"What's wrong?" iyon agad ang tanong nito nang makapasok ng kwarto namin. Salubong ang kilay niya pero hindi naman ito mukhang galit.I rolled my eyes at hinarap siya.
"What is she doing here?"
"Who?"
"That Aliana! Kaya ba hindi ka nag-rereply sa akin? Dahil busy ka? Busy ka sa kanila? Did you even think of me? Inaantay ko ang reply mo Kaius! Sabi mo uuwi ka agad. Mababaliw ako sa pag-aaalala kung bakit hindi ka pa nakakauwi. Kung nasaan ka. Kung anong ginagawa mo. I can't focus on work because I am thinking of you pero ganito lang pala? Aabutan kitang nakikipag-ngitian sa Aliana na yan? Ano to? Am I a joke to you?" naghalo-halo na ang emosyong naramdaman o sa oras na iyon. It's just came out of my mouth.
"Hey, calm down. She's a friend. We're just talking, wala kaming ginagawang masama. And my phone..." napakamot ito sa ulo. "I don't know where is it. I think it's in my car. Nawala sa isip ko."
A friend! Ginagago niya ba ako? Napaupo ako sa kama at napahilamos ng mukha. Why can't he tell me the truth about her?
"Okay. Kaibigan mo siya. So, what does she need?" I crossed my arms. Hindi na to oras para tumanggap pa ng bisita.
"She's in a trouble. She asked for my help."
I raise my eyebrows.
"Anong tulong naman?"
"Kakauwi niya lang ng new york at aksidente ngang nagkita kami sa Manila. Pauwi na rin siya dito kaya sinabay ko na lang sila. Yun nga lang dahil biglaan wala silang matitirhan so she asked me if she could stay here."
What?
"Dito? As in sa bahay na ito?"
He nodded.
Natawa ako ng sarkastiko. Is this for real? Lumang tugtugin na to. Naniwala naman siya sa galawan ng babae.
"At pumayag ka naman?"
"She needed shelter so, yeah."
"Hindi ba siya taga dito? She could stay in her family house or book a hotel room."
"She's not in good terms with her family at isa pa, may libre namang kwarto dito."
And he didn't even consult me first. Kahit hindi ko bahay to atleast he ask me. Tumango ako at ngumite.
"Oo nga naman." infact para sa kaniya naman ang bahay na to.
Malakas na bumuntung-hininga ako at tumayo. "Tutal mukhang nakapag-desisyon ka na naman. Wala na din akong magagawa. I'll just leave it to you. I'm exhausted. Bumaba ka na baka hinahanap ka na nila." I bitterly said.
Dumiretso ako sa bathroom at pinagsarhan ito. Agad na sinabunutan ko ang sarili para sa paraan na iyon doon ko mailabas ang inis.
Akala ko umalis na ito but I heard a soft knocks on the door.
"Bakit?"
"Galit ka ba?"
Pinaandar ko ang gripo para kunwari abala ako.
"Bakit naman ako magagalit?"
I look at my face in the mirror. Salubong ang kilay ko at halatang pagod. I looked terrible. Baka pinagtatawanan na ako ni Aliana na yun.
"Mag-usap ulit tayo mamaya."
Hindi na ako sumagot.
"Bumaba ka agad pag natapos ka diyan. I'll ready the food."
Again, hindi ako sumagot. Matagal bago ko narinig na humakbang siya papalayo. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Pinilit ko ang sariling gumalaw. Mabilis lang ako sa loob, i just cleaned myself and do my night routine then I went out. Nagbihis ako ng kumportableng pantulog at inilabas sa bag ang inuwi kong trabaho.
BINABASA MO ANG
Not Promised
RomanceAlthea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of...