It feels deja vu.
Parang kailan lang noong huling magdinner ang pamilya ko at pamilya ni Kaius para pag-usapan ang pagkakasundo na ipakasal si Artemis sa lalaki. Ngayon nandito naman kami pero sa oras na to iba na ang bride.
At ako iyon.
Mula nung nakauwi kami galing ng isla ay naging abala kami sa kasal. We only have days at dahil kakatapos lamang ng kasal nila Azul ay ang mga kamag-anak ng mga Monteagudo ay nagsiuwian ng probinsya kaya nagkaroon ako ng oras para makilala silang lahat. They were so warm that I got along with them easily specially the girls of my age.
Sila sila na nga ang nakakasama ko minsan pag iniiwan ako ni Kaius tuwing may aasikasuhin ito sandali. They offered help for our garden wedding kahit na nandiyan naman si Ash at ang team nito. It was one of the best day of my life.
Doon ko napatunayan na malaki ang angkan nila. Some chose to be hidden in the dark and some were on spotlight. Ngunit pag pamilya na ang involve, hindi sila magdadalawang isip na lumabas ay tumulong. Kaya pala sinasabi ng marami na mahirap silang kalabanin. They have relatives staying from manila and out of the country. And their genes... gusto kong tawagan ang mga kaibigan ko at ipakilala sa mga lalaking pinsan ni Kaius.
And tonight we are all at the Monteagudo mansion. We were gathered to celebrate our engagement. They set a dinner and invited my family. They said it will be simple yet intimate dinner but heck when I saw the foods it was overflowing. It was a feast for me.
Nang sabihin ko iyon kay Kaius ay ikinibit-balikat niya lang iyon sabay sagot ng "We didn't even prepared enoughed."
And I was like. Not enough? Kaya na naming magpakain ng maraming pamilya nito.
Napayuko ako sa kamay ko na nakatago sa ilalim ng mesa ng hawakan at pisilin iyon ni Kaius. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakatanggap agad ng masuyong ngiti mula dito.
"Breathe."
Mahinang natawa ito ng makita ang pagngiwi ko. Natural lang naman atang kabahan pag kaharap mo na ang nga nakakatanda sa pamilya nito. At ang ilan sa mga ito ay hindi basta bastang tao lang. Ilan sa mga ito ay respetado at kilala sa probinsya nila.
"Nasaan na ang pinagyayabang nating confidence kanina?"
I glared at him but it didn't affect him. Tinapik nito ng marahan ang hita ko na para bang sa paraang iyon makakalma ako.
Natigil lang kami ng makarinig ng pagtikhim mula kay Tito Kaizan. Napayuko ako ng mahuling pinapanood pala nila kami.
"Iniexpect ko ngang aabutin ng buwan bago mapaamo nito ang anak mo Franco pero nagkamali ako."
My father laugh after hearing what Tito Kaizan said.
"He must be doing his best pursuing my hard headed daughter." sagot ng papa ko na umani ng tawanan mula sa matatanda.
Kaius glance at me while smirking.
"You are right, tito. Nasubukan kong tiisin ang malamig na hangin sa gabi para bantayan ang tent niya sa dalampasigan."
"She did mentioned to us that she insisted sleeping there on her first night because she don't want to sleep with you in one room." sabay sulyap ni mama sa akin.
Minsan yung mga magulang talaga ang nagiging dahilan ng pagkapahiya natin.
"That's true, tita."
Napunta sa akin ang mga mata ng matatanda.
"Pasensya na po. Hindi na naman po iyon naulit kasi hindi ko naman kayang makita siyang nagmumukhang kawawang gwardya doon na iniinda ang lamig."
"Of course I can't just leave you alone there. It's dangerous."
BINABASA MO ANG
Not Promised
RomanceAlthea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of...