Keycee's pov
After so long ride huminto na ang kotse sa harap ng two-storey house na gawa sa kahoy at sa tapat ng bahay ay ang isang dagat. Ang ganda ng dagat, asul na asul ang tubig.
"Bumaba ka na." Sabi niya kaya bumaba na nga ako para mas matignan ng maayos ang paligid.
"Ay sir, ma'am nandito na pala kayo." May biglang lumabas sa loob ng bahay na lalaking nasa mga edad seventy years old.
"Kakarating lang Mang Idro." Sabi nito rito.
"Gano'n ba? Akina po ang mga gamit niyo tulungan ko na kayo ipasok 'yan."
"Salamat po." Sabi nito at iniabot ang isang maleta dito.
Pumasok naman sila sa loob kaya sumunod nalang ako sa kanilang dalawa papasok ng bahay.
"Dito po kayo natutulog?" Tanong ko kay Mang Idro.
"Ay hindi hija, pero medyo malapit lang ang tinitirhan ko rito." Sabi nito kya tumango-tango na ako.
Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa second floor ng bahay kung saan may isang kwarto lang.
Wait, isang kwarto lang?
Nilingon ko naman si Lantch ngunit busy ito sa pagpasok ng mga bahage sa loob ng kwarto.
"Maiwan ko na kayo." Paalam ni Mang Idro at bumaba na.
"Bakit isa lang kwarto?" Tanong ko habang nakasunod kay Lantch na nagpunta sa veranda.
"Binili nila Mommy 'to for their honeymoon noon kaya iisa lang ang kwarto." Sabi niya habang nakatingin sa dagat.
"Huh? Eh paano na 'yan?"
"Edi sa kama ako matutulog." Sabi niya.
"Ako sa sofa?!"
"Gusto mo sa kama ka rin. Malaki naman 'yung kama." Sabi niya kaya umatras ako.
"Ayaw ko nga."
"Edi h'wag. Wala namang pumipilit sa'yo." Sabi nito kaya napakurap-kurap ako. Wow ah ang gentleman naman ng isang Lantch Andrei Castelle.
"By the way, gusto mo na ba mag-swimming?" tanong nito kaya tinignan ko ang dagat at may tirik na tirik na araw. Ala una pa lang rin kasi.
"Mainit pa. Mamaya nalang siguro." Sabi ko rito.
"Okay." Sabi niya at pumasok sa loob ng kwarto.
Bago ako pumasok ay tinignan ko muna ang nasa veranda.
Maganda rin ang veranda. Mayro'ng dalawang upuan sa gilid at may lamesa sa gitna. This is good for star gazing.
"May lalagyan ng damit doon," at itinuro ang isang cabinet na gawa sa kahoy at medyo malaki.
"Ilagay mo nalang ang damit mo." Sabi nito at pabagsak na nahiga sa kama.
"'Yung sa'yo?" Tanong ko rito.
"Ilalagay ko nalang mamaya." Sabi nito habang tinatakpan ng braso niya ang mata niya.
Siguro ay napagod mag-drive.
Kinuha ko na ang maleta ko at pati ang kan'ya. Ilalagay ko nalang rin ang kan'ya.
Binuksan ko ang cabinet at ang galing ah. Ang linis ng loob walang bahid ng na-stock. Marami ring pwedeng paglagyan ng damit, pwede nga rin magsabit ng damit kasi mayro'ng hanger sa bandang kaliwa ng cabinet.
Inuna kong buksan ang maleta ko at inilipat ang mga damit na dala sa ibabang parte ng cabinet na nasa kanan.
Nang matapos ilagay ang sa'kin ay ang kan'ya naman ang nilagay ko. Hinanger ko naman ang polo na dala niya.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Historia CortaPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...
