(chapter 55) " face off "

130 1 0
                                    

PLEASE READ FIRST CHAPTER 54 PARA MAINTINDIHAN ITONG CHAPTER

Who will win the basketball game? :)

Team Drake or Team Jasper?

Lakas maka Princess and I eh haha! enjoy :D

BTW, this chapter consists of different POV's ^_^

__________________________

Candice's POV

Nakauwi na kaya si Drake? Mag aalas nuwebe na pero hindi pa rin ako tinatawagan. Sabagay bukas na yung laban nila. Ang galing nga eh..isang game lang ang magaganap sakanila. Kaya kapag natalo, wala ng pagkakataon para bumawi. Di na nakapagtataka kung bakit patayan ang pagppractice nila nitong mga nakaraang linggo. Hindi na niya ko nahahatid pauwi. Mas nabawasan na ang oras namin para sa isa't isa kapag nasa school. Madalas nga absent siya sa mga subjects na magkaklase kami. Excused naman daw siya. Medyo nakakatampo pero naiintindihan ko naman. Nakasalalay sakanila ang tagumpay ng school namin.

itetext ko nalang siya

< baby ingat ka sa pag uwi ha?kumain ka ng marami.wag ka masyado magpuyat.get enough rest.I LOVE YOU :*** >

makatulog na nga lang. excited na ko para bukas. bukod sa makikita kong maglaro si Drake for the first time..wala kaming klase :))

_________________________

Drake's POV

8 hours na yata kami nagppractice. kailangan talaga namin galingan bukas. Hindi pwedeng manalo yung kalaban. Hindi pwedeng manalo si Jasper

" ok boys come over here " utos ni coach samin. agad naman namin siyang pinalibutan

" tomorrow is a big day! we need to give our very best to win! hindi na tayo pwedeng matalo sa pagkakataong ito. malaki ang ineexpect sa atin ng buong school. so please give your best shot. all of you. lalo ka na Drake. ikaw ang magdadala ng team natin "

" yes coach! "

" you may go now. see you tomorrow "

Nagtakbuhan agad ang mga teammates ko papuntang shower room pero tumakbo ako papunta sa pwesto ng bag ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko para icheck ang mga text ni Candice

ang dami na nya palang missed calls at message. baka galit na sakin yun. tinawagan ko siya pero hindi na sumasagot. nakatulog na siguro kakahintay sakin. promise, matapos lang ang laban, babawi ako sayo. hindi kasi ako pwedeng pumetiks petiks lang. ikaw ang nakasalalay dito Candice..

_________________________

Jasper's POV

" Pare mauna na kami ah? hindi ka pa ba uuwi? " tanong sakin nung teammate ko

" mamaya uuwi na ko. konting practice pa "

" sige ingat tol "

ako nalang ang naiwan sa gym. lahat sila nag uwian na. alam ko magaling na ko pero alam ko din na mas may igagaling pa ko. sa lahat ng basketball game, ito ang pinaka mahalaga sakin. Hindi lang to basta laro para maging MVP ng team kundi para matalo si Drake. Ipapamukha ko sakanya na mali ang binubunggo niya. Mananalo ulit kami. Lalampasuhin kita sa harap ni Candice

" Jasper Arellano? " sabi ng isang babae..teka namumukaan ko siya

" buti naman nandito ka pa. akala  ko masasayang pagpunta ko dito " dugtong niya

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon