(chapter 41) "love til death"

192 1 0
                                    

THIS IS AN IMPORTANT CHAPTER SO PLEASE READ :)

This is the turning point of their lives..hopefully makapgupdate ako mamaya.

Sorry sa mga typo..eedit ko nalang

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa :*

_____________________

Isa kong malaking gago para sabihin ang lahat ng iyon kay Jasper. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ipamigay si Candice. Gusto ko siya angkinin buong buhay ko. Sana pala hindi ako nawalan ng loob para ipaglaban siya. Para ipaglaban ang pagibig namin. Napakalaki kong tanga! Mahal na mahal kita Candice. Di ko sinasadya na gawin yun....

Nasa baywalk ako ngayon. Nagpapahangin habang tumutungga ng beer. Dito ako dumeretso pagkatapos ng paguusap namin ni Jasper at ni Candice sa likod ng school nila. Baka nga ituloy ko nalang ang paglayo. Kahit mahirap, tutupad ako sa napagkasunduan.

Yun ang tumatakbo sa isip ko ng mag ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot ng makitang si Candice ang tumatawag. Umiiyak siya at hindi ko maunawaan ang sinasabi nya. Hirap siyang magsalita dahil sa pagiyak. Di ko maiwasang magalala sakanya. Baka kasi kung napano siya. Aalis daw ang mama nya at nagaaway ang mga magulang nya. Gusto ko siya puntahan para patahanin siya..para masigurong maayos siya.para mayakap siya. Yun kasi ang ginagawa ko para kumalma siya. Natatandaan ko, sabi nya sakin gustong gusto nyang tinatawag ko siyang baby lalo na kapag umiiyak siya. Pakiramdam daw nya kasi isa siyang bata na inaakay kapag ganun. Kaya naman kahit wala na kong karapatan sabihin sakanya yun, tinawag ko pa rin siyang baby para gumaan ang loob nya. Hindi naman ako nagkamali dahil tumigil naman siya ng bahagya sa pagiyak. Nagulat ako ng binaba nya bigla ang telepono. Bakit kaya? Ano kaya nangyari sakanya? Puntahan ko na kaya? Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi padin siya tumatawag. Maghihintay nalang ako hanggang tumawag siya ulit. Kahit text man lang basta malaman kong okay siya.

Inaabangan ko ang tawag niya ng mag ring ang cellphone ko muli

" hello Candice! "

" who's Candice? "

Hindi ko napansing iba pala ang tumawag.

" ikaw pala "

" parang nadisappoint ka naman yata? Are you expecting a call from someone? "

" hindi ayos lang.bakit ka napatawag? "

" I was just wondering kung pwede ka tonight. May gig kasi ako dito sa Mayrics bar.invite sana kita "

" pasensya ka na pero wala kasi ako sa mood ngayon "

" Sige na please. Para naman ganahan ako magperform ng maayos. And promise ito na yung una't huling hihingi ako sayo ng favor. Sandali lang naman yun then pwede ka na umalis after "

Tutal paubos na din yung beer ko dun nalang ako iinom. Mahirap na baka mahang over pag nabitin.

" sige pupunta ko "

" really? Wow! Sige hintayin kita ha. I'll reserve a seat for you "

Narating ko ang bar within 10minutes. Malapit lang kasi ito sa baywalk

Pagpasok ko ay isang banda ang tumutugtog. Baka susunod palang siya na magpeperform.

" Drake! "

" hey "

" bilis mo ah ano ka nag jet plane? Haha just kidding "

" may upuan pa ba? "

" of course.dun ka sa may unahan para malapit sa stage "

" sige salamat punta na ko dun "

" mabuti pa nga. Ako na rin susunod after nila. Pupuntahan kita pagkatapos ng set ko " nakangiting sabi nya sakin

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon