(chapter 50) " reception "

125 1 1
                                    

PLEASE  TAKE NOTE. THIS CHAPTER IS ON MY POV. ITALICIZED WORDS ARE THE CHARACTERS' POV

__________________________

Author's POV

Mahaba na ang nabiyahe nila Candice at Drake pero wala silang imikan. Pareho silang naiilang sa isa't isa. Si Drake, nahihiya sa ginawa niyang pagsusungit kay Candice nung nakaraan. Si Candice, nagtatampo pa rin sa ginawa ni Drake sakanya. Hindi niya alam kung paano kikilos gayong iniiwasan na niya ito.

" malayo pa ba tayo? " -Candice

" malapit na. gutom ka na ba? " -Drake

" hindi "

" are you mad? "

" galit? sino? ako? "

" may iba pa ba? "

" hahaha bakit naman ako magagalit? may ginawa ka bang hindi maganda sakin? " sarcastic na tanong ni Candice

All this time hindi niya alam kung bakit hindi na ko nagpaparamadam. Kung bakit umiiwas ako sakanya. May amnesia ka lang diba?! pero hindi ka manhid! >.<

Nakarating na sila sa reception. Pagkahinto ng kotse ay lalabas na sana si Candice ng hawakan siya ni Drake para pigilan itong bumaba.

" Let's talk. I know it's very awkward pero I am very sorry for what I've done. alam ko namang nagmamagandang loob ka lang "

" Expired na yang sorry mo " mataray na sagot ni Candice

" Nagsosorry na nga eh bakit ba ayaw mo pa ko patawarin? "

" so galit ka ha? ikaw pa galit ngayon? alam mo nakakainis ka! napaka insensitive mo sobra! ano ba naman yung umeffort ka para kausapin ako ng maayos at makapag sorry ka sakin?? "

" ito na nga oh nagsosorry na ano pa ba gusto mo? "

" ilang buwan na nakalipas...tsaka mo sasabihin sakin yan? bakit? dahil ba nakokonsyensya ka na ha? "

Hay Candice ano ba kasi gusto mong gawin ko para tanggapin mo sorry ko? Kung iisipin nga pwede na kitang pabayaan kung ayaw mo ko patawarin..pero bakit ba sinusuyo pa kita?

" Ang hirap mo naman suyuin eh. sorry na kasi..mali ako..sobrang mali talaga yung inasal ko sayo. please forgive me..bati na tayo "

Natanggal ang kunot sa noo ni Candice ng makita ang expression ng mukha ni Drake. Ganitong ganito kasi ito mag sorry dati kapag nagseselos siya o kaya naman ay nagtatampo siya.

It is really the same you..you forgot everything but not those gestures that makes me love you.

" sige bati na tayo "

" totoo? walang bawian? "

" oo walang bawian :) "

" wag ka lalabas ah teka lang "

" ha? bakit?? "

Lumabas si Drake sa kotse para pagbuksan ng pinto si Candice.

" bawi bawi din ah? " biro niya

" kulang pa nga to para makabawi dahil sa mga ginawa ko sayo "

" buti naman alam mo "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon