One and a half year later.
"FUCK it, we're already married bakit ba ayaw niyo siyang ipakita sa'kin?" Pilit na sabi ni Lantch na nasa labas at nasa loob ako ng kwarto ni Lanelle sa loob ng mansyon.
Bukas na ang kasal namin at naniniwala sila Mommy na hindi dapat magkita o magkasama ang ikakasal lalo na kung sa susunod na araw ng pagkikita raw nila ang kasal.
"Still, just go to your room." Boses 'yon ni Mommy.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone pa i-text siya.
To: Lantch
Let's just text. Wala naman masama kung susundin natin sila Mommy at bukas magkikita rin tayo.
Ilang minuto pagkasend non ay tumahimik na sa labas at wala ng nagpupumilit na pumasok sa kwarto ni Lanelle.
From: Lantch
Fine! Let's just text. We're fucking married already tapos gagawin pa nila 'to.
Natawa naman ako dahil nai-imagine ko si Lantch na nakabusangot at magkasalubong ang kilay.
"Mukhang napasunod mo si Kuya ah? Tumahimik na sa labas eh." Si Lanelle 'yon na kakalabas lang ng banyo at kakatapos lang maligo.
Iniangat ko ang cellphone ko para ipakita na nagtetext kami.
"Pinahinto ko na." Sabi ko at nagreply sa text ni Lantch.
"Parang baliw talaga si Kuya." Naiiling na sabi ni Lanelle at naupo sa tabi ko sa kama habang nagpupunas ng buhok sa twalya.
"Mukha rin baliw na baliw sa'yo 'yung nagta-trabaho sa jollibee na tinarayan mo noon." Inangat-angat ko ang kilay habang nakangising nakatingin sa kan'ya kaya napa-irap siya sa'kin.
"Stop it," nakabusangot na sabi niya kaya natawa nalang ako.
Tinext ko naman si Lantch na tawagan si Lanelle dahil lagi siyang tumitingin sa cellphone niyang nakapatong sa table sa tabi ng kama.
From: Lantch
Bakit?
To: Lantch
Basta! Text kita kapag papatayin mo na.
Nagreply naman siyang okay kaya hinintay ko ang pagtunog ng cellphone niya.
Ilang minuto ay tumunog ang cellphone niya kaya patakbo siyang nagpunta doon para tignan at nang makita kung sino ang tumatawag ay napabusangot siya at sinagot ang tawag ng kuya niya.
"Stop it, kuya!" sigaw niya at pinatay ang tawag na mas ikinatawa ko kaya napalingon siya sa'kin habang nakabusangot.
"Parehas na kayong may topak ni Kuya!" Nagdadabog na nagpunta siya sa vanity niya para magpatuyo ng buhok.
From: Lantch
Bakit galit na galit 'yon? Halos mabingi ako sa sigaw.
To: Lantch
She's expecting calls that's why.
After ng text na 'yon ay tumawag sa'kin si Lantch kaya sinagot ko 'yon 'tsaka nakipag-usap.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Lantch ay tumunog ang cellphone ni Lanelle.
"Stop it, Ate!" Sabi niya kaagad na parang alam niya na si Lantch na naman 'yon at pagt-tripan namin siya.
"Hindi si Lantch 'yon." Sabi ko kaya napalingon siya sa'kin kaya ipinakita ko sa kan'ya ang cellphone ko na katawagan si Lantch at niloudspeaker ko pa 'yon.

BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Historia CortaPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...