(chapter 3) " confrontation "

266 2 0
                                    

Di matanggal sa isip ko yung sinabi ni Drake sakin na may gf siya. Nagseselos ba ko? Hindi pwede wala akong karapatan eh. Tsaka ano naman kung may gf siya? Wala naman akong balak na agawin siya. Friends lang kami. Hindi ko pa nga siya nakikita eh. Pano kung pandak,maitim,bungi at may baktol siya? Ewww diba so dapat wala akong pakialam. Buhay niya yun. Hindi ang kagaya niya ang pwede makakuha ng puso ko. Imagination palang siya kung tutuusin. But at the back of my mind, may kirot. Ganito pala ang feeling ng may crush. Natututo na yata ako ng dahan-dahan kung pano magmahal. Ha?ano?teka tama ba tong naiisip ko? Pagmamahal? My gosh dalaga na yata ako.

Napapansin ko, nagiging sweet na sakin si Drake. Caring,thoughtful. Habang ako, nagpipigil. Nagpipigil na ma-fall sakanya. Hanggang maaari kasi ayoko mahulog sakanya dahil may girlfriend siya. Kahit ganito kami alam ko kung hanggang saan lang ako. Ayoko magtake advantage sa sitwasyon nilang dalawa ni Mindy. Hindi ako ganong babae. Ayoko maging kabit. Babaeng kaibigan lang ako na pwede niyang makausap at makasangga. Minsan ay napaguusapan namin ang relationship nila ni Mindy. Ramdam ko ang pagkawalang gana niya kapag ayun ang topic. Naiimagine ko ang sitwasyon nila. Parang hangin lang sila sa isat isa.

Susunduin ko siya sa school tapos hahatid sa bahay nila. Walang holding hands at kiss. Para kaming strangers na naglalakad lang ng sabay. Mag dedate kami pupunta ng mall, kakain, bibilin ang luho niya. Tapos hatid ulit ganun. Yan ang kwento ni Drake sa akin Kung pano ang takbo ng relationship nila. Puro bakit ang tanong ko pero puro basta ang sagot niya sakin. Di ko man maintindihan bakit, ang malinaw sakin ay not in good terms sila.

Ang sarap sabihin na ako nalang mag-aalaga sayo. Kung alam niya lang talaga. Di bale makasama ko lang siya ok na ko dun. 1 hour na yata siya nag text ng wait pero di pa din siya nagtetext. Bakit kaya?

< uyyyy :) >

no reply talaga siya. sige hintay nalang ako...

after 5 mins

< BABY >

ayun nagtext na din siya.

< tagal mo naman haha >

< sorry BABY kasi kasama ko kanina GIRLFRIEND ko>

ouch kelangan big letters yung girlfriend? siya na may girlfriend.

< ahh kaya naman pala so kamusta naman siya baby? >

< ok naman GIRLFRIEND ko BABY actually nagtetext siya >

< o nagttext sa harap mo? sino katext niya? >

< IKAW BABY! wow baby pala ha. fyi i'm mindy..Drake's gf >

shit tama ba tong nababasa ko?si MINDY? oh my....ano sasabihin ko?magrereply pa ba ko?

*phone ringing*

hala tumatawag na siya sasagutin ko ba?wag nalang ayoko ng away

< answer my call. natatakot ka bang malandi ka? >

ano??ako MALANDI?!excuse me hindi ako ganun!

" hello "

" buti naman sinagot mo "

" di ko kasi namalayan na tumatawag ka na "

" hindi namalayan o sadyang hindi pinansin dahil natatakot ka? "

mataray yung boses nya..boses warfreak. kahit sa phone ko lang siya kausap parang kaharap ko na siya at anytime sasampalin ako.

" i'm sorry kung di ko nasagot agad. uhm bakit ka tumawag? "

" i just want to clarify kung kabit ka ng boyfriend ko "

KABIT??!ano ba pinagsasasabi nitong bruha na to? Hindi ko gusto pananalita nya sakin. How dare her.

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon