(chapter 37) " goodbye "

196 3 2
                                    

THANK YOU SA PAGHIHINTAY..MERRY CHRISTMAS :)

___________________________

Pasukan na naman. bagong taon na naman ang haharapin. sabi nila, bagong taon, bagong buhay. sarap sana magkaganun..yung total transformation. kalimutan ang mga bad vibes nung nakaraang taon. the previous year is not really good dahil sa nangyari samin ni Drake pero di ko makakaila na it was one of the best years dahil nakilala ko siya. sinaktan niya ko pero ayoko masyado maging bitter. siya din naman ang naging dahilan kung bakit naging masaya ako..kung bakit nagmahal ako sa kauna unahang pagkakataon.

pumipili ako ng pagkain sa canteen ng may yumakap sakin bigla

" oh my goshhhh!! i miss you sissy! grabe ang dami kong kwento sayo "

namiss ko rin si Khay at ang maingay na bunganga nito. buti pa siya mukhang ang saya ng ikukuwento. eh ang baon kong kwento sakanya? isang malaking drama.

" osige paguusapan natin yan. namiss kita bruha! o tara kain tayo libre ko "

mamon lang ang binili namin tsaka juice. paborito naming meal yun pag umaga.

" may nakilala ko sa province namin. bagong lipat lang daw sila dun. gwapo nya sobra! sana bakasyon na ulit para makita ko siya. hiningi nya nga number ko eh and magkatext na kami " halatang kilig na kilig siya habang kinukuwento ito

" o teka pano si Norman? "

" sssshhhhhh! wag ka maingay di niya to alam.quiet lang ha "

" ikaw talaga dami mong lalake pag ayan nalaman ni Norman "

" wag mo ikuwento kay Jasper satin lan to. dami pala talagang gwapo sa paligid sis nagtatago lang haha o ikaw ano chika mo sakin?sorry ha di tayo nagkakatext walang signal dun eh..you know,province thing totoo pala yun..aakyat ka pa sa puno para makasagap ng signal.alangan naman magstay ako dun muka akong unggoy "

natulala ako sa tanong nya kung ano ikukuwento ko..pero bago ako magsalita,nagtanong ulit siya

" ano kamusta christmas at new year nyo ni Drake?ano gift nya sayo?pumunta ka ba ulit sa bahay nila? "

di ko alam pano sisimulan.sa naging tanong niya parang nanikip na naman ang dibdib ko

" huy ok ka lang? "

" Khay.....wala na kami..."

" what?!! bakit? what happened? " tumabi siya sakin at niyakap ako. nagsimula na naman tumulo ang luha ko. simula kasi ng mangyari yun..wala akong napagsabihan ng nararamdaman ko..kaya sumabog nalang bigla ngayong kausap ko na si Khay. Si mama naman, tinatanong kung anong nangyari pero hindi pa ko handa sabihin sakanya yun. ayokong malaman niya kung gano ako nasasaktan. pilit kong tinatago yung lungkot at sakit sakanila ni papa.

" gusto mo upakan ko yun? ano tara samahan mo ko ituro mo bahay nila! "

" Khay....sobrang sakit....bakit nya nagawa yun? I thought mahal nya ko...pero bakit ganun yung nakita ko..." daing ko sakanya habang yakap siya. hinahaplos naman niya ang likod ko

" tara punta tayo sa room dun tayo magusap masyado public dito sabihin inaaway kita "

bago pa kami makatayo ay may nag abot sakin ng panyo

" just in case you want to use this " sabi nya

" thank you Jasper. sige una na kami ni Candice " si Khay na ang sumagot para sakin

" thank you " sabi ko nalang sakanya

" kung kelangan nyo din ng isa pang kaibigan..just in case..nandito lang ako "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon