig. Naririnig kong patuloy parin sa pagsalita si Quinn sa kabilang linya.

"Bakit ba puro career mo yang iniisip mo? For once bakit hindi naman ang pamilya mo? You're just twenty three! Ang daming opportunities na darating pa sa iyo." ngayon ko lang narinig na ganoon ka galit si papa.

Seventeen years old pa lang kami noong may makilala kaming talent scout sa isang mall. She asked for our names and our parents because they said we’re both pretty and we’ll make it to fashion magazine. Kinausap nito ang mga magulang namin and by the next day, our mom registered Artemis to a training for modelling.

Siya lang. She didn’t bother asking me if I wanted to join to.

Hanggang sa rumampa na nga ito suot ang iba't ibang brand ng damit, endorser na rin ito ng isang beauty products at iba pa at the age of eighteen. My sister became popular in an instant. She’s supporting herself now.

"Makukuha ko pa po ba iyon oras na pinakasalan ko na si Kaius? Hindi lang naman paglabas yung gusto niyo. I'll end up marrying the guy."

Nasa pintuan na ako nang dining room ng marinig ko ang sinabi ng kapatid ko. It made me stopped. Gulat din sa narinig. She’s promised to someone?

"And you're right, I'm twenty three. Nasa tamang edad na po ako para magdesisyon para sa sarili ko at ayoko pang magpakasal. I don't wanna marry for business, papa."

Nakarinig ako ng maingay na pag-atras ng upuan at ang papalapit na yabag. Hindi agad ako nakaalis kung kaya naabutan ako ng babae na nakikinig. She stop from her tracks and her eyes widened when she saw me there. She did not said anything and only looked away and continue walking out. Mababakas ang galit sa mukha nito habang padabog na umaakyat sa aming hagdan.

"I told you to wait kasi hahanapan ko ng paraan, Franco!"

"Our problem needed an immediate solution, Veronica. Hindi ako pwedeng umasa sa walang kasiguraduhang paghahanap mo. Kabuhayan natin ang nakasalalay dito."

Not PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon