(chapter 59) "chances"

135 2 0
                                    

second to the last update :) alam ko matagal kayo naghintay. sorry tlaga,may summer class kasi ako kaya hindi ako makagawa.  last chapter, to be followed. dun ko nalang isasama yung message ko sa inyo ^__^ for now, ito muna. gusto ko na rin talaga matapos to dahil alam ko hinihintay nyo na ang ending nila. will it be a HAPPY ENDING? let's see :P

________________________

Jasper's POV 

Papunta na ko ngayon sa apartment ni Candice. Ilang taon na rin kami may maayos na estado. May magandang trabaho kami pati na rin ang relasyon namin, umayon na sa pangarap kong mangyari. Natutunan na niya kong mahalin. Masasabi kong akin na siya. Pero totoo nga bang akin siya? Sinasabi niyang mahal niya ko pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Baka nga naging substitute lang ako sa puso niya. Pero kahit ganun, masaya na ko. Makita ko lang siyang ngumiti na ako ang dahilan, parang pwede na ko mamatay.

Nalaman kong ikakasal na sila Drake at Pamela. Pero dapat ko pa bang sabihin yun kay Candice? Baka bumalik na naman yung sakit na matagal ko ng inalis sakanya. Pero karapatan niyang malaman. 

" how are you handsome? " bati sakin ni Candice pagpasok ko. Sinalubong niya ko ng yakap at halik

" hey beautiful. ang bango mo naman " binaba ko ang gamit ko sabay hawak sa bewang niya

" mapaparami kain mo ngayon let's go " hinatak niya ko papunta sa dining area. Kung siya ang mapapangasawa ko, ang swerte ko sigurong lalake. Sobrang maalaga siya. Wala ka ng hahanapin pa.

" may problema ba sa work mo? you look worried. is something bothering you? " patay. napansin niyang may iniisip ako. 

" come on tell me. baka makatulong ako " pinipilit niya kong umamin. kabisado niya talaga ako. alam na alam niya kapag may problema ako o di kaya may iniisip. Siguro sasabihin ko nalang. Sa tagal namin, siguro naman wala ng epekto yun sakanya. 

" Candice..I have to tell you something "

" ano yun? sige lang..anything. makikinig ako "

" Si Drake...ikakasal na sila ni Pamela "

Ilang segndo rin siguro ang lumipas bago siya makasagot sakin

" R-really? that's--good news! "

" I read an article about it. kanina sa office "

" wow ayos yun. kailan daw ba kasalan? hindi ba tayo invited? haha "

" are you okay? "

" yes...yes...ah teka wala pa palang tubig..I'll get some "

Alam ko iniiwasan niya ang tanong ko..dahil baka masaktan lang ako sa isasagot niya. I saw the look on her face. She's hurting...again. Ito yung kinatatakutan ko. Na malaman ang katotohanan na mahal parin niya si Drake hanggang ngayon. Bumalik siya dala ang pitsel ng tubig. Namumula ang mga mata niya. Hindi ko nalang pinansin. Kumain nalang kami at hindi pinagusapan ang tungkol sa kasal. Nanonood ako ng t.v habang pumasok naman siya kaagad sa kwarto niya. Mukhang alam ko na kung bakit. Pumasok ako sa kwarto niya para icheck siya.  

" still up? " tanong ko sakanya kahit alam ko namang gising pa siya

" pasok ka "

Namumugto ang mga mata niya. Kahit medyo madilim sa loob dahil lamp shade lang ang nagsisilbing ilaw, nahalata ko pa rin ito. Hindi ko na napigilang magtanong sakanya dahil alam ko namang apektado siya sa binalita ko.

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon