Nagkakagulo na naman sa College of Engineering, halos katabi lang kasi nila ang gym kung saan nagpapractice ng basketball ngayon ang mga varsity. At ang pinagkakaguluhan ng lahat...ay ang star player at above genius senior student na si Darren Capistrano. Bukod kasi sa napakatalino nito, sya na rin yata ang nagmamay ari ng pinakagwapong mukha sa buong university ng Reinhard. Maituturing din itong gifted at multi talented dahil sa kakayahang taglay nito.
" Mia, san ka pupunta? ", tanong ni Liza sa kaibigan na halos madapa na dahil sa pagmamadaling lumabas ng room.
" Manonood ng practice "
" Practice ng.. ? "
" Basketball. Nasa gym si Darren! "
" Again? Last week lang nanood ka ng practice ng banda nila di ba? "
" Oh bakit? Iba naman yun..basketball ngayon "
" Mia, ilang practice ba ni Darren ang dapat mong panoorin? Tinatract mo ba mga activities nya? May klase pa kaya tayo "
" Alam ko. Hindi ba pwedeng sumilip kahit sandali? "
" Naku, bahala ka na nga "
" Liza..bakit di mo kaya itry panoorin si Darren, kahit once lang. Para alam mo yung ganitong feeling. Look, lahat halos ng classmates nating girls nauna ng lumabas, kasi nga panonoorin sya "
" Wag mo nga kong madamay damay dyan. Araw araw naman natin halos nakikita yung lalaking yun. Di kayo nagsasawa? "
" Kaya nga try mo syang panooring maglaro ng basketball o kaya tumugtog ng instrument, for sure..magkakacrush ka rin sa kanya"
Napailing lang sya sa sinabi ni Mia.
" Palibhasa kasi wala kang puso, manhid, walang damdamin, para kang bato... "
" Enough! Go.. alis na at baka di mo na sya abutan! ", nakapamewang nyang sabi sa kaibigan
Umalis nga si Mia at naiwan sya sa klase. Hindi na sya nasurprise ng makita nyang wala na lahat ang classmates nyang babae.
Ano bang meron sa Darren na yun at halos lahat ng ladies dito sa Reinhard ay nagkakandarapa sa kanya. Gwapo nga, pero well known naman sa ming lahat na playboy! Ano kayang napapala nila Mia sa kakabuntot nila dun. Hindi nga sila pinapansin man lang. Mga atat masyado!
" Liza, hindi ka ba lalabas para manood ng practice ng mga boys?", tanong ni Drew, ang kaklase nyang maangas
" Should I? ", pasuplada nyang sagot dito.
" So are you telling that you're not interested with him? "
Napipika na sya sa kausap. Kunsabagay, talaga namang mainit ang dugo nya rito noon pa man. Saksakan ng yabang pero hindi naman kagwapuhan.
" Ako sure akong hindi, how about you? ", sarcastic nya itong hinarap. Alam na alam kasi nya na pinagtitripan sya ni Drew.
" What?! Nagbibiro ka ba?! Alam ko na..you're just teasing me to provoke me to kiss you? ", tangkang lalapitan sya nito ng biglang....
BLAGGG!!!
" Ouch!! ", napaupo ito sa sakit ng suntok nya. Nagdugo pa ata ang labi.
" Subukan mong bastusin ako uli. Sa susunod hindi lang yan ang aabutin mo sa kin! "
Lumabas na sya. Suma tutal lalabas din pala sya! Ngunit hindi para manood ng practice, kundi para magpalamig ng ulo. Lagi na lang syang inaasar ni Drew, naipon na ng naipon. Oo mukha syang manang, at hindi sya halos napapansin ng mga lalaki. Sa suot nyang makapal na salamin at buhok na laging nakapony, napakaliit ng percent na may makakilala sa kanya sa loob ng malaking university tulad ng Reinhard, liban na lang sa mga kaklase nya. Pero walang karapatan ang maangas na yun para paglaruan sya!
Makapasok na nga lang sa gym!
________________________________
" I love you Darren !! Shoot mo naman yan para sa kin !! "Napatingin si Darren sa babaeng tumawag ng pagkalakas lakas sa kanya. Kahit napipilitan, binigyan nya ito ng isang matipid na ngiti habang nagpapractice sya ng free throw. Halos mapalundag sa tuwa ang babae ng pumasok ang bola sa ring. Nagkibit lamang sya ng balikat at nagdribol na muli patakbo. Sanay na sya na pinagkakaguluhan. Halos araw araw ay may babaeng sumusunod at tinitilian sya, at yun ay isa sa mga naoobsessed sa kanya. Pero hindi nya type.
She's a playboy and certified womanizer, pero mataas ang standard nya sa girls. Nasa hanay ng mga model, artista, at beauty queen ang mga dinidate at niroromansa nya. Elitista at matatalino rin para may sense kausap. Kaya kung wala sa ganong category..no thanks, but you're out of his league!
" Mia ano ba nakakahiya ka, tili ka ng tili dyan! "
" Oh, anong ginagawa mo dito? Akala ko ayaw mo? ", gulat na tanong nito kay Liza
" Pano yung classmate nating gwapo, nagsisimula na namang mang asar "
" Ikaw naman, di ka na nasanay. Hayaan mo na yun, pinagpapapansin mo pa kasi "
" Hindi ako masasanay no. Anyway, napuno na ko..kaya ayun sinapak ko "
" What?! Are you crazy, patulan daw ba talaga?! Mamaya bweltahan ka nun "
" I don't care at hindi ako natatakot sa kanya ! "
" Aray!! ", sigaw biglang sigaw ni Liza
Aksidente syang tinamaan ng bola sa ulo. Pero maya maya ay nagtilian ang mga tao sa pwesto nya. Hindi nya pa masyadong alintana dahil para syang nahihilo sa impact ng bola.
" Sorry... "
Tumingala sya at nagulat kung sino ngayon ang kaharap nya. Kaya pala nagkaroon bigla ng commotion sa side nila dahil sa presence ng isang Darren Capistrano!
Dire diretso itong pumunta sa kinauupuan nya ngunit hindi para alamin kung okay ba sya, kundi para kunin ang bolang tumama lang naman sa ulo nya. He picked up the ball and returned to the court without saying any word liban na lang sa sorry nito kanina na parang labas pa sa ilong.
Ganon lang yun? Eh halos makakita ko ng mga stars dahil sa medyo malakas ang pagkakatama ng bola tapos sa kanya parang wala lang. Tao po ako, hindi estatuwa! , gusto nya sanang isigaw
Sa inis nya ay lumabas sya ng gym.
" Pag minamalas ka nga naman! Ano bang araw ngayon, Friday the thirteenth ba? ", parang sira syang kausap ang sarili
Nagpasya syang bumalik na lang sa room. Tutal maya maya ay darating na rin naman ang professor nila. For the mean time, haharapin na muna nya ang maangas na si Drew. Tama si Mia, dahil pagbalik nya sa room ay agad syang nilapitan ni Drew na nakakuyom ang kamao at iniamba ito sa kanya.
" Sige Drew ituloy mo lang yan ", mahinahon at nakatawa pa nyang sabi rito. Gusto nya talagang inisin ang kaharap.
Titig na titig pa rin ito sa kanya at hindi inaalis ang kamao na nakadikit na halos sa pisngi nya.
" Magsasayang ka lang ng energy. Wag mo sanang kalimutan na nagtuturo ako ng Taekwondo dati, itinigil ko lang dahil ayaw na ng daddy ko. Kaya kung ayaw mong umuwi ng may saklay tumabi ka at naaalibadbaran ako sa mukha mo ", bulong nya
Unti unting binaba ni Drew ang kamay nito. Malamang...takot lang nya pag sinaktan si Liza. Mukha syang mahina at mahinhin, pero sa totoo lang, alam nyang palaban ito at may taglay na sariling lakas kapag tinatawag ng pagkakataon. Mahirap kalaban ang isang Liza Sandoval, wala itong pakialam...at walang kinatatakutan!
*** PLEASE COMMENTS, VOTES, & SHARE THIS STORY!! ***
________________________________
Support my other works:
Revenge vs. Revenge - Jerome & Athena
The Stolen Crown - Prince Rafael & Diana
The Priest and I - Steven & Roxanne

BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!