(chapter 43) " morgue "

168 2 0
                                    

Candice's POV

Totoo ba tong nakikita ko? Hindi maari....hindi ka pwedeng mawala Drake. Hindi sa ganitong rason at paraan...I'm so sorry baby....please don't go.....wag mo sakin gawin to....

Nahihirapan akong huminga sa mga sandaling ito...hindi mapigilan ang pag agos ng mga luha. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganitong sitwasyon. Pero pwede pala mangyari kahit kanino. Sa anumang oras pwede siya mawala. Pwedeng mamatay ang taong labis kong minamahal. Lord, ibalik nyo nalang po ako sa nakaraan. Dun sa mga masasayang nakaraan namin..yung may sarili kaming mundo. Puro saya at pagmamahalan lang. Nagkamali ako. Kasalanan ko kung bakit nagkaganito kami. He is a perfect man..a perfect boyfriend..he doesn't deserve any of this. Kahit anong consequence pa po ang ibalik nyo sakin, tatanggapin ko ng buo. Kung yun ang magiging kapalit ng buhay nya, handa ako magsakripisyo.

Patuloy parin ang pagrerevive sakanya. Halos lahat ng tao sa loob ng emergency room ay nag papanic. Lahat kami ngayon ay walang ibang iniisip kundi panalangin. Yun nalang ang pwede naming kapitan at paniwalaan. Kitang kita ko ang pag diretso ng linya sa life monitor nya pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Alam ng puso ko...hindi nya ko magagawang iwanan.

" anak, lumaban ka. Mahal na mahal ka ni mommy " pakiusap ni tita habang nakatingin rin sa loob ng E.R

Napakasakit siguro para sa isang ina ang makitang nag aagaw buhay ang anak. Lord, kahit mabuhay nalang siya para sa pamilya nya..ayos na sakin....

Napansin kong bahagyang tumigil ang mga doktor sa pagrerevive sakanya..unti unti ring napatigil ang mga nurse sa ginagawa. Parang biglang nahulog ang puso ko sa kaba...hindi ko na napigilan ang sarili na buksan ang pinto

" doc bakit po tumigil kayo? Hindi pa siya okay diba?Bakit tinigil nyo? Irevive nyo siya ulit! Doc! Baka mamatay siya ano ba! "sigaw ko habang yakap ako ni kuya warren para pigilan. Gusto ko magwala..bakit ba nakatunganga nalang sila! Bakit nila pinapabayaan si Drake?! Mga naturingang doktor pero wala silang ginagawa!

" we tried everything..we're sorry. He's not responding anymore "

" hindi nyo pa ginawa lahat! Akin na ako gagawa nyan! " sabi ko

" Candice! Tama na wala na tayong magagawa "

" meron kuya! Meron! Bubuhayin natin siya! Kuya tulungan mo ko...buhayin natin siya...iligtas natin siya...."

" wala na si Drake..bumitaw na siya.."

" hindi.....hindi..."

In denial pa ko sa mga nagaganap. Alam kong meron pa. Nilapitan ko si Drake..nilapitan ko ang bangkay na sinasabi nila. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya....buhay pa siya...

" Drake..gumising ka...sabi mo sakin hinding hindi mo ko iiwan diba?sabi mo yun...diba tayong dalawa forever? Nagpromise ka sakin Drake...tuparin mo yun please....bumalik ka sakin.....nakikiusap ako sayo...." sabi ko sakanya habang hinahaplos ang mukha nya.

Siguro'y ilang minuto rin akong nakayap sakanya habang umiiyak. Hinayaan nalang nila ako kasama siya kahit sa mga huling sandali

" baby...gising ka na...ayaw mo na ba ko makita? Pagluluto kita ng paborito mo..miss na miss na kita..sino na mangunglit sakin pag wala ka? Sino na maglalambing sakin pag nagtatampo ako? Diba sabi mo ayaw mo ko umiiyak? Patahanin mo na ko baby....please wake up...."

" Candice...kailangan na siya dalhin sa morgue "

" konting oras pa kuya. Hihintayin ko siya gumising "

" wag mo na pahirapan ang sarili mo. Mas mahihirapan si Drake pag ganyan ka "

" edi ayos yun...para bumalik siya.."

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon