Chapter 15

781 62 4
                                    

“Hey.”

Tinampal ko ang kamay na yumuyogyog sa akin. I want to sleep more.

Kaius chuckled.

“Gumising ka na. Tanghali na.”

“No. Stay away from me.” masama parin ang loob ko kagabi. I did not even sleep properly!

Gumalaw ang kama at maya-maya pa ay nasilaw ako sa sinag ng araw. Binuksan nito ang kurtina kaya kumalat ang liwanag sa loob ng kwarto. Itinakip ko ang unan sa mukha ko.

“Bumaba na ka na.”

Hindi ko siya pinansin.
Napatili ako nang hilain nito ang mga paa ko dahilan para dumausdos ako sa dulo ng kama.

"Kaius!"

"Come on." hinuli nito ang mga kamay ko at hinila para bumangon. Tumama ang katawan ko sa dibdib niya. I immediately wrap my arms on his waist, at palihim na sininghot ito. Amoy shower gel ang lalaki.

"Pag hindi ka pa gumalaw, hindi kita isasama."

Nagsalubong ang kilay ko at kumalas.

"Isasama? Saan tayo pupunta? Ide-date mo ako?"

"No. It's not a date. Pupunta akong distillery. May magazine shoot akong gagawin, mukhang wala ka namang gagawin dito kaya isasama na lang kita."

"Nagmo-model ka?"

Pinilig nito ang ulo. "Dati? I quit years ago."

"Bakit?"

Natigilan ito at napakurap. Mukhang hindi nito inasahan ang sunod-sunod na tanong ko. I'm curious that's why.

"I just stop. I don't really like it. I just do it because..." his voice slowed down like he suddenly remember a thing. Mas lalo kong ipinagtaka nang makita ko ang paggalaw ng panga nito. “...of some reason.”

"You okay?" hinawakan ko siya sa braso.

Bumuga ito ng hangin. "Yeah. Ang dami mo namang tanong."

"Kasi gusto kitang makilala pa. I figured out na konti lang ang alam ko sa iyo."

"Pwede mong tanungin si Artemis. Marami siyang alam sa akin."

Sinamaan ko siya ng tingin. "You really know how to ruin the mood eh?"

Tinakip nito ang kamao sa nakangising bibig.

"Makaligo na nga!"

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa banyo.Wala pang isang minuto ay kumatok ito.

"Twenty minutes. Please hurry up."

"Whatever!" sigaw ko.

Hindi mapirmi ang mga mata ko. Everyone moves around at ako lang ata ang totoong tao sa loob ng opisina ng lalaki sa oras na iyon. The staff were like animals, hindi ito magkanda-ugaga. Medyo naaasiwa ako na makita silang abala habang ako nakaupo at nanonood lang sa sulok.

Why am I even here?

"That's great Kaius! Eyes here. That's it!" sabi nung photographer na nasa harap ngayon at nag-iinstract ng pose na gagawin ng lalaki.

Nakarinig ako ng mahinang pagtili sa mga babaeng staff. I looked at their side and found them staring at Kaius who's on his desk right now.

Gwapong gwapo ito sa suot na navy suit at malinis na nakasuklay patalikod ang buhok. He's holding a glass of wine in his hand while sitting in his swivel chair. His lips was touching the tip of the glass and staring seductively straight on the camera. My lips parted. He's screaming hotness right now. Gusto kong takpan ang mga mata ng mga nakatingin sa kaniya ngayon. This is illegal, he should be illegal.

Not PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon