Chapter 10

1.4K 57 94
                                        

Lantch's pov

"Ang bagal mo talaga." Nakabusangot na sabi ko habang nakaupo sa kama at nagiintay sa kan'ya na naga-ayos.

"Eh nahihirapan pa rin ako sa necktie!" Reklamo niya at hinatak muli 'yon.

Isang buwan na siya sa university at hindi pa rin niya malagay ng maayos ang necktie  na ikakabit nalang sana.

"Ikakabit nalang 'yan hindi mo pa mailagay." Sabi ko at tumayo na para ako na naman ang magkabit non.

"Eh hindi ko makita 'yung ikakabit kaya." Sabi niya habang nakabusangot.

"Akina." At kinuha sa kamay niya ang necktie na ikakabit niya.

"Bakit may color orange itong necktie mo?" Madali lang makita 'yon since color gray lang ang necktie.

"Huh? Eto ba gamit ko kahapon? Teka papalitan ko." Sabi niya at kinuha sa kamay ko 'yung necktie at kumuha ng bago.

"May juice?" Tanong ko sa kan'ya.

"O-oo, natapon kahapon eh." Sabi niya.

"Wala namang juice uniform mo kahapon ah?" Sa pagkakatanda ko nung sinundo ko siya wala naman.

"Nagpalit ako sa university, pinahiram ako ni Lanelle ng extra niya." Nakangiting sabi nito.

"Ang clumsy mo." sabi ko at ikinabit na sa kan'ya ang necktie.

"Tara na." Sabi niya at paalis na pero hinatak ko naman siya pabalik kaya napasandal siya sa'kin.

"B-bakit?"

"Liptint." At tinuro ang liptint na nakatayo sa vanity niya.

"Sa kotse nalang. Tara na." Kinuha nalang niya ang liptint at muling tumalikod.

"May oras pa naman. Ako na naman ang sasabihan ni Lanelle kasi hindi ka rin naglalagay dahil bakakalimutan mo." Sabi ko at kinuha sa kamay niya ang liptint at binuksan 'yon.

"Teka– anong gagawin mo?"

"Ako na rin maglalagay para sure. Halika." At hinatak ulit siya kaso pilit namang umaalis.

"Ang kulit." At 'tsaka pinagpalit ang pwesto namin. Nakasandal na siya ngayon sa vanity habang ako ay nasa harap niya.

"Eh pwede naman ka– hmm anchu ba?" Inipit ko ng kamay ko ang dalawa niyang pisnge para makapag-pout siya.

"Ano ba!" Nakabusangot na sabi niya nang maalis 'yung kamay ko.

"Bakit?" Natatawang tanong ko.

"Hindi naman ganon maglagay. Pinipiga mo lang pisnge ko." Nakabusangot na hawak niya ang pisnge niya.

"Tumaba 'yung pisnge mo." Sabi ko.

"Tss. Akina na nga!" Nakabusangot na sabi niya kaya iniabot ko sa kan'ya 'yung liptint.

"Tapos na. Tara na, anong oras na." Sabi niya at hinila na ako.

Nakarating na kami sa university niya at nagmamadali siyang lumabas.

"Susunduin mo ako mamaya?" Tanong nito habang nakasilip sa pinto ng kotse.

"Titignan ko muna sched ko." Sabi ko.

"Sige. Bye!" Sabi niya at nagmamadaling tumakbo papasok ng university niya kaya napa-iling-iling ako.

Pinaandar ko naman muli ang kotse at nag-drive papunta sa company.

Nang makarating sa company at pinapark ko nalang ang kotse sa guard.

"Good morning sir." Bati ng mga nagtatrabaho na tinanguan ko kang at nagpunta na sa office.

Married To A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon