(chapter 39) " my angel "

211 2 4
                                    

NOTE:

Sorrrryyyyyyy talaga kung ngayon lang ako nag update :( babawi na ko swear ;) pasensya na kung nagbreak sila Candice at Drake..it's part of the story eh :) salamat ng marami sa mga nag aabang at nagbabasa padin ng story kahit matumal mag update ang author haha

_____________________

Quarter of seven ng bumalik ako ng school. Kakatapos ko lang mag yosi. Hinihintay ko kasi lumabas si Candice para ihatid siya. Dapat 6pm uwian na nya pero pumunta pa daw siya ng library para humiram ng libro. Ayaw nya na rin sana magpahintay pero gusto ko. Paraan ko to para makasama siya. Isang Jasper Morillo Arellano naghihintay para sa isang babae? Oo isang himala yun. Pero ano magagawa ko..gusto ko si Candice. Hindi, mahal ko na siya. Posible din pala sa isang playboy na kagaya ko ang mainlove. Lakas makabading nu? Natalo ako sa pustahan sa mga tropa ko ng di ko napasagot si Candice sa pinagusapang araw. Pero kahit tapos na ang pustahan, eto nanliligaw parin ako. Pursigidong makuha siya. At ngayong wala na sila ng boyfriend nya, pagkakataon ko na to. I'm going to make sure that she will be mine. Papasok na sana ko ng campus ng may tumawag sakin

" Jasper! "

Isang lalake na kilalang kilala ko sa anino palang. Tinignan lang ako nito. Waring nag usap ang mga mata namin. Gusto nya yata kaming magusap. Sumunod naman ako agad. Habang naglalakad ay tinawagan ko si Candice

" nasan ka? " tanong nya

" may pupuntahan lang ako saglit.babalikan kita sa school hintayin mo ko "

" sige maghihintay ako "

Nasa likuran lang ako at sumusunod sa direksyong pinupuntahan nya. Siguro'y pupunta siya sa may likod ng school kung saan kaunti lang ang dumadaang tao. Ng huminto sya sa paglakad, sinimulan ko ang paguusap namin.

" ano part two ba ulit ng suntukan? "

" gusto ko lang makipagusap pare. Walang init ng ulo please "

" deal.tungkol saan?kay Candice ba? "

" oo. Gusto ko sana siyang ibilin sayo..kung pwede,alagaan mo siya..ingatan.."

" di mo kailangan sabihin yan dahil yun talaga balak ko "

" hindi ko nagawa yun sakanya..kaya nawala nalang siya bigla sakin "

" alam ko nangyari sa inyo. Kinuwento nya lahat. Pano mo nagawa sakanya yun? Mahal na mahal ka nya. Kung nakikita mo lang pano siya nasasaktan, pagsisisihan mong ginawa mo yun "

" walang nakakaintindi sakin ngayon..pero balang araw lalabas ang totoo. Wag na nating pag usapan yung nangyari. Ang gusto ko lang, isang matinong usapan. Lalake sa lalake. Lalayo ako sakanya..sa inyo pero ipangako mo na di mo siya pababayaan. Na magiging masaya na ulit siya "

Nakakagulat at sinasabi niya ang mga ganitong bagay. Akala ko pagbabawalan nya ko lumapit kay Candice..pero hindi. Binibigay nya pa ito sakin

" gagawin mo yan? Di ka ba nagbibiro? "

" I promised her na di na ko mang gugulo. Kaya seryoso ko sa mga sinasabi ko ngayon.

Bago ko tuluyang mawala, I want to assure that she's in good hands. "

" wag ka mag alala,di ko gagawin yung ginawa mo sakanya. Aasahan ko yung sinabi mo. Mahal ka pa rin nya pero handa akong gawin lahat para makalimot siya. At mas mapapadali yun kung lalayo ka "

" makakaasa ka na hindi na ko magpapakita pa sakanya. You have my word "

" kung ganun, tapos na tong usapan na to. Naghihintay si Candice sakin "

Tumalikod na ko sakanya ng magsalita siya muli

" pero sa oras na ikaw naman ang manakit sakanya, tandaan mo babawiin ko ang akin "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon