(chapter 60) "start of forever"

197 6 0
                                    

AUTHOR'S MESSAGE: Hello po :) gusto ko lang i-take ito as an opportunity para pasalamatan kayong lahat. Almost one year na bago ko matapos to. Ang sipag ko kasing mag update haha! Pero kahit matagal, naghihintay parin kayo sa bawat chapter ng buhay nila Candice at Drake :) This is the last chapter. No sequel. I'm sorry :) sa lahat ng nakarelate sa story na to..I hope na inspired ang ilan sa inyo. Sana kahit konti eh may moral kayong napulot :) hindi ganun karaming reads ang story ko compare sa iba pero kuntento na ko sa ilang bumabasa nito. Kung mapapansin nyo medyo iba yung style ko sa pagsulat. Pa rang script form. Mas kumportable kasi ako na more on lines para mas dama nyo yung characters. Okay this is it. The last chapter. Sana magustuhan nyo yung ending dahil pinaghirapan ko to :) THANK YOU :*

____________________

Drake's POV

Pagtapos namin mag usap ni Jasper, nakaramdam ako ng lungkot. After five years, you still have the same effect on me Candice. Wala na dapat akong nararamdaman para sayo especially now that I'm getting married..and that you are getting married..biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na ikakasal ka...sa iba. Ano ba nangyari sa mga pangako natin sa isa't isa..Ang sakit isipin na tuluyan ka ng mawawala sakin. Pero kasalanan ko naman diba..Hindi kita pinakinggan..Tinaboy kita papalayo sakin..at ngayon, pag mamay ari ka na ng iba. Naiisip mo pa rin kaya ako? Mahal mo pa rin kaya ako? Siguro hindi na. We had our second chance pero pinatalo ko pa. At ngayon,dapat kong tanggapin ang mga consequences. I wish to see you...even one last glimpse.

Pinili kong pumunta sa lugar na napaka espesyal sa amin. Sa tabing dagat..tamang tama at palubog na ang araw. Madalas ako dito kapag gusto ko mag isip. Kapag may problema. Dito ay nakakahinga ako ng maluwag kahit pa puro alaala niya ang bumabalot dito. Gustong gusto kong nilalakad ang baywalk ng magkabilang dulo. Hanggang ngayon ay naaalala ko parin yung saktong lugar kung saan ako sinagot ni Candice. Paano ko makakalimutan eh isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Nasa bandang dulo yun katapat ng pinakamataas na puno. Sa kalagitnaan ako nagumpisa mag lakad lakad. Nagmuni muni ng mga bagay na gustong kong pag isipan. Handa na ba talaga akong magpakasal kay Pamela? siya ba talaga ang gusto ko makasama? Kaya ko ba maging asawa sakanya? at si Candice..kaya ko ba siyang makita na kasal sa iba at hindi sakin? Malapit na ko makarating sa pwesto namin noon. Napukaw ang atensyon ko sa isang babae na nakaupo doon. Sa dami ng uupuan nya, bakit dun pa? Pero habang papalapit ako,biglang kumabog ang puso ko. Namumukaan ko ang babae na iyon kahit naka tagilid ito mula sa akin. Nananaginip lang ba ako...O baka naman nagdidiliryo..imposible....paano....

Nakalapit pa ako sakanya. Hindi niya ko napansin dahil parang nakapikit siya. Hindi ko alam ang mararamdaman..siya....siya ang nasa harap ko ngayon...Candice....

Kumuha ako ng lakas ng loob para lapitan at kausapin siya.

" dito ko pinagsigawan kung gano kita kamahal..natatandaan mo pa ba? " sabi ko habang nakatayo ako sa likuran niya. Ilang segundo rin siguro bago siya napalingon. Marahil ay binosesan muna niya ako at tsaka napagtanto na ako iyon. Dahan dahan siyang lumingon sa akin..wala akong masabi..I saw her lovely face again after many years..I missed her so much..

" Drake...Ahh...Hi... " sabi niya sakin habang patayo siya sa kinauupuan. Di ko napigilang yakapin siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero gusto ko siyang mahawakan..kung nananaginip lang ako..sana hindi na ko magising..

" ahhhh..how are you?" tanong nya pero hindi ako sumagot. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Medyo matagal rin kami sa ganoong posisyon pero binitawan ko rin siya makalipas ang ilang sandli

" anong ginagawa mo dito?kailan ka pa bumalik? saan ka tumutuloy ngayon? kumusta ka? " naaligaga ako bigla at sunod sunod ang naging tanong ko sakanya

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon