Chapter 3

1.5K 55 3
                                        

Lantch's pov

Nasa tyangge ako ngayon at kasama itong dalawa.

"Ate..." tawag ni Anton sa Ate niya. Nakaupo siya ngayon sa kandungan ko habang naglalaro sa cellphone ko.

"Bakit?" Sagot nito habang tinatapos ang paglalagay ng tsinelas sa bag.

"Nagugutom po ako," sabi ni Anton.

"Ahm...  Hoy ikaw." Tawag nito sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bumili ka nga muna roon. May 7/11 r'yan na malapit. Donus at gulp ah?" Sabi nito.

Bakit ako? Eh pwede namang kaming tatlo. Tss.

"Baba ka muna," sabi ko kay Anton na bumaba naman sa pagkakaupo sa kandungan ko.

"Eto pambili." At iniabot ang isang daan na galing sa bag na dala nito.

"I have money." Sabi ko rito at naglakad papunta roon sa sinasabi niyang 7/11.

Nang makapasok ako ay kumuha ako ng apat na klase ng donut. Inilibot ko ang paningin at hinanap ang gulp na sinasabi nila at nang makita 'yon sa gilid ay kumuha ng pinakamataas na cup at nilagyan ng laman 'yon.

Matapos ay nagbayad ako sa cashier at lumabas ng 7/11 at naabutan ang bodyguard na pinapunta ko sa pwesto nila na tumatakbo.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong ko rito.

"Sila Ma'am po! Umalis po kasama ang isang lalaki. Tingin ko ay tatakas po sila." Sabi nito kaya agad kong ibinigay sa kan'ya ang donuts at gulp at sumakay sa van na malapit lang na siyang sinakyan nito.

"Saang gawi?" Itinuro naman nito ang gawi kung saan sila dumaan.

Nagsimula akong mag-drive at nang may makitang tao ay agad itong tinanong.

"Kuya, saan po daan rito papuntang terminal?"

"Ay doon. Diretso ka lang tapos may pangalawang kanto roon na may likuan, lumiko ka sa kanan." Sabi nito kaya nag-thank you ako at nagdrive papunta sa daang tinuro nito.

Nakalampas na ako unang kanto at nang may mapansin akong pamilyar na mukha na may kasamang motor.

That bastard huh.

Binilisan ko ang pagd-drive hanggang sa makarating kami sa terminal.

Inilibot ko ang paningin at nakita ang hinahanap.

Palingon-lingon ito sa mga bus na tila naghahanap ng masasakyan bitbit ang bag at hawak ang kamay ng bata. Tss.

"Kunin ang bata, ako nang bahala roon sa babae." Blankong sabi ko at kaagad na nag-puntaa roon.

Bago pa sila makasakay ay binuhat ko ito na parang sako ng bigas at kaagad na naglakad papunta sa van.

Nang makarating roon ay agad kong binuksan ang van at nakita sa unahan si Anton kaya isinalampak ko ito sa upuan at pumasok pagkatapos ay isinara ang pinto nito.

Lumingon ito sa'kim at akma akong sisinghalan base sa pagbuka ng bibig nito ngunit naunahan ko na iyang magsalita.

"A-anong sinasabi mo r'yan?" Nautal na sabi nito at nag-iwas ng tingin.

"Tatakas kayo ni Anton?"

"Bakit naman kam– ay shit si Anton?!" Kaagad na naghanap ang mata nito.

"Nandito ako Ate." Si Anton 'yon habang kumakain ng donut na naka-upo sa unahan.

Kinuha ko rito ang plastic na lalagyan ng donuts at agad na inilagay sa bunganga ng Ate niya na balak ng magsalita.

Married To A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon