(chapter 23) "bad-ass"

189 3 0
                                    

Papunta na ko sa building Kung saan naroon ang classroom namin. Paakyat na sana ako sa hagdan ng may tumawag sakin

" Candice! "

Si Jasper na naman kainis

" ikaw na naman?! Wala ka bang konting hiya? Pagkatapos ng mga nangyari kanina nakuha mo pa magpakita sakin?! Ok na kami eh kaya sana distansya nalang"

" Candice sandali lang may sasabihin lang ako "

Hindi ko pinansin ang sinabi nya aakyat na ko. Pero bigla nya ko hinawakan sa braso at pinigilan ako

" ano ba jasper bitawan mo ko! "

" please candice just for one minute pakinggan mo ko. After nito di na kita lalapitan. Bibigay ko yung distansyang sinasabi mo. I'm sorry sa nangyari kanina. Kung nilamog namin boyfriend mo. Siya naman kasi nagsimula eh. Siya unang nanuntok "

Lalo akong nainis sa sinabi niya.

" Kung sisisihin mo lang din si Drake sa lahat at lilinisin mo lang ang pangalan mo you're just wasting my time bahala ka na nga dyan "

" Candice seryoso na.....wala naman talaga akong balak na mang gulo sa inyo..yung pictures, wala talaga akong alam doon. Gusto ko Lang naman talaga makipagkaibigan sayo.that's all. Pero kung wala na talagang chance para maging magkaibigan tayo, ayos lang. Gusto ko lang linisin image ko sayo. Kung paano mo ko nakilala, hindi ako talaga ganun. I'm not really a bad-ass. Basta kung kailangan mo ko, nandito lang ako kahit di tayo close. Makikinig ako. Sige.....ayun lang.....akyat ka na "

Kinukunsensya pa yata ako ng gagong to..

" jasper...."

"huh? Bakit? "

" sorry din Kung hinusgahan kita. Kung sinisigawan kita everytime na magkikita tayo. Wala namang masama sa pakikipagkaibigan. Kaya lang kasi ayoko naman masira yung relationship namin. Obvious naman na pinagseselosan ka ng bf ko diba. Kaya ayun. Pero Jasper nafifeel ko naman na kahit konti eh may kabaitan ka dyan sa sistema mo kaso nga lang mas nangingibabaw kayabangan mo eh. Di ba mas ok kung may face tapos maganda ugali...sana ayusin mo yan.."

" ganito nalang. Kalimutan nalang natin yung una nating encounter. Hayaan mo ko magpakilala sayo ng maayos...ako nga pala si Jasper Andrei Morillo "

Tatanggapin ko ba yung offer niya? Baka magalit na naman sakin si Drake...pero diba masama naman yung hinuhusgahan agad yung isang tao? Friends lang naman eh. Sige na nga

" Candice Erielle Rusto "

*hand shakes*

" nice to meet you Candice "

"o sige na aalis na ko"

"hatid na kita sa room nyo...Kung ayos Lang sayo"

" Hindi ok lang sige bye "

" Candice...friends na ah?promise I'll be a good friend" nakangiting sabi ni Jasper

Umakyat na ko sa second floor nang bigla ko makasalubong si Khay

" Khay! Kanina ka pa dyan? "

" yep "

" so......."

" yep.narinig ko lahat " medyo disappointed ang itsura nito

" bakit ka nandyan?bakit wala ka sa loob? "

" mag ccr sana ako kaya lang sarado yung cr dito sa second floor kaya sa ground floor sana kaya lang mukhang may eksena kayo ni Jasper kaya di muna ko bumaba agad " paliwanag nya

" naiihi ka na nga nakuha mo pang makinig? Tibay ng pantog mo haha "

" samahan mo nalang ako sa cr dali "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon