Nang sumapit ang hapon ay nadatnan kong mahimbing na natutulog si Kaius sa couch kayakap si Kal. Napabuga ako ng hangin sa saya.
Iniwan ko siya kanina at sinabing maglilibot libot lang ako para kumuha ng litrato pero ang totoo alibi ko lang yun. Naghahanap talaga ako ng mahihingan ng tulong but I found nothing. Hindi ko pa naman nalilibot lahat. Hanggang doon lang ako sa left side ng isla. Medyo natakot din kasi ako. I was alone. I can't risk my life.
Sa wakas at makakaligtas na siya sa parang uwak na mga mata nito. Lagi kasing nakasunod ang mga mata nito sa akin magmula kanina buti naman at napagod din. He's like a living cctv earlier. Kung hindi ko pa siya minalditahan hindi niya pa ako papayagan na umalis mag-isa. Napilitan pa iyon ha.
Naiirita parin talaga kasi ako pag nakikita ko siya. Kahit na mukha siyang inapi sa sulok dahil hindi ko siya pinapansin at sa tuwing magtatama ang tingin namin, nakakatanggap siya ng pag-irap sa akin. He was acting like a scared cat whenever he tried to get near me or our body accidentally touch.
Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain. Ibinilin naman ng lalake kanina na pwede akong makialam sa ref kung gutumin ako. I saw some frozen pizza kaya ipinasok ko na lang iyon sa oven para maluto. Marami siyang stock ng pagkain sa refrigerator halatang pinaghandaan.
Napairap ako sa hangin.
Though nilutuan naman niya ako kanina ng snacks pero hindi ko gusto. Nagugulat pa nga ako kasi hindi ko alam na magaling pala siya sa pagluluto. Noong nasa bahay niya naman kasi nandoon si mona para ipagluto sila, though minsan nilulutuan naman siya ng lalaki ng breakfast sa tuwing papagurin siya nito sa you know.
Nang matapos ay binitbit ko iyon papalabas pati na ang isang basong tubig. Tumingkayad ako para hindi marinig ang yabag lalo na at nasa tabi lang ng lalaki ang aso na sensitibo sa mga galaw. Napapahinto ako kapag gumagalaw ang tenga ni Kal. He might wake up and bark at me.
Pinatong ko ang plato sa tent at tinanaw ang papalubog na araw. Maya-maya lulublob siya sa dagat. Uubusin niya lang ang pagkain. Ang dami niya pa anamng dinalang bikini para sa fake outing na to. Gez.
I scanned the place. It's indeed beautiful. The scenery was breathtaking, but there's no way I could get out of this island. Wala akong makitang means of transportation. I can swim, pero hindi ko kinukonsidera ang sarili na languyin ang dagat para makaalis lang! Baka bangkay na lang ako pagkauwi.
Kaya ko pa naman sigurong magtiis.
Siguro maglilibot ulit ako bukas sa kabilang parte naman ng isla magbabakasakaling may dumaong na ibang tao kasi diba sabi nung lalaki may nagbabakasyon din dito. May kabahayan sa ibang parte ng isla.
O baka may dadaang bangka.
Nang tuluyang mawala ang araw ay nagdesisyon na akong lumangoy. Inubos ko ang tubig na dala at napanguso na lamang ng makitang naubos ko pala ang buong pizza ng hindi namamalayan. I feel so full now. I feel like my stomach will burst.
Gagawin ko na lang exercise ang paglangoy.
Tumayo ako at hinubad ang dress na suot, leaving me with my black bikini. Ipinasok ko ang gamit sa tent. Sinigurado ko munang sarado iyon para hindi pasukan ng mga buhangin ang loob o anumang insekto. Nakakatamad ng maglinis mamaya.
Malakas ang alon at malamig ang tubig ng maramdaman ko iyon sa paa. I stopped walking when the water reached my underarm. I chuckled when the waves slammed my face, nabasa nun ang buhok ko. Tuluyan na akong lumangoy at sinisid ang malinaw na dagat.
Iyon ang ginawa ko hanggang mapagod at nagdisisyong magfloating na lang.
I shivered when air touches my wet body. Mas malamig pag nabababad sa hangin ang basang katawan ko. But I like it, it makes me relax.
BINABASA MO ANG
Not Promised
RomanceAlthea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of...