(chapter 52) " you are mine "

158 1 0
                                    

Candice's POV

" Sakay na! " pasigaw na utos sakin ni Jasper. Sumakay nalang ako para matapos na. Hiyang hiya ako sa eksena namin kanina. Nakakahiya sa pamilya ni Drake. Sumakay ako at inilagay nya ng mabilis ang mga gamit sa back seat. Hinarurot nya ang takbo ng kotse at busina siya ng busina. Para siyang nakikipag unahan sa bawat sasakyan. Ang nakakatakot pa, pababa ang daan.

" Bagalan mo naman yung takbo o..." Mahinahon kong pakiusap. Mainit ang ulo niya at ayoko ng sabayan pa.

" Kagabi pa ko punong-puno! "

" bakit ka ba kasi nagkakaganyan? "

" Nakita ko kayo kagabi.Punyeta siya! hindi na nakuntento sa babae nya pati ba naman ikaw?!"

Ano ba nakita niya kagabi?nakita niya kaya lahat??

" ano ba sinasabi mo? "

" magkayakap kayo kagabi diba?kitang kita ko yun! ano naalala ka na ba niya ha?! "

Buti naman at yun lang ang nakita niya..

" Hindi pa.." Nagsinungaling ako dahil baka lalo siyang magalit at ano pa ang magawa niya. Hindi niya pa dapat malaman. Not now..

" Nagsasabi ka ba ng totoo? "

" oo.at kung maaalala man niya ko,sigurado ako matatagalan pa yun "

" thank God "

" so calm down.sana tinanong mo nalang ako ng maayos "

" pero bakit magkayakap kayo? "

" nagsorry lang siya sakin sa ginawa nya kaya niyakap niya ko "

" yun lang ba talaga? "

" oo yun lang.."

" sorry naparanoid lang ako. but believe me ginawa ko lahat para hindi magselos kahit ganun ang nakita ko.pwede ko nga siya sugurin kagabi pero hindi ko ginawa. kaya nga inuwi nalang kita para malayo siya sayo "

" pero sana sinabi mo ng maayos.nandun yung pamilya niya "

" I'm really sorry hindi na mauulit "

Hindi pa pala niya alam na lilipat na ko ng school. yun nalang ang gagawin kong topic para malihis ang usapan.

" Jasper may sasabihin pala ako "

" ano yun? "

" ahmmm kasi lilipat na ko ng school "

" what??kailan?? "

" this coming sem.."

" bakit naman?! scholar ka diba? o ano problema bakit ka pa lilipat? "

" kinausap kasi ako nung  nakaraan..tinanggal ako sa scholarship "

" ha?! eh ok naman grades mo ah? "

" oo nga.hindi ko rin alam eh pero pinatanggal daw kasi ako nung major sponsor ng scholarship kaya kahit walang valid reason, sinunod nila "

" that's unfair! pwede natin yan ireklamo! "

" naisip ko na rin yan pero bakit pa?sayang lang sa panahon.pwede naman akong lumipat ng ibang school.may chance parin akong maging scholar "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon