Keycee's pov
Nagising ako sa tunog ng alarm ko.
Agad naman akong napabangon at nilingon ang tabi ko at nakita si Anton na nagalaw na rin dahil siguro sa biglang pagbangon ko.
Teka? Siya katabi ko? Eh ba't kagabi 'yung lalaking 'yon ang katabi ko?
"Ate?"
"Sorry nagising kita,"
"Okay lang ate, tinulugan mo naman ako kagabi." Nakangusong sabi niya.
"Huh? Tinulugan?"
"Oo ate. Bago pumasok si Kuya LA kaya sa may sala siya natulog." Sabi niya.
So sa sala siya natulog? Akala ko dito? Nanaginip lang ba ako kagabi? Pero bakit parang totoo?
"Sa… sala siya natulog?"
"Opo ate, sabi niya sa'kin ako naman dito. 'Di ba sabi sa'yo ate mabait si Kuya LA eh." Kwento nito.
Edi panaginip nga lang?!
Bakit nanaginip ako ng gano'n? Aish kadiri.
"Bumalik ka muna sa pagtulog. Magluluto pa naman ako." Sabi ko na inilingan lang niya.
"Hindi na ako antok ate."
"Sige. Gusto mo ba na tumulong sa pagluluto?"
"Opo!" Masayang sabi nito kaya binuhat ko na siya at pagkatapos ay lumabas ng kwarto.
Kapag labas ko roon ay wala na kong naabutan na nakahiga sa mahabang upuan sa sala. Siguro lumabas.
Nagpunta naman ako sa kusina.
"Ay anak ni lucifer!" Gulat na sigaw ko nang makakita ng isang lalaking nakatalikod at walang suot na pang-itaas.
Sigurado akong hindi ito si papa! Malayong-malayo dahil ang bata ng tindig nito.
"I have a friend named Lucifer but I'm not his son." Sabi nito nung lumingon siya sa gawi naming dalawa ni Anton.
"Bakit ba nandito ka?" Busangot na sabi ko at ibinaba si Anton na gustong kumawala.
"Nagluluto." He said.
Lumapit sa kan'ya si Anton kaya lumuhod siya at hinalikan naman siya sa pisnge nito.
"Good morning po."
"Good morning." He said at sinabing maupo sa upuan na narito rin sa tapat ng lutuan.
"Bakit hinalikan mo 'yon? Baka magka-virus ka." Nakabusangot kong pinupunasan ang labi ni Anton.
"I don't have virus." Sabi nito na ikina-irap ko.
"So?"
"Tss."
Natapos siyang magluto kaya pinaghanda ko na si Anton at binigyan ng pagkain. Kumuha na rin ako ng sa'kin.
Ang sarap ng ulam namin ngayon. Lalo na ng hotdog dahil ang haba tsaka ang laki.
Natapos akong kumain at saktong pagkapasok ni papa.
"Keyce—
"Maliligo na ako, kailangan ko ng mag-trabaho." Pagkatapos ay tumalikod na at nag-punta sa kwarto para kumuha ng damit at maligo.
Iisa lang ang banyo sa bahay namin at doon 'yon malapit papunta sa kusina.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa banyo at nang makapasok doon ay naligo na.
Nang matapos akong maligo ay dito na rin ako sa banyo nag-bihis.
Kapag labas ko sa banyo ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko at nag-ayos katulad ng matagal ko na ginagawa.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Short StoryPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...
