Chapter 7

1.3K 54 11
                                    

Lancth's Pov

Paulit-ulit lang ang nagyayari. Laging congrats at kami ay sasagot lang ng 'thank you' sa kanila.

Nang makapag-ikot kami ay naupo na rin kami sa upuan sa harap na nasa stage.

"Nauuhaw ako." Sabi ni Keycee kaya nag-angat ako ng kamay para makuha ang pansin ng isang waiter na medyo malapit sa pwesto namin at nakuha ko naman ang atensyon niya.

"Sir?"

"Water for her." Kaagad naman itong tumango at naglagay ng tubig sa baso pagkatapos ay iniabot sa kan'ya.

Maya-maya lang ay tinawag si Keycee para ihagis ang bouquet na hawak niya.

Hindi na nga pala nag-lagay ng garter for boys dapat kasi halos kamag-anak lang na malalapit ang nandito and friends.

Nang maihagis niya 'yon ay nag-focus ang mata ko sa papabagsak na bouquet kay... Lanelle? What the hell?

"The sister of the groom! Congrats, do you have any boyfriend?" Nakangiting tanong ng emcee kaya tinignan ko si Lanelle na umiiling.

Good then. Study first and let us meet him first.

"I think the brother is too strict that's why!"

"Boys will hurt her. It's better for her to be single." Simpleng sabi ko.

Napa-ohh naman ang mga tao even the emcee.

Nakabalik na si Keycee sa upuan sa tabi ko at bumulong sa'kin.

"Alam mo hindi na ako magtataka kung tatandang dalaga 'yang kapatid mo." Sabi nito.

"She's still 17 years old. She can explore first."

"Explore like...  what you're doing?" Tanong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Just kidding. Chill." Natatawang sabi niya.

Natapos na ang party na dumiretso na rin kami sa mga room na mayroon sa hotel na pinag-venue-han namin.

Room 165.

Swinipe ko ang card na binigay sa'min at pumasok sa loob.

Malaki ang loob. Maganda rin. It only has one bed at mayroong pinto na tingin ko'y isang bathroom at may mini kitchen.

Maglalakad na sana ako papunta sa kama nang biglang naunang tumatakbo itong babaeng ito at pabagsak na nahiga sa kama kaya naglakad narin ako papunta roon.

Nakaupo ako ngayon sa sofa sa gilid malapit sa veranda ng room.

In-open ko ang TV at nilagay sa isang movie channel.

"Teka may damit ka bang dala?" Napabangon siya sa pagkakahiga at tinignan ako.

Itinuro ko naman ang dalawang bagahe na medyo malapit sa tabi ng kama. Hindi ba niya napansin 'yon?

"Sa'tin 'to?" Tanong nito at nilapitan ang mga bagahi at dinala sa tabi ng kama.

"Oo."

"Sinong nag-ayos? Eto ba 'yung damit ko sa mansion niyo? 'Di ba magpupunta raw tayo ng beach?" Tanong niya. Mukha bang alam ko? Ako ba nag-ayos niyan?

"Ewan ko. Try mong tignan." Sabi ko at inilipat sa ibang channel ang TV.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa kong suot at tinignan ang caller.

Zandra Meriel Kres Univ calling...

Zandra again. I sighed at naglakad papunta sa veranda then I answer her call.

Married To A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon