Chapter 3

804 147 25
                                    

Huminto ito sa paglalakad. Tumagilid ito at bahagya akong nilingon. Nadipina ang matangos nitong ilong at adams apple sa ginawa. 

“Akala ko ba nasagot ko na ang tanong na yan?” 

Nasagot? 

Muli ko na namang naalala ang ang sinabi nito kanina sa distillery. Bumuka ang bibig ko pero hindi natuloy ang sasabihin nang may tumawag sa akin mula likuran.

“Thea! Tumatawag ang Papa mo.” it was Quinn. Hawak nito ang phone ko na umiilaw ngayon.

Narinig niya ang paghakbang paalis ni Kaius kasunod ng pagtunog ng isang sasakyan. So sinumbong talaga ako nito!

“Sorry. Nakadisturbo ba? Kanina pa kasi nagri-ring ang phone mo.” sinulyapan nito ang papalayong sasakyan ng lalaki. 

Bumuntung-hininga ako. 

“No, it's fine.” baka kung hindi siya umiksena ay tuluyan na akong nawalan ng kontrol. K Huttinuha ko dito ang phone at sumunod na sa babae pabalik.

“Uuwi ka na ba?”

“No.” 

Papagalitan din naman siya mamaya pag nakauwi na siya kaya susulitin na niya.

Iyon ang ginawa ko, bumalik kami sa loob at nagpatuloy ako sa pagpa-party. Kung akala ni Kaius matatakot ako, asa. Nilunod ko ang sarili sa alak at paghahanap ng malalandi sa gabing yun. Pinatay ko din  ang phone ko para hindi madisturbo. Naging maingay ang mesa nila lalo pa at may mga nabingwit na rin ang mga kasamahan ko at doon sa mesa namin nakigulo. 

“Bakit ka pa bumalik dito? Nandoon ka na sa mesa nila kanina a!” 

“Nabahag yung buntot ko. Ang susungit ng mga mukha nung ibang mga pinsan. Baka bigla akong singhalan.” 

Nagtawanan ang mga kaibigan namin ng marinig ang sinabi ni Ica. “Gusto ko na lang ilayo yung sarili ko bago ako masaktan.” emote ng babae na umani ng mura sa mga kaibigan. 

“Hey, kaya pa?” rinig niyang tanong ni Alex. 

I groaned at ayaw ng imulat ang mga mata. Nahihilo na ako sa ilaw na nagpapatay sindi. Napaahon ako sa pagkakasandal ng maramdamang nasusuka ako  

“Im... Im gonna throw up.” tinakpan ko ang bibig. 

“Shit!”

Kahit dumu-doble ang paningin ay nakuha kong tumakbo papuntang cr. May nabangga pa ako na babaeng papalabas doon. Minumura siya nito pero dumiretso na siya sa sink at doon inilabas. Hindi ko na kakayanin pag naglakad pa ako sa isa sa mga cubicle para sa bowl maglabas ng kinain.

I turned on the faucet. May pumasok sa loob, then I felt someone hold my hair para hindi iyon marumihan. Nang wala ng mailabas pa ay pinatay ko ang faucet at pagod at inaantok na yumuko. 

“Tsk. I told you to go home.”

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero naririnig ko ang boses ni Kaius mula sa likod ko. 

“Are you done?” 

Mula sa pagkakayuko, nag-angat ako ng tingin. Mula sa salamin, nakita ko si Kaius doon. Iba na ang suot nitong pang-itaas, nakaplain white loose shirt na lang. He's the one who's holding my long hair. Suminghap ako at umawang ang labi. Nakakaloka, ibang iba ata ang epekto ng alak sa kaniya. 

I am hallucinating. There's no way he would come back here. 

Parang baliw na humalakhak ako. Ipinilig ko ang ulo at muling binuksan ang faucet at binasa ang mukha. Nagbabakasakaling kahit papaano mahimasmasan ako at tigilan ang kakaisip dito.

Not PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon