“Hindi ka daw umuwi.”
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
“I'm already home.” matabang kong sabi.
Ang mga mata ko ay nakabaling sa labas kung saan kita ang bahay namin. I don't want to look at him, it will just hurt me more. Parang sinasampal lang ulit sa akin yung katotohanan.
Bakit pa ba siya nagpunta dito?
“Sa bahay natin, Thea.”
Mapakla akong natawa.
“Bakit ako uuwi doon?”
Hindi nakaligtas sa akin ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Mas nadipina ang ugat sa braso nito dahil doon.
“What? Didn't the news reached you? I'm backing out. Ayoko ng magpakasal sayo kaya wala ka ng susunduin pa dito. Mas mabuti pang umuwi ka na.”
His jaw clenched then he chuckled with no humor.
“There's no backing out here, thea. Hindi ako papayag.”
Napalunok ako at nagkunwaring hindi pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya.
“Kinausap ko na si Papa and tito Kaizen. I told them my decision. Your parents wanted to talk to me personally pero hindi na magbabago pa ang desisyon ko.”
Magkakaroon ng malaking problema lalo na at natulungan na ni tito Kaizen ang kompanya namin at may kasalukuyan nang proyektong ginagawa na magkasosyo ang dalawa, idagdag pa ang merging. My decision will affect a lot.
“What about me?”
“What about you?”
Hinarap niya ako ng may galit sa mga mata. Alam kong ang tanga ng tanong ko.
“Wala ka bang planong marinig ang panig ko? You can't just do what you want. Tingin mo ba nagbabahay-bahayan parin tayo? There's no way you could get away with me, Thea.”
If thing could have been the same before, maybe I am the one who will say that line. But it was not.
“Kaius hindi mo ako naiintindihan. What's the use of living together if your mind was somewhere else! Alam kong ikakasal lang tayo para sa kompanya—”
“What?!”
"I actually thought —”
He motioned me to stop. “Who said it's still pure business, thea? Are you fucking kidding me?”
I frowned.
“Do you still think this setup was all for business? We made love countless of times!”
Nakaramdam ako ng takot sa galit niyang expression ngayon.
“T-thats fine!”
“Fine?”
Of course it's not. He's the only man who taste my body. Pero ayoko namang lumabas na kawawa. Kung iisipin, kung tuluyang maghihiwalay kami, dehado ako kasi may nawala sa akin.
“A-anong bago? You're doing it before with different woman.” maingat kong sabi.
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Kaius. Maya maya pa ay pumikit ng mariin. Namumula ang mukha nito.
“It's a pure sex! God damn it!”
Hindi ako makadiretso ng tingin sa kaniya. He cussed. Sinubsob nito ang mukha sa manibela at nagpakawala ng buntung-hininga.
“I remember it.” tumango tango ito pagkatapos ng isang minuto. “You started acting like this when I left you that night.”
I stilled and automatically looked away.
BINABASA MO ANG
Not Promised
RomanceAlthea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of...