(chapter 40) " his comfort "

186 2 2
                                    

Ano kaya paguusapan namin ni mama? May nangyari kaya? Kinakabahan naman ako

" Candice dumating ka na pala. Kumain ka na ba? " tanong ni mama

" hindi pa po mamaya nalang siguro. Ano po ba yung sasabihin nyo sakin? "

Naupo kami ni mama para mag usap. Hindi pa umuuwi si papa at may ginagawa naman sa kwarto ang kapatid ko

" ma, may nangyari po ba? "

" anak, naaalala mo ba yung ninang Des mo? "

" opo diba nasa U.S na sila? "

" oo at maganda na ang buhay nila doon "

" ano po ba yun ma? Sabihin nyo na sakin nakakakaba kasi "

" anak kasi diba college ka na. Yung kapatid mo naman sa private school nag aaral. Lumalaki ang gastos habang nagtatagal kaya naisipan kong magtrabaho. Nirecommend ako ng ninang Des mo at may mapapasukan na kong trabaho sa U.S "

" Ma?! Aalis kayo?! Pano naman kami? Scholar naman ako eh, may trabaho naman si papa. Malapit na ko grumaduate tapos ako na magpapaaral kay tine. Hindi mo na po kailangan umalis ma "

" anak kahit ba scholar ka, eh lumalaki ka na, may mga pangangailangan ka din. Tsaka yung ibang gastusin sa school nyo pano nalang yun? Hindi naman din kalakihan sweldo ng papa mo "

" alam na ba to ni papa? Ni tine? "

" hindi pa. Ikaw palang sinabihan ko. Pero hayaan mong ako ang magsabi sakanila lalo na sa papa mo. Within next week, aayusin ko na yung mga papers na kailangan ko. Naghihintay kasi. Sakin yung trabaho nak nakakahiya naman sa ninang mo kung matatagalan pa kong umalis "

Niyakap ako ni mama ng makita nyang naluluha ako. Ayoko siyang umalis. Hindi ako sanay na hindi kami kumpleto. Isa pa, siya ang close ko sa bahay dahil wala naman din si papa. Siya ang napagsasabihan ko ng problema. Kaya pano nalang kung aalis si mama..pano na din yung kapatid ko samantalang maliit pa yun.

" ma, please wag na po. Kung gusto nyo magwoworking student ako "

" wag na hindi kami papayag. Mag focus ka lang sa pag aaral mo. At minor de edad ka pa. Wala kang mahahanap na trabaho. Hayaan mo nalang kami ng papa mong maghanap buhay para sa inyo. Tahan na "

" gano po ba kayo katagal mawawala? "

" hanggang sa sapat na ang maipon ko. Bahala na nak. Mabigat din sa loob ko ang iwan kayo lalo na ang kapatid mo pero ganun talaga kailangan mag sakripisyo "

" mama wag na po wag nyo kami iwan.... "

" O anong nangyayari? Anong iiwan? Sinong aalis? " sambit ni papa. Pareho kaming nagulat ni mama sa pagdating nya. Agad naman akong nagpunas ng luha para hindi makahalata si papa

" wala ito kasing si Candice nag ddrama. Anak, magbihis ka na muna. Mag uusap lang kami "

Pumasok ako sa kwarto para makapag usap sila. Bakit parang sunod sunod naman yung mga nangyayaring problema sakin? Bakit ba lalong bumibigat yung pakiramdam ko...kelangan ko ng makakausap..kelangan ko ng mahihingahan. Pero kanino? Hindi ko naman maabala yung mga kaibigan ko dahil may kanya kanya din silang problema. Si Jasper, hindi pa naman ganun kagaan ang loob ko sakanya para pagsabihan ng ganito..at si Drake..siya sana..pero para saan pa? Para ano pa?

Bigla ko nalang narinig na sumisigaw si papa

" sinong nagsabi sayo na magtatrabaho ka?! Ako ang padre de pamilya! Responsibilidad ko yun! Hindi responsibilidad mo! Dito ka lang sa bahay! "

" nagiging praktikal lang naman ako! Lumalaki na mga anak natin intindihin mo naman ako bilang isang ina! Gusto ko lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan "

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon