Lantch's pov
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako ng banyo at tinanong ang isang maid kung nasaan sila Daddy.
"Nasa study po sila."
"Si Keycee?"
"Nagpunta na po doon." Sabi niya kaya tumango ako at naglakad papunta sa study.
Nasa hagdan palang ako ay nakasalubong ko ang papa ni Keycee a nagmamadaling bumababa ng hagdan galing sa Study ni Papa.
Anong nangyayari?
"Keycee! Sandali lang!" 'Yon ang sinisigaw niya hanggang sa malagpasan ako kaya napatingin ako kay Papa.
"Lantch." Tawag ni Daddy kaya nilingon ko siya.
"Bakit po?"
"Come with us." Sabi niya.
"Si Keycee, Mommy? Saan siya papunta at bakit hinahabol siya ni Papa?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila.
Malungkot na ngumiti sa'kin si Mommy. Seriously? Anong nangyayari?
"Tumakbo si Keycee?" Tanong ko kaya tumango si mommy kaya tumalikod ako para sundan si Papa na sinusundan si Keycee.
"Lantch, let's talk first." Pigil ni Daddy sa'kin pero umiling ako.
"Later, sundan ko lang muna sila Keycee." Sabi ko ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Daddy at tumalikod na kaya wala akong nagawa kun'di sumunod sa kan'ya habang nakalingon sa direksyon kung saan dumaan ang papa ni Keycee.
Ano kayang nangyari? Baka sa condo na siya dumiretso.
Nasa tapat kami ng pinto at nakita ko doon ang box ng cupcake na gawa ni Keycee kaya kinampot ko 'yon at dinala papasok sa study ni Daddy.
"Umupo ka muna." Sabi ni Daddy kaya naupo ako sa sofa sa loob ng study niya.
"Ano pong sasabihin niyo?"
"Promise to hear our explanation first and don't be angry okay? Whatever what your father will say." Sabi ni Mommy.
"Hindi ako magagalit hanggang walang dahilan para magalit ako." Sabi ko. Ngumiti naman si Mommy sa'kin ar nagsimula nang magsalita si Daddy.
Natapos nang magsalita si Daddy at nasabi na rin niya ang paliwanag niya habang tulala at hindi nagsasalita dahil sa narinig.
Totoo ba 'to? Why I didn't realize or atleast recognize it?
Ilang minuto pa at biglang bumukas ang pinto ng study ni Daddy at pumasok ang hinihingal na si Papa kaya tumayo ako at lumapit sa kan'ya para tanungin kung nasaan si Keycee.
"Okay ka lang, Jacinto?" Tanong ni Mommy kay Papa na tinanguan niya.
"Pa, si Keycee?" Tanong ko pero umiling lang siya sa'kin.
"Hin-di ko siya naabutan. Sumakay siyang taxi, pakihanap siya Lantch please. Baka kung anong mangyari sa kan'ya, please Lantch." Nagmamakaawang sabi niya kaya tumango ako. I'll definitely find her.
"Umupo po muna kayo Pa." At inalalayan siyang maglakad sa sofa na kinauupuan ko kanina pagkatapos ay inabutan siya ng baso na may tubig.
"Hahanapin ko po muna si Keycee at sasabihin sa kan'ya ang totoo, h'wag po kayong mag-alala." Tumango naman siya sa'kin habang umiinom ng tubig.
"Aalis na po ako." paalam ko at patakbong lumabas ng study.
Nang nakarating ako sa kotse ay tinawagan ko ang cellphone niya pero ring lang 'yon ng ring.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Historia CortaPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...
