Keycee's Pov
"So, the date is July 10." Sabi ni Mommy ni Lantch. She wants me to call her Mommy since I'm her daugher-in-law raw.
"Next next week?" Tanong ni ahm Daddy? I'm not really comfortable to call him Daddy siguro dahil sa first encounter namin sa bahay namin but i think masasanay rin ako kasi habang nandito ako baka masanay rin ako sa kan'ya.
"Yap,"
"Okay, I'll clear my schedule." Sabi nito pagkatapos ay tumayo na at handa ng umakyat para matulog.
Tumayo na rin si Mommy at ngumiti sa'min.
"Let's all sleep?" Tanong ni Mommy kaya tumango na rin ako.
"Good night, Keycee." Sabi ni Mommy at hinalikan ako sa pisnge.
"Good night po," pagkatapos ay nilingon si uhm Daddy na tumango na lang sa'kin.
"Good night, pa." Pagkatapos ay nagpaalam na na aakyat na ako sa loob ng kwarto.
Nang makarating ay nagpunta ako sa banyo para maghilamos at magpalit ng pantulog. Nadagdagan nga pala ang damit ko ng mga pang-alis, pang-tulog, at pambahay dahil nagshopping si Mommy.
Kinuha ko ang toothbrush na nakalagay sa sink at nag-toothbrush na.
Inuna kong alisin ang suot na short at nagpalit ng pajama, sobrang lamig rin kasi sa loob ng kwarto niya at mas komportable akong magsuot ng pajama at ang ganda rin ng terno na binili ni Mommy. Malambot at silk rin.
Nang makapagpalit mg pajama at ang damit naman ang itinaas ko at dinampot ang damit na isusuot na naroon lang sa may ibabaw ng sink.
Hindi na kasi ako nagpunta pa sa pinakaloob at doon nalang nagpalit sa tapat ng may salamin.
Ibubutones ko na sana ang pangalawa sa ibaba nang biglang bumukas ang pinto na ikinatigil ko.
"Ahhhhhh!" Kaagad kong dinampot ang malapit kong damit na kakaalis lang at ibinato sa kan'ya na nakatigil rin doon.
"T-tumalikod ka nga!" Namumulang sabi ko kaya kaagad siyang tumalikod at nagmamadali ko namang ibinutones ang natitirang kailangan pang isara.
Nang matapos ay huminga muna ako ng malalim at binuksan ang pinto.
"Ay– ano ba!"
Hawak ko ang bandang puso ko dahil sa gulat.
Paano ba naman kasi nung binuksan ko ang pinto naroon siya sa tapat non at nakatayo ng diretso at blanko na nakatingin sa pinto.
"I'm sorry." Sabi niya at pumasok na rin kaagad sa loob ng banyo.
Hindi ko tuloy alam kung saan siya humihingi ng tawad, kung doon ba sa nakita niya o nagulat ako? Aish bakit ko ba iniisip pa 'yon?! Malay mo parehas. Matulog ka na nga Keycee at kung ano-ano ang iniisip mo!
Bumuntong hininga ako 'tsaka naglakad papunta sa vanity kung nasaan ang mga gamit.
Pwede ko raw gamitin ang hair dryer niya kaya ginagamit ko na rin ang hair dryer niya sa gabi kapag maliligo ako.
Nang matapos ako ay hindi pa siya nakakalabas ng banyo kaya kaagad kong isinauli ang hair dryer at naglakad papunta sa kama para matulog na.
Ayaw kong maabutan niya akong gising. Awkward sigurado para sa'min 'yon o para sa'kin lang.
Nahiga na ako at niyakap ang isang hindi kalakihan na teddy bear na spongebob.
Galing sa collection ni Lantch 'yon. He told me na kung komportable raw ako ay gamitin ko 'yon at ayos naman nakakatulog naman ako.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Historia CortaPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...