Keycee's pov
Nagising ako sa tunong ng alarm ko. Inabot ko ang cellphone sa gilid ko at pinatay ang alarm.
Kaagad akong tumayo ngunit ako makatayo. Parang may nakadagan na mabigat.
Kinapa ko ang bandang hita ko at may nahawakan na binti. Teka hindi ito binti ni Anton at kung hindi ito kay Anton ay kay…
Mabilis kong idinilat ang mata at tama nga ako. Sa dimohong 'to ang nagmamay-ari ng binti na 'to!
Sisigaw na sana ako kaso may iba akong naisip. Dahil sa kan'ya dito nga pala ako natulog sa ibaba.
Tinignan ko siya na mukhang mahimbing ang pagkakatulog. Hindi ko gaanong kita ang mukha nito dahil nakatakip ang isa nitong braso sa mukha niya. Kaya naman mabilis na kinuha ko ang buhok nito sa binti at hinatak ng malakas 'yon.
"Aray– fuck!" Biglang tayo nito at dahil doon siya nakatapat sa kama ko ay nauntog siya sa gilid no'n.
Kaagad naman itong humarap sa'kin habang hawak ang noo nitong nauntog at ang kabila ay sa binti nito. Kita ko ang galit sa mata niya. Kitang-kita.
"Ano ba?!" Galit na sigaw nito.
"Nakadagan 'yang binti mo sa binti ko at inalis ko lang." Kalmang sabi ko rito.
"Anong inalis?! Eh bakit parang iba inalis mo?!"
"Ate? Kuya?" Boses 'yon ni Anton na bahagyang nasilip rito sa ibaba. Halatang kakagising lang niya.
"Bakit?" Agad akong tumayo para pumunta sa tabi niya.
"Ang ingay niyo po kasi ni kuya. Nag-aaway po kayo?" Tanong nito kaya umiling kaagad ako.
"Hindi, tanungin mo 'yang ate mo kung inaaway ako." Nakabusangot na naupo si Lantch sa simento na pinaghigaan namin.
"Fuck, my back." Daing nito at nahagyang ni-stretch ang likod. Tss mayayaman nga naman.
"Bibig mo nga," nakabusangot na sabi ko rito kaya bumusangot rin siya. Nilingon ko naman ang kapatid ko nakabusangot na rin.
Ay wow! Nakabusangot kaming tatlo anong tawag sa'min nito? The three busangots? Tss.
Pagkatapos doon ay bumangon na rin ang dalawa kaya inayos ko na ang pinagtulugan namin sa ibaba at ang kama.
Nilingon ko ang drawer ko kung nasaan ang mga damit namin ni Anton at nilingon ang labas.
Lumapit ako roon at isinara ang pinto ko at pagkatapos ay kaagad akong naglabas ng bag at ang mga damit namin ni Anton at ibang gamit na kaagad ko na ipinaglalagay sa bag.
"Makakahanap rin ako ng tyempo." Buntong-hininga kong sabi habang nakatitig sa bag namin.
Halos napatalon ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya kaagad kong inilagay 'yon sa ilalim ng kama.
Natataranta akong binuksan ang pinto at nakaluwag ng hinga ng makitang si Anton lang 'yon.
"Bakit?"
"Kakain na raw ate." Sabi nito
"Hindi ako kakain. Maliligo na ako at magt-trabaho na rin. Gusto mo ba na sumama?" Tanong ko rito na ikinatango nito ng marahan.
"Sige ganito. Maliligo muna ako pagkatapos ay ikaw na ah? Sa ngayon kumain ka muna doon." Sabi ko. Siguro ito na 'yon. Makakatakas kami mamaya. Kailangan ko lang na makuha ang bag na inilagay ko rito o maipakuha ko o kaya pwede rin sa loob ng bag na pwede kong paglagyan ng tsinelas.
"Sige ate… " at nag-punta na doon sa kusina.
Kumuha ako mg damit at naligo na rin.
Kapag labas ko ay dumiretso na ako sa kusina at nakita si Anton na kakatapos lang rin na kumain.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
NouvellesPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...