Keycee's pov
"What do you want to watch?"
Sabado. Nandito kami ngayon sa kwarto niya para manood ng movie, inaya ko kasi siyang manood ng movie kaya eto naghahanap kami ng mapapanood sa netflix.
"Try kaya natin 'yung About Time? It looks interesting." Sabi ko nang mapansin 'yon sa pangalawa nung nag-stop siya mag-scroll. 2013 pa 'yon pero mukhang maganda, 2 hours nga lang siya.
"Okay, gusto mo ng popcorn?" Tanong niya habang inaayos ang kumot na nakapatong sa bandang t'yan namin habang nakasandal sa headboard ng kama.
"H'wag na, ayan nagi-start na." Umayos ako ng sandal para mas komportable.
Nagdaan ang dalawang oras at natapos na namin ang movie na About Time kaya pinatay na ni Lantch ang TV.
"Let's sleep?" Umayos siya ng higa at pinaunan ako sa braso niya at iniyakap niya ang isang braso sa'kin kaya yumakap rin ako sa kan'ya.
"Lantch," nakatingin ako sa kan'ya na nakapikit na at handang matulog.
"Hmm?"
"What if like Tim, you can travel to the time when you knew that you'll marry me, what will you do?" Tanong ko kaya napadilat siya.
"Like in this time and travel when I knew I'll marry you?" Tumango naman ako sa kan'ya habang nakatingin pa rin sa kan'ya.
"Wala akong gagawin." Simpleng sagot niya.
Huh? May chance na nga siya tapos wala pa siyang gagawin?
"Why? May chance ka na non!"
"Bakit ko babaguhin 'yung nangyari noon eh memories natin 'yon? Plus, dahil doon nakilala kita kung may gusto man akong baguhin ay hindi 'yung nangyari noong nagkita tayo kun'di 'yung nagpakita si Zandra sa'tin, inuwi nalang sana kita sa hotel noon." Sabi niya kaya nahampas ko kaagad siya.
"Seryoso ako!" Nakangusong sabi ko.
Anong hotel ka d'yan? Kung ano-ano nalang ang naisisingit.
"Seryoso rin ako. Basta wala akong gustong baguhin sa mga nangyari, everything happen for a reason at ang kasalan na 'yon ay ang naging rason para mahalin natin ang isa't-isa."
Sweet ah? Akala mo hindi malakas mambwisit.
"Ikaw lang naman nagmamahal." Irap na sabi ko na ikinapagsalubong ng dalawa niyang kilay.
"Anong sabi mo?" Tanong niya sa'kin at mas hinigpitan ang yakap.
"Ang sabi k-ahh-Lantch t-teka ano ba!" Natatawang sabi ko dahil sa pag-kiliti na ginagawa niya sa'kin gamit ang isang kamay.
"A-ayaw ko na,"
"Sabihin mo munang mahal mo rin ako." Sabi niya habang patuloy pa rin sa pagkiliti sa'kin.
"Ayaw.." Kasunod non ang pagtawa dahil sa patuloy pa rin niya akong kinikiliti.
Ang sakit na ng t'yan ko kakatawa! Ang gulo na rin ng kama namin dahil sa likot ko.
"O-oo na-mahal na kita, tama na HAHAHA."
Sa wakas nahinto rin siya.
Bumangon naman ako at sumandal sa headboard ng kama habang hinihingal.
"Ang gulo na ng kama!" Nakabusangot na tinignan ko ang kama na gusot-gusot at 'yung kumot ay nasa bandang ibaba na rin at hulog ang ibang parte
"Ang kulit kasi, lika na rito anong oras na." Sabi niya at tinapik ang ibaba kung saan nakapwesto ang braso niya kaya nahiga na rin ako doon nang makabawi sa hingal dahil sa pagkiliti niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Short StoryPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...
