(chapter 18) " meet the family "

215 3 0
                                    

Eto na new chapter :)) mahaba to ah para makabawi ako haha

NO TO CYBER CRIME LAW !!!!!!

_______________________

Nagsimula na ang klase pero ako? Lutang parin. Bakit ganito nararamdaman ko? Parang nadisappoint ako... Sana si Drake nalang yung gumawa nun. Sana siya nalang ang nagsurprise sakin ng ganun. Pero bakit si Jasper pa? Napaka ironic ng nangyari. Si Jasper na kinakamuhian ko, nag effort ng ganun? Aaminin ko, kinilig ako. Pero kahit sinong babae matotouch sa harana effect.

bakit ba masyado ako natuwa sa mokong na yun? Kalagitnaan palang naman ng birthday ko. Malamang may hinanda din sakin si Drake. Naku subukan mo lang na walang surprise sakin Drake aawayin kita talaga haha pero makasama lang kita ayos na yun

" hoy Candice, iniisip mo si Jasper noh? " bulong ni Khay habang naglelecture ang prof

" sssshhhhh!wag ka maingay mapagalitan pa tayo nyan e. di ko siya iniisip.si Drake iniisip ko "

" ay oo nga pala mamaya mo na pala mamimeet in-laws mo "

" oo bibitayin na yata ako mamaya "

" goodluck girl. Magpaimpress ka ha "

" impress?pano ba yun? "

" edi poise haha pero keri na yan ng charm mo "

"charm?wala ako nun "

" anu ka ba dapat masaya ka. Birthday mo eh. Enjoy mo nalang moment mo mamaya with your new family "

Kinilabutan naman ako sa new family na yan. First time ko maipakilala sa parents eh. Siya kasi first boyfriend ko

Ang bilis lumipas ng Oras.....uwian na pala.

Geeez nandyan na si Drake

" Khay una na ko ha? See you on Monday. Ipag novena mo ko"

"ipapamisa pa kita haha love you girl ingat ka happy birthday"

"thanks...bye"

Hinahanap ko yung kotse ni Drake pero bakit wala. Nasan na yun?

Nilapitan ko yung van na dinescribe Nya at binuksan niya yung pinto pagkadating ko sa harapan nito

" come in Candice "

" Drake nasan kotse mo? Bat van dala mo? "

" si mang Kanor nga pala driver namin "

" good afternoon mam " bati sakin ni mang Kanor with smile :)

" ayyy Magandang hapon ho mang Kanor :) ako po si Candice "

" ay mam Candice napakaganda nyo naman pala talaga. Bagay na bagay kayo ni sir Drake ano ho "

" perfect match ba mang Kanor?" sabay akbay sakin ni Drake

" haha thank you po Mang Kanor buti nga ho eh napikot ako nito " sabi ko

" ikaw kaya pumikot sakin Candice! "

" excuse me?! Ako?? Eh ikaw nga tong broken hearted sa Australia "

" naglalambingan ang love birds haha " singit ni mang Kanor

" o sige na panalo ka na. Pasalamat ka birthday mo hmmmmmm " sabay pisil sa pisngi ko

"awwwwwwwwww!!"

" by the way happy birthday my love "

Ang sarap naman pakinggan nung my love :)))

" thank you :) "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon