Naging mabilis ang mga araw para sa akin. Siguro ganun talaga pag masaya, nagiging mabilis ang oras. My relationship with Kaius got more better. Mas nakakilala ko pa ang lalaki. He's workaholic, minsan ako na yung nag-eeffort magpunta sa opisina niya para makasabay siya sa pagkain. Minsan sinusundo niya ako at aayaing kumain sa labas. Minsan may araw ding inuumaga ito ng uwi dahil sa trabaho. Nagigising na lang akong nakabalot sa yakap niya.
Mag-aalas dose na nang makita niya si Kaius na pumasok ng kwarto nila. Magulo ang buhok nito at pagod ang mukha. Bumakas ang gulat s amukha nito ng madatnan ako na gising pa. Sinadya kong antayin siya ngayon kasi ilang araw ko na itong hindi naaabutan.
I paused the movie that I've been watching on netflix and focused on him.
"Good evening.” ngitian ko ito ng matamis.
Dumiretso si Kaius sa akin at binagsak ang katawan sa kama. Ginawa nitong unan ang legs ko at sinubsob ang mukha sa tiyan ko. His manly perfume reached my nose. Malamlam din ang mata nito matapos humikab.
"Hey...” he tiredly called. “Uh, it's more comfy here.” he groaned and close his eyes.
Para namang may utak ang kamay ko at hinaplos ang maalon na buhok niya.
“Bakit ka ginabi? Siguro may kinikita ka nang babae no?” biro ko.
Tumaas ang sulok ng labi nito pero nakapikit parin. Tila gustong gusto nito ang paghaplos ko sa buhok. He even moaned.
“Ikaw na lang ang babae ko...”
Lumaki ang ngiti ko sa sinabi ni Kaius. Come to think of it. Mula nung binahay niya ako wala na akong naririnig na may babae itong kinita. It was far from Kaius Monteagudo that she knew.
“I doubt that.”
Nagmulat si Kaius ng mga mata at hinuli nito ang kamay kong nasa buhok niya.
“I don't just fuck around, Thea. Hindi tayo naglalaro ng bahay-bahayan dito. I'm old enough for that and I'm busy.” suplado nitong sabi.
Humagikgik ako. Nasasanay na rin ako sa attitude nito.
“So wala ka na talagang babae? When did you stop screwing around?”
He snorted. Nagpapahiwatig na hindi nito gusto ang topic. He bite and kiss the skin of my fingers.
“I don't know when. Nung nagkita tayo sa bar?” he shrugged.
Napasimangot ako. Naaalala ko yun. I caught them doing it in public comfort room. Yung sinigawan ko siya na landiin niya ako?
“How's your day?” ito naman ang nagtanong. “I missed you. Ilang araw akong abala sa distillery at nagkaproblema din sa Midlight. May gulong nangyari doon kanina kaya dinaanan ko din.”
Naawa ako sa lalaki. Mukhang stress na stress nga ito. He's young but he was already handling heavy workloads. He already built his own name. Before I entered his life, I thought that he was famous in girls because of his looks and charm but it turns out that his effort and great mind in handing business was more appealing. His looks was just a bonus and a front to easily get clients.
“Namiss din kita. Malapit na nga akong matulog kanina pero naisipan kitang antayin. Nakikita na lang kita sa kama.”
Maaga din kasi itong umaalis. Minsan hindi na siya nahahatid pero may inuutusan namang driver.
“Kaya nga ginabi ako tinapos ko na rin ang mga gagawin ko sa distillery bukas. Nabanggit mo din kahapon na aabsent ka bukas kaya ginawa ko na ang ilang trabaho sa opisina. I wanna spend time with you.”
BINABASA MO ANG
Not Promised
RomanceAlthea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of...