Chapter 12

1.3K 60 41
                                        

Warning: Roar
--------
Keycee's pov

Seryoso si Lantch sa sinabi niya ngunit 'di pa rin umaalis 'yung Charles sa pwesto niya at nakaharang pa rin sa'min kaya mas nagalit si Lantch. Patay na, ang kulit ng isang 'to gusto yata talagang mabalitan ng buto.

"A-ah ano… bukas nalang natin pag-usapan 'yung tungkol sa project. K-kami nalang magiisip kung saan tayo magkikita-kita tapos itetext ko nalang kay Niah." Sabi ko ngunit tumaas lang 'yung kilay nung Charles.

"Ngayon na bakit kailangan bukas eh nandito naman na kay–

"Lantch!"

Sinuntok na niya 'yung Charles! Ang kulit naman kasi ng Charles na 'to! Parang ilang ulit iniluwal.

"Lantch tara na, hayaan mo na siya." Halos naka-yakap na ako sa kan'ya para pigilan siya.

"Lantch." Napalingon ako doon sa tumawag at nakita si Gritch 'yon.

"Gritch?"

"Oh, hi Keycee!" Bati niya sa'kin kaya nagaalinlangan akong ngumiti sa kan'ya. Ang saya kasi ng pagkakabati niya eh galit itong si Lantch.

Nilingon ko si Charles na nakatayo na sa tulong ni Niah at Jian. Nanatili ang dalawa sa gilid niya para alalayan siya at may binulong si Jian kay Charles.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kan'ya.

"Ako may-ari ng bar na 'to, kakapatayo lang actually, at iyang asawa mo gagawa pa yata ng bad luck sa unang araw ng bar ko." Nakabusangot na sabi niya. Lumingon naman si Gritch kay Lantch.

"Umuwi na kayo ni Keycee. Ako ng bahala dito." Sabi ni Gritch kaya tumango naman si Lantch at hinawakan ang kamay ko.

"Ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng lalaking 'yan rito." Seryosong sabi niya at hinatak na ako shempre kasunod si Nesha na hatak-hatak ko rin.

Nakalabas na kami ng bar at nanatiling tahimik lang kaming tatlo.

Nasa kotse na kami ngayon ni Lantch na hindi naka-ayos ang park basta ay nasa tapat lang ng bar.

"Lantch, paano mo nalamang nandoon kami?" Tanong ko habang nasa daan kami.

"Mamaya tayo mag-uusap." Malamig na sabi niya kaya napalunok ako kaya tumango nalang ako at yumuko.

Tumunog bigla ang cellphone ko sa isang text kaya kinuha ko 'yon at si Nesha ang nag-text.

Nesha:

Nakakatakot 'yang asawa mo! Buti nalang malapit na ang sa'min. Lagot ka mamaya. Masasaktan ka.

Sabi niya kaya nakabusangot akong lumingon sa kan'ya sa likuran.

Nagawa pa akong takutin!

Ako dapat inis eh pero anong magagawa ko? Inis sa'kin tapos kan'ya galit.

Nang makarating kami sa tinitirahan ni Nesha ay parang gusto ko na rin bumaba dahil mas sumeryoso ang mukha ni Lantch.

Ayan na. Mama, ipakain mo na ako sa lupa. Hindi ko yata kayang tiisin ang galit nitong lalaking ito.

Nang makarating kami sa parking lot ng condo ay ipinark niya ang kotse at inalis ang seatbelt na nakasuot sa kan'ya.

"Baba." Sabi niya kaya mabilis akong bumaba ng kotse.

Nang makababa na rin siya ay pinatunog niya 'yon at hinatak ako papasok ng building.

"Teka naman Lantch! Ang bilis mo maglakad!" Reklamo ko.

"Edi bilisan mo rin maglakad." Sabi niya kaya nakabusangot ako.

Grabe ah! Porket matangkad ka ah?

Married To A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon