The picture at multimedia is the gown that keycee will wear.
--------
Keycee's pov"Tara na kasi! Masarap ang tubig doon kapag hapon."
Nasa loob kami ng kwarto at nakahiga si Lantch sa kama habang hinihila ko naman siya patayo.
Gusto kong magpunta doon sa batis, hindi kasi ako nakakapunta doon noon dahil lagi akong may trabaho pero sabi nila ay maganda raw at sang-ayon naman ako kasi napuntahan ko na rin kaso nga lang ay hindi ko man lang nasubukan na lumangoy binti ko lang ang nailubog ko sa tubig kasi wala akong dalang pamalit.
"Nakaligo na ako," tamad na sabi niya habang hawa ang cellphone niya kaya sa inis ay kinuha ko 'yon at nilagay sa bulsa ko pero ang cellphone ko naman na nasa nakapatong sa kama ang kinuha niya.
"Ako hindi pa, tara na kasi." Nakabusangot na hawak ko pa rin ang isang braso niya at pilit siyang hinahatak kaso ang bigat!
"Edi maligo ka na d'yan at 'tsaka may araw pa sa labas, nakakatamad tumayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya 'tsaka umikot kaya ang ending ay nakahiga ako sa tabi niya at nakaunan sa isa niyang braso. Nasa likod ko siya at nakayakap sa'kin.
"Gusto ko nga doon! Tara na kasi!" Inalis ko naman ang braso niyang nakayakap sa'kin at 'tsaka tumayo.
Nakatayo ako sa gilid ng kama habang nakahawak ang dalawang kamay sa beywang.
Kahapon pumayag naman siya kaso hindi kami natuloy kasi nakasalubong namin si Zed na maliligo rin sa batis kasama 'yung mga kaibigan niya kaya nagbago ang desisyon niya at tumambay nalang kami sa loob ng kwarto.
"Fine! Kung ayaw mo ako nalang." Nakabusangot na sabi ko at kinuha ang twalyang nakaready. Balak ko ay dito na rin magbihis kaya twalya lang ang dala ko at gusto ko lang naman maligo doon, lalangoy lang naman ako ng kaunti at hind magtatagal.
"Fine. Let's go." Sabi niya at nakatayo na sa tabi ko at may nakasabit na twalya sa balikat. Inirapan ko naman siya at naunang lumabas. Ang arte kasi papayag rin pala.
Naglakad kami papunta sa batis dahil malapit-lapit lang naman at wala naman kaming dala kun'di ang twalya lang.
Nakarating na kami sa batis at walang tao! Ibig-sabihin solo namin ang buong tubig.
Nakangiti akong patakbo na nagpunta doon at nang umabot na hanggang sa parteng beywang ay huminto na ako para lingunin si Lantch na may hawak na palang cellphone at nakatutok sa'kin na para bang kinukuhanan ako ng picture.
"Pinipicture-an mo ako?"
"Yeah, para ka kasing batang ngayon lang nakapunta sa kahit anong ilog o batis." pagkatapos ay ibinaba ang twalya niya at 'tsaka 'yung sa'kin na pinahawak o sa kan'ya bago ako lumusong dito.
"Hindi ka maliligo?"
Umikot-ikot naman ako habang nakalagay ang dalawang kamay sa gilid para umikot rin ang tubig na nasa parte ko.
Pinaghalong malamig at mainit ang tubig kaya masarap maligo lalo na sa may ayaw ng masyaong malamig na tubig.
"Cee," tawag ni Lantch kaya napalingon ako sa kan'ya na hawak pa rin ang cellphone.
"Pwesto ka doon, picture-an kita." sabi niya habang nakaturo ang isang medyo may kalakihan na bato at may tubig pa sa tingin ko ay hanggang sa paa lang.
"Ayoko, ang pangit ng suot ko." sabi ko at lumangoy papunta sa pwesto niya.
"H'wag ka naman capture ng capture mamaya pangit ang kalabasan ko d'yan, sure naman akong 'di mo dedelete at ipangaasar mo lang sa'kin 'yan." nakabusangot kong sabi nang marinig ko ang pag-capture nung pag-ahon ko pati na rin ang paghawi ng buhok na tumabon sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Short StoryPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...