Chapter 11

1.3K 56 42
                                        

Keycee's pov

Maaga akong nagising sa hindi malaman na dahilan. Siguro dahil alam ng katawan ko na may pasok ako.

Bumangon na rin ako at nagsimulang gumayak.

Kinuha ko ang towel at pumasok ng banyo para maligo.

Nang matapos akong maligo ay sinuot ko na rin 'yung uniform ko.

Nasa tapat ako ngayon ng vanity at nakaupo habang nakatingin sa necktie na ikakabit.

"Kaya mo 'yan, Keycee! Imagine-in mo nalang na kwintas ang sinusuot mo." Sabi ko sa sarili ko at kinuha na ang necktie at sinimulang isuot 'yon.

Unang gawa, ang pangit ng kinalabasan kaya inalis ko na rin at nakabusangot na nakatingin sa sarili sa salamin.

"Ano ba? Simpleng necktie nalang, Keycee."

Isusuot ko sana ulit ng tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko nalang muna 'yon tutal medyo maaga pa naman.

"Hello?"

"Keycee, pwede raw mag-civilian nalang kasi half day lang raw ang pasok." Sabi niya.

Yes! Buti nalang at civilian, hindi ako maghihirap ikabit ang walang'yang necktie na 'yon.

Nagpalit naman ako ng isang simpleng off-shoulder dress, dahil trip ko mag-suot ng dress ngayon at half day lang naman, makakauwi naman ako ng maaga.

Saktong lumabas ako ng pinto ay ang paglabas rin si Lantch sa kwarto niya.

"Wala kayong klase?" Tanong niya habang tinitignan ang suot ko.

"Meron."

"Bakit hindi ka naka-uniform?"

"Pwede raw mag-civilian, kaya nag-ganito ako. Tara na." 'Tsaka naunang naglakad pababa.

"Kumain ka muna." Sabi niya kaso umiling na ako.

"Hindi na. Busog ako."

"Hindi ka pa naman kumakain ah? Kumain ka muna kahit tinapay lang."

Lalapit sana siya para hilahin ako kaya naglakad ako papunta sa tapat ng pinto para lumabas na.

"Kung gusto mo kumain, kumain ka. Iintayin nalang kita sa baba."

'Tsaka lumabas ng tuluyan sa condo.

Napabuga naman ako ng hangin 'tsaka pinaypayan ang sarili bago naglakad papunta sa elevator.

Nang bumukas ang elevator ay pinindot ko ang basement kung nasaan nakalagay ang kotse niya.

Magsasara na sana ang elevator nang may kamay na humarang kaya napa-atras ako.

Nakakagulat naman!

"I-i'm sorry nagulat kita. Nagmamadali ka ba?" Hinihingal na sabi ni Lantch nang makapasok siya sa elevator.

"Baka ma-late ako."

"May 40 minutes pa bago mag-start ang class mo." Sabi niya.

"Gusto ko maagang pumasok." Sabi ko nalang. Eh sa gusto ko ng umalis.

"Okay, pwede mo namang sabihin na gusto mo pala. Pinaghabol mo pa ako."

Nakabawi na siya sa pagtakbo niya kaya inayos niya ang suot na suit at necktie.

"Hindi ko naman sinabing habulin mo ako."

"Sabay tayong papasok, ihahatid kita hindi naman pwedeng pumasok ka mag-isa." Sabi niya.

"Bakit naman hindi? Alam ko naman sumakay papunta sa university." blankong sabi ko sa kan'ya.

"Ang cold mo. Dahil ba 'to sa nangyari kagabi?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin.

Married To A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon