Keycee's pov
"Kailan pa ba talaga 'to?" Tanong ko kay Lanelle na kasama ko ngayon sa mall para sana bumili ng mga kakailangan kasi papasok ako ngayong school year.
Isang buwan na rin simula nung kasal namin ni Lantch. Next week na rin ang pasukan. Nasa second year college na ako sa at about Business rin ang course ko at ayos naman kila Mommy 'yon na magpapa-aral sa'kin. Si Lanelle naman ay fourth year college na, ga-graduate na siya sa susunod na school year.
"Sabi ni Mommy I should buy you some make ups too so you won't look pale and do some shopping." Sabi niya habang nagtitingin ng mga shades ng liptint.
Kailan ba magtitipid 'tong magkakapatid na 'to? At kailan ba hindi madadawit si Mommy?
"Okay na ako kahit isa nalang." Sabi ko sa kan'ya pero busy pa rin siya sa pagtitingin ng iba't-ibang klase ng liptint.
Naka-kuha na siya ng powder kanina at lima pa kaya ngayon alam ko na kung ilan ang liptint na makukuha niya lalo na't tatlo na ang nasa cart namin.
Isa lang naman sana ang mukha ko pero limang powder ang kinuha.
"Para marami kang pagpilian 'tsaka sagot ni Mommy 'to kaya don't worry sa price."
Ayan nabanggit ang presyo. Halos mga nasa 200-300 ang presyo ng mga nakuha niya.
Kakatapos lang namin sa National bookstore at hawak na nung bodyguard na pinadala sa'min 'yung nabili namin. Nasa labas ng store sila at hinihintay nalang kami na matapos.
"'Yun na nga, sagot ni Mommy kaya okay na 'to nakaka-tatlong liptint na rin ang nakukuha mo."
"Fine. Eto na 'yung last. Tara na sa counter." At inilapag sa cart 'yung hawak na tatlong liptint.
Last na nga.
"2,207 po lahat Ma'am."
Napasapo nalang ako ng ulo sa presyo. Sa limang powder at anim na liptint ay marami ng mabibili. Pwede ka naman bumili ng liptint at powder ng mga nasa 100 lang.
"Here," at may iniabot na black card sa cashier.
"Tara na." Aya nito kaya tumango naman ako at sumabay sa kan'ya.
Paglabas namin ay kaagad niyang ibinigay ang paperbag na may laman ng pinamili sa loob.
"Uuwi na tayo?"
"Ahm no, may pupuntahan pa tayo... ayon!" At itinuro ang isang store na may nakalagay na chanel.
"Ano namang gagawin natin dito?"
Napatingin naman ako sa buong store na naglalaman ng mga bag, sapatos, damit at iba pang gamit na halatang mamahalin.
"We'll buy clothes for you." Sabi niya at hinila ako papasok kaso huminto ako at nagpabigat.
"H'wag na! May mga damit pa naman ako." Sabi ko sa kan'ya ako umiling lang siya at hinila na ako papasok sa loob.
"Pwede mo 'tong gamitin kapag lalabas, gagala or may date kayo ni Kuya." Nakangiting sabi nito at hinila ako sa loob at dumiretso sa isang banda.
"May I help you Ma'am? What are you looking po?" Lumapit 'yung isang babae na saleslady based na rin sa damit na suot niya.
"Can you help me na maghawak nalang? I already know what to choose na kasi." Sabi ni Lanelle.
"Sure, Ma'am." Nakangiting sabi nito.
Nagtitingin naman ako sa paligid habang si Lanelle ay busy sa pag-kuha ng damit.
"Lanelle," tawag ko rito nang mapansin na ang dami ng hawak nung saleslady.
"Why?" Tanong nito habang busy sa pagpili ng size.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
KurzgeschichtenPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...