Chapter 5

1.5K 56 6
                                        

Keycee's pov

"Did I shock her too much?" Nakangusong sabi ng mommy ni Lantch nang humiwalay ito ng yakap sa'kin.

"Oh, ja–

Hindi natuloy 'yon nang hinatak ito ng daddy ni Latch at may binulong rito.

"Ahm... I'm sorry, hija. Excited lang talaga ako." Nakangiting sabi nito na ikinakurap-kurap ko at nahihiyang ngumiti rito.

"A-ahm okay lang po," nahihiyang sabi ko.

"Ayan sige! Tuloy ka na," nakangiting sabi nito kaya nakayukong pumasok ng tuluyan sa bahay nila or should I say mansion? This is too big to called house.

Inilibot ko ang paningin sa buong sala nito at tanaw rin ang hagdan na makintab. Bakit parang pamilyar ang bahay na ito? Nakapunta na ba ako rito dati? O kami?

"May handa sa dining room. Let's eat?" Aya ng mommy ni Lantch kaya dahan-dahan akong tumango.

Nang makaupo kami roon ay nakita ko kaagad ang isang mahabang lamesa na kasya ata ang dalawang pamilya.

Sa unahan ay doon naupo ang Daddy ni Lantch sa kaliwa niya ay 'yung mommy ni Lantch katabi ang dalawa pa nitong kapatid. Sa kanan naman ay si Lantch at sa tabi niya ay roon ako pinaupo at sa tabi ko naman ay si Anton na katabi si Papa.

"Ay hindi pa pala kayo magkakilala," biglang sabi ng Mommy ni Lantch.

Kumpara talaga sa Daddy niya mas magaan makasama itong Mommy niya kasi naman ang jolly nitong tao. Siguro ay sa Daddy ni Lantch siya nagmana o baka naman pinaglihi sa sama ng loob? Sungit e.

"This is Lanelle," itinuro nito ang isang babae   na katabi nito. Ngumiti ito sa'kin. Feeling ko ay sa Mommy niya ito nag-mana. Mukhang mabait e.

"And this is Lance," pakilala niya roon sa bata na halatang masungit.

Ay parang Lantch mini version.

"She's Keycee, fiancé ng Kuya niyo." Pakilala nito sa'kin. Tumango naman ang babae habang nakangiti at 'yung bata ay blanko lang ang tingin at tumango ng isang beses.

"Let's eat." Biglang sabat ng Daddy ni Lantch at naupo sa unahan kasabay si Lantch.

Umalis sila? Hindi ko napansin ah?

"Manang, papasok na po," kasunod non ay ang pagdating ng tatlong katulong at isa-isang inilapag ang mga pagkain.

Nang matapos ilapag lahat simula sa kanin hanggang sa ulam ay nagpunta naman ang isang katulong para lagyan kami ng juice sa baso at may dumating pa na isa para naman maglagay ng tubig.

How many maids they have? Magkano kaya ang sahod dito? Pwede kaya akong mag-work rito?

"Eat up, hija." Nakangiting sabi ng Mommy ni Lantch. Nahihiya naman akong tumango at nagsimula ng kumain.

Natapos na rin kaming kumain sa tahimik na paraan. Medyo marami akong nakain dahil hindi ako nakapag-agahan kaya brunch na ng nakain ko 'tsaka shempre maraming pagkain minsan lang ito kaya marami na akong kinain.

Nasa garden ang Mommy ni Lantch ngayon at si Papa at Daddy niya ay nasa office raw nito si Anton naman ay nasa tabi ko sa sala.

"Saan pala ang kwarto ko?" Tanong ko kay Lantch nang maisipan na kailangan ko nga pala ilagay at i-ayos ang mga damit at gamit ko.

"Teka,"

Ibinaba niya ang hawak na cellphone at iniabot kay Anton.

Ang hilig niya ata ipahiram ang phone niya? Buti at hindi nasasaktuhan na tumatawag ang sugar mommy niya.

Married To A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon